Gusto kong bumalik sa panahong walang tayo.
Yung ako lang ang mundo ko.
Yung mas inuuna kong maging masaya.
Nangangarap at puno ng pag-asa.Gusto kong bumalik sa panahong walang ikaw.
Yung okay lang kahit saan ako magpunta at kahit maligaw.
Hindi kailangang mahati ang puso ko.
At hindi rin kailangang ikaw ay isipin ko.Gusto kong bumalik sa panahong may ako.
Yung hindi iniisip ang panghahamak ng mundo.
Yung hindi alam kung paano masaktan.
Yung wala pang kailangang kalimutan.
BINABASA MO ANG
Collectanea
RandomTAGALOG/ENGLISH Collection of poems, letters, features, facts, etc. This is UNEDITED. So bear with the grammatical errors and spelling mistakes.