Cleo suddenly went blank. She was trying to absorb what she just heard.
"may I court your best friend?"
"may I court your best friend?"
"may I court your best friend?"
"may I court your best friend?"
"MAY I COURT YOUR BEST FRIEND?"
"WHAAAAAAATTTTTTTTTTTTT~~~~~!!!!!!!!!"
Agad na tinakpan ni Elmer ang bibig niya. Naging bilog ang mga singkit niyang mata sa gulat. She really can't believe it! Spell shock. It's C-L-E-O...
"Huy. Nagtinginan tuloy sila." Nagpalinga-linga ito sa paligid.
Tinanggal niya ang kamay nito sa kanyang bibig. "WHAT DO YOU THINK-"
"Aish! Doon nga tayo sa walang masyadong tao!" he pulled her, holding her wrist.
Dinala siya nito sa isang kwarto, kung saan ay walang gumagamit ng mga oras na iyon. Cleo pulled back her wrist.
"Okay. Let's proceed-"
"Bless you! Ang sakit ng hatak mo sa akin!" nagpamewang ito. "Like I was about to ask you earlier, what DO YOU THINK YOU WILL DO?! Huh?! PAGLALARUAN MO ANG BEST FRIEND KO?! Alam mo naman na from the start ayaw ko sa'yo... hindi ka naman manhid para hindi mo maramdaman iyon, 'di ba?!" humalukipkip siya. Aba! Akala ba niya papayag siya? Malakas ang "intuition" power niya, at umpisa pa lang, iba na ang pakiramdam niya dito kay Elmer. May masama siyang kutob dito.
Nakatingin ito sa labas ng bintana. Huminga ito ng pagkalalimlalim saka tumingin sa akin. "Talaga bang tutol-"
"Oo. Tutol ako. Ayaw ko. No. Aniyeo. Lahat na ng language na 'No'. Gets mo?"
Nagulat siya sa sumunod na ginawa nito. Lumuhod lang naman ito sa harap niya.
"FUDGE!!! WHAT ARE YOU DOING?!!"
"I'll do everything para lang hindi ka na tumutol. At para na rin malaman 'yung sagot sa una kong tanong kanina," nakatingin sa kanyang sinabi na may matamis na ngiti sa mukha.
I cannot trust that smile...
Sabay silang napalingon sa malakas na pagbukas ng pinto. Iniluwa nito si Christian, na aakalain mong walang emosyon ang mukha, ngunit nakikita ni Cleo na galit na galit ito.
Malakas na hinatak nito ang kwelyo ng polo ni Elmer. Ngayon ay nakatayo na ito. Sa una'y nakatingin sa sahig itong si Christian. Nang itinuon niya ang kanyang mga mata sa hawak na si Elmer ay blanko ang emosyon ang mga mata.
Hindi maintindihan ni Cleo ang mga nangyayari. Una, ang kay Elmer. Liligawan niya si Tin? Pangalawa ay ang biglang pag-atake ni Christian kay Elmer. Bakit galit na gailt naman ang isang 'to kay Elmer?
"Akala ko ba 'yung best friend ang sa iyo? Ano 'to? Sulutan?" si Christian, na wala pa ring bahid na emosyon.
Elmer chuckled. Mas humigpit ang hawak naman ni Christian sa kanya.
"What?! Why can't you ANSWER ME?!" tumaas na rin ang boses niya.
Nanginginig na si Cleo sa takot. Takot sa kung anong magawa ni Christian kay Elmer. Lumapit na siya sa dalawa. Kahit nanghihina ay sinubukan niyang tanggalin ang pagkakahawak ni Christian sa kwelyo ni Elmer.

BINABASA MO ANG
Caught
Novela JuvenilDug my own grave. Caught by my own trap. I was the one who fell in love.