Sa unang kaway mo kinilig na 'ko.
Dun sa pangalawa at sa "musta?" feeling mo okay pa ba 'ko?
Tipid-reply pa 'ko sa'yo para hindi halatado.
Dalagang Pilipina kunyari para 'di ka dismayado.Gustuhin ko mang sabihin sa'yo ang true feelings ko.
Hindi pupwede kaya ako'y pumreno.
Baka kasi isipin mo easy-to-get ako.
Nagpa-hard na lang kahit ang totoo bumubwelo.Hindi ko inexpect na may maramdaman akong kakaiba sa'yo.
You're expressing something kasi na lalong nagpagulo sa utak ko.
Pero deadma lang, assuming lang talaga siguro ako.
Cross-fingered pa rin baka naman ang gut-feeling ko'y totoo.At napatunayan ko nga nung magkita na tayo.
Yun ba yung 'slow mo'?
Yung biglang tumigil ang ikot ng mundo.
Yung ikaw lang at ako.Pakiramdam ko babaeng-babae ako.
First time ko kasing maligawan ng katulad mo.
Yung katulad mo talaga kasi ikaw ang gusto ko.
Antagal kayang naghintay ng puso ko sa'yo."Pwede ba 'kong manligaw sa'yo?"
'Di na nagpakipot at umuo agad sa tanong mo.
Yung sabay hh at kuha ng litrato.
Unang tagpo pero feeling ko forever na talaga to.Kakaalis mo pa lang nun pero ba't may iba?
Na-miss kaagad kita.
Pero inisip ko na after-shock lang ng kilig.
Nag-inhale-exhale na lang sabay inom ng tubig.Sa bawat araw na kausap ka.
Masaya ako ngunit may kaba.
Sa takot kong mawala ka.
Naglihim ako at nagpa-inosente pa.Nalaman mo nga pero sa iba pa.
Hindi mo man maamin, sa'kin ay nagalit ka.
Pero kahit naging selfish ako.
Isang paliwanag ko lang at tinanggap mo pa 'ko ng buong-buo.May mas hihigit pa ba sa lalaking katulad mo?
Yung kaya pang magmahal ng katulad ko?
Yung ipaglalaban ka at hindi susukuan.
Yung chill lang kahit magulo na ang puso't isipan.Ibang klase ka din magmahal no?
Sobrang tatag ng loob mo.
Nagdesisyon kang kayang-kaya mo 'kong ipaglaban.
Kaya sorry kung hindi na kita pakakawalan.
BINABASA MO ANG
Collectanea
RandomTAGALOG/ENGLISH Collection of poems, letters, features, facts, etc. This is UNEDITED. So bear with the grammatical errors and spelling mistakes.