It's been six days, ganun pa'rin ang ginagawa ko. Titig kay Troy, inaabangan siya, minsan pa nga ay sinusundan pa siya. Hindi ko na mabago yung daily routine ko for Troy. Siguro... ganyan na talaga kapag obsessed much ka sa isang lalaki.
Siya nga pala, Saturday ngayon. Obviously, walang pasok. Kaya pwede akong magpagabi sa mga gadgets ko at sa pagbabasa ng iba't ibang novels and Wattpad stories.
"Mom! Aalis po muna ako! Bibili lang po ako ng bagong libro!" bungad ko habang inaayos ko yung bag kong dadalhin.
"Oh sige, anak! Ingat ka ha!" sabi ng Mom ko at dumiretso na ako palabas ng bahay namin. Nag-taxi na lang ako.
Papunta kasi ako ngayon sa bookstore. Eh, kailangan ko ng bagong librong babasahin. Halos lahat ng books ko sa bahay ay nabasa ko na.
Nakarating na rin ako sa bookstore after 25 minutes. Maaga pa ngayon, kaya wala pang traffic.
Dumiretso na ako sa mga Teen Fiction section ng bookstore. Hinahanap ko kasi yung The Selection, gusto kasi ng pinsan ko nun kaya... bibilhan ko siya. Mabait akong ate eh!
Nahanap ko na rin yun at kinuha ko. Ngayon, kailangan ko ring bilhin na yung para sa'kin.
Nakita ko yung isang book na sinulat ni Rick Riordan. Kukunin ko na sana nang may isa pang kamay na humawak sa libro.
Nang mahawakan niya yung kamay ko... and gosh! May spark! Kakaiba 'tong nararamdaman ko! Tsaka... bumibilis rin yung beats ng puso ko!
"Ahh... Miss. Bibilhin mo 'yan?" nanigas ako nang marinig ko yung boses niya. Pamilyar sa'kin 'to!
Nilingon ko siya. At hindi nga ako nagkamali! Si Troy! Kaya pala ganito ang nararamdaman ko ngayon! May sparks and etcetera etcetera!
"Uhh... o-oo sana... kaso b-bilhin mo rin pala..." mahina kong sinabi.
Binitawan ko muna yung libro at kinuha niya 'yon. Siguro bibilhin na niya... nakaka-sad naman... sayang! Pero... ok lang! Sakanya naman mapupunta!
"'Lam mo... gustong-gusto ko si Rick Riordan," panimula niya at napatingin ako sakanya. "T-talaga?" sabi ko. "Yah. I like him. You know... ang galing-galing kasi niya magsulat ng libro..." ang swerte naman ni Rick Riordan. Buti pa siya gusto siya ni Troy... nakakaselos.
"Ah...oo nga." sabi ko. At nagsalita ulit siya, "Pero ok lang! Here~" inabot niya sa'kin yung book,"~sa'yo na lang. Ikaw na lang bumili niyan." ani ni Troy at 'di ako makapaniwala sa ginawa niya.
"H-hindi! O-ok lang! Ikaw na lang!" binigay ko ulit sakanya yung libro pero tinanggihan niya. "Ok lang! Sa'yo na! Sa susunod na lang ako bibili!" sabi ni Troy at tumango-tango na lang ako.
Tinignan ko yung mga dala-dala niya. Meron siyang mga librong napili. At dumiretso na rin siya sa counter. Sumunod din ako kinalaunan.
Nakita kong palabas na si Troy si bookstore. Well, medyo nanghinayang ako kasi hindi na kami ulit nag-usap. Maybe, once in a blue moon ko lang makakausap si Troy...
"Miss, 685 pesos po." sabi nung babae na nasa counter. Binigay ko sakanya yung P1000 ko. At inabot na niya sa'kin yung change.
Haist! Siguro umuwi na rin 'yon si Troy. Pfft... nagmu-mukhang buntot na ako dito ha!? Dahil lang kay Troy...
Medyo nakaramdam ako ng gutom at dumiretso na muna Dunkin' Donuts. At nag-order ng isang box of donits. Favorite ko rin kasi ang donuts eh kaya dito na lang muna ako kakain.
Kinain ko na yung isang donut. At kinuha ko muna yung bagong libro kong mga binili.
Nagulat naman akong bigla nang may nagsalita sa harapan ko. "Miss, pwede bang dito umupo? Puno na kasi lahat..." inangat ko yung ulo ko at nakita kong si Troy 'yon. Halos mapanganga na ako sa nangyayari ngayon!
"Uhh... s-sure!" sabi ko at umupo siya sa upuan sa harapan ko. Nilingon ko yung buong paligid... at nakita kong punong-puno nga iyon.
Dahil medyo akward na, ibinaling ko na lang ulit yung sarili ko sa pagbabasa ng libro. Nang... "Ehem... uhmm... nagbabasa ka pala niyang The Selection..." nagulat ako ng nagsalit siya.
"Ah... oo... pero para sa pinsan ko 'to." sabi ko at tumango-tango siya.
"Ugh... diba... Faith ang name mo?" nagulat ako sa tanong niya at napainom ako kaagad ng tubig.
"Oo. At ikaw naman si Troy." sagot ko.
"'Pano mo nalaman?" tanong niya.
"Simple lang. Sikat ka kasi." wika ko at tumango na lang siya.
I didn't expect na alam niya ang pangalan ako. Ako na si Faith Mendoza. Ako na... unpopular at konti ang kaibigan. Ako na... simple lang.
Hindi rin naman nagtagal yung paguusap namin ni Troy. Nauna siyang umuwi at umuwi na lang ako dahil wala naman ako nang masyadong gagawin dito mall. Hindi naman ako shopper eh.
* * *
Hindi na ako nag-lunch sa bahay namin. Doon na kasi ako nag-lunch sa mall. Trip ko eh!
Ngayon, nasa kwarto ko na ako. At hindi pa rin ulit ako maka-get over sa nangyari kanina.
Eh, 'pano ba naman kasi... nag-usap na naman kami ni Troy! As in dream ko na rin 'yon na makausap ko si Troy ng malapitan. Para bang nasa Cloud 9 ako. Iba talaga ang feeling kapag nakakausap mo ang crush mo!Makatulog na nga lang! Baka mamaya pati sa panginip ko andoon din siya...
Dear Crush,
Dati... hindi kita nakakausap, at hindi rin kita nalalapitan. Ni mahawakan nga eh... hindi. Pero ngayon... hindi ko inaakala na dadating na ako sa ganito... yung nakakausap na kita kahit paminsan-minsan. Sarap sa feeling ng ganun!
Tsaka ngayon ko lang rin nalaman na... mahilig ka rin pala magbasa. At paborito mo rin pala si Rick Riordan.
That feeling: When your crush finally talked with you... how awesome!
BINABASA MO ANG
Dear Crush
Teen FictionDear Crush, Please fall inlove with me. Nagmamahal, Faith Isang babaeng inlove at hopeless romantic pagdating sa kaisa-isa niyang CRUSH. ----- (DESCRIPTION IS EDITED) *slow updates *Teen Fiction *Comedy (?) (A/N:) Thanks for reading so far so good...