Letter

75 2 0
                                    

✍🏻 Hidden letter of "Elias and Salome (The Untold Story)"

.🍒. 🍒. 🍒.

October 17, 2015

Aking Elias,

          Hindi ko talaga inaasahan ang pagdating mo. Akala ko'y habangbuhay akong maghihintay sa'yo. Alam mo ba na napakasaya ko? Alam mo ba kung gaano ako kasabik na makapiling ka? Oo nga't sadyang mapaglaro sa'tin ang tadhana pero kapit lang aking mahal, pasasaan ba't malalampasan din natin ang mga balakid na 'to. Tutuparin natin ng magkasama ang lahat ng mga pangarap na ating binuo. Hindi man perpekto, hindi man magarbo, pero sisiguraduhin nating magiging maligaya tayo. Pinagkait man sa'tin ang sampung taon, biniyayaan naman tayo ng Diyos ng mga susunod pang taon para maipadama sa isa't isa ang tunay at wagas na pag-ibig. Hindi man natin masilayan ang isa't isa ng malapitan, hindi mo man mahawakan ang aking mga kamay, hindi ko man marinig ang tibok ng iyong puso, umaasa pa rin akong iisa ang ating gusto. Na ang tangi nating pinanghahawakan ay ang ating pagmamahalan.

          Araw-araw akong iibig sa'yo. Hindi mapapagod ang puso ko sa pagsigaw ng pangalan mo. Hindi kailanman maliligaw ang puso ko sa iba dahil ikaw lang ang nagmamay-ari nito. Madalas ka mang magtanong patungkol sa nararamdaman ko, hindi ako magsasawang sagutin ka ng paulit-ulit. Kung noon, ako lang ang naghihintay sa'yo, hindi na 'ko magdaramdam pa sapagkat ngayon, hinihintay mo na rin ako. Nawala ang lahat ng pangangamba sa puso't isip ko dahil kampante ako sa pag-ibig mo. Nawala na rin ang takot ko dahil alam kong nariyan ka upang sagipin ako. At kung ikaw nga talaga ay isang panaginip, walang kaso kung magising man ako dahil alam kong magkikita pa tayo sa muling pagtulog ko.

          Mahal na mahal kita, Elias. Mahal na mahal.

                                                                                                                              Ang iyong,
                                                                                                                                      Salome

.🍒. 🍒. 🍒.

CollectaneaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon