Chapter 3 - The Prove

1.4K 80 4
                                    

Humiga si Alexis sa kama at napatingin tingin sa ceiling, dala na rin ng pagod bigla itong nakatulog. Ilang saglit lang nang tumagilid si Alexis, bigla siyang alimpungatan ng makita si Amitiel na nakaupo at tinitingnan siya.

ALEXIS: AHHHHHH! (Sigaw ni Alexis ng makita si Amitiel, sabay banagon at napasandal sa may ulunan), paano ka nakapasok dito? Magnanakaw ka noh?? (dagdag ni Alexis)

Tumayo si Amitiel,at nagpalakad lakad.

ALEXIS: Paano ka na pasok dito? (nanlalaking mga mata ni Alexis), umalis ka, kungdi sisigaw ako dito, tatawag ako ng pulis. (dagdag ni Alexis)

AMITIEL: E di tumawag ka (malumay na sagot ni amitiel)

ALEXIS: Anu ngang ginagawa mo dito? At papano ka nakapsok? (napatigil si Amitiel sa paglalakad, tiningnan niya si Alexis)

AMITIEL: Di ba sabi ko naman sayo, pupuntahan kita.

ALEXIS: Sinundan mo siguro ako noh? (agad hinagis ni Alexis ang kanyang unan), umalis ka dito, ALIS!!! (sambit ni Alexis)

AMITIEL: Kaya ako nandito para ipakita sayo ang aking, ayaw mo kaseng maniwala.

ALEXIS: Pakpak? Anung pakpak? Hoy babae, tigilan mo na yang kabaliwan mo ha, pwede ba? Istorbo! (saad ni Alexis)

Biglang namatay ang ilaw..

ALEXIS: Anung nangyari? Black out ba?

Sa puntong iyon ay mas lalong nanlaki ang mga mata ni Alexis ng biglang lumiwanag, halos nasisilawan siya sa sobrang liwanag, di katagalan ay napansin niyang si Amitiel ay nakalutang halos naaabot na ang ceiling.

ALEXIS: Anung gingawa mo diyan? Bakit? (gulat at halos hindi makapagsalita si Alexis sa nakikita niya)

AMITIEL: Di ba sabi ko sayo ako'y isang anghel, kaya ito (ibinuka ni Amitiel ang kanyang mga kamay kasabay nun ay ang paglaba ng kanyang Pakpak)

Nanlalaki ang mga mata ni Alexis at nanginginig ang mga labi nito sa gulat at takot.

ALEXIS: Mamamay (sabay tinitutor ang kanyang daliri kay amitiel), papapakpak ka? (sabay hinimatay ito)

Lumipas ang ilang oras, nagising rin si Alexis, padilat ng kanyang mga mata, napatingin tingin muli ito sa ceiling.

ALEXIS: Whoooo! Panaginip lang pala (sabay buntong hininga)

AMITIEL: Buti naman nagising kana (sambit ni Amitiel)

ALEXIS: WAHHHHHHHH!!!!!!! (malakas na hiyaw ni Alexis),andito ka (sabay bumangon ito subalit), Arayyyy! Ahhhh ang sakit (halos hindi kinyanan ni Alexis ang iangat ang kanyang sarili sa pagbanagon, dala ng sobrang sakit sa kanyang kanang kamay.), Ahhhhhh ang sakit anung nangyari? Bakit ang sakit? (halos inalalayan ng kaliwang kamay ni Alexis ang kanang kamay sa sobrang sakit, namumula ang kanyang mukha, halos manginyak-ngiyak ito), anung ginawa mo sa kamay ko?

AMITIEL: hmmmmm,(gulat na reaction ni Amitiel), ako pa may kasalanan ngayon? Tsk tsk tsk (sabay nnapailing ng ulo)

ALEXIS: Anung ginawa mo sa kamay ko? (tanong ni Alexis)

AMITIEL: Nakalimutan mo na ba? Diba naaksidente ka? (kitang kita parin sa mukha ni Alexis ang sakit, habang pinipilit alalahanin ang nangyari sa kanya nung gabing iyon, nang maalala niya ang naging reaksyon ng doctor sa kanayng nung agad siyang bumangon)

ALEXIS: Tama ang doctor? Ahhhhhhhhh ang sakit.

AMITIEL: Mali ang pagbagsak mo nung naaksidente ka, kaya nadali yang kamay mo. Ginamot kita, sa halip na magpsalamat ka, tinawag mo akong baliw. (ngumiting sarkastiko si Amitiel), total hindi ka naman naniwala, binawi ko yung kapangyarihan ko.

Anghel Sa Lupa ''The comeback'' (GxG) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon