Haist..! Minsan nakakabagot ring pumasok sa school. Y'know... yung mga seatworks and activities! Kasi minsan sasabog na ang brain ko kakasagot.
Pero, dahil sa Number 1 crush ko as in nangunguna sa listahan, ay nandito sa school... present siya, ayan... medyo ginaganahan akong pumasok!
Ang sarap kasi niyang titigan... yung lahat ng galaw niya minamatyagan ko. Parang secret agent ako! Hahah--
"Ms. Mendoza! Wala ka na naman sa sarili mo!" at dahil sa sigaw ni Ma'am Peñaflor, bumalik ako sa reality! Aish! Bwiset!
"Ahh... ehh..." 'yan lang muna ang masasagot ko. Di pa kasi naka-refresh 'tong utak ko...
"Sus! Wala ka na naman sa sarili mo! Kung anu-ano ang iniisip mo diyan!" ouch! That hurts Ma'am! Hindi naman sa 'di totoo yung sinabi ni Ma'am pero... wala daw sa sarili? Nagmu-mukha tuloy akong baliw...
"Sorry po, Ma'am!" sabi ko at umiling-iling si Ma'am at bumalik na rin sa pagtuturo.
Buti na nga lang eh... hindi ako binigyan ng punishment! Minsan kasi may mga punishments. As in yung mahihirap! Sometimes mga paperworks!
At nakinig na rin ako sa tinuturo ni Ma'am. Sana... matapos na 'to!
* * *
Speaking of sana matapos na... ayan! Tapos na rin ang klase namin kay Ma'am Piñaflor. At andito ako ngayon sa canteen. Titig na titig sa crush ko na andoon sa kanto nakatambay kasama yung mga kaibigan niya.
"Huy! Besh! Nakatitig ka na naman!" bungad ng kaibigan kong si Grace. Actually, childhood bestfriend.
"Haist! Wala naman masama sa ginagawa ko! Masama na kung gamit ang titig ko ay hinuhubaran ko na siya..!" wika ko. At ayan, napalo ako ni Grace sa braso ko.
"Ang dumi mong mag-isip talaga, Faith!!!" bulalas ni Grace.
"Pfft!" at bumalik ako sa trabaho ko. Which is, ang pagtitig sa crush ko. Saya 'no?!
"Kulang nalang talaga matunaw na 'yang crush mo!" sabi ng kaibigan ko.
"Hindi ko siya tutunawin! Ayoko! Mawawalan ako ng tititigan!" sabi ko sabay kain ng burger.
"Hay nako! Grabe! Obsessed ka na talaga!"
"'Wag ka nalang maingay!" utos ko at inirapan nalang ako ni Grace.
Sa kagwapuhan ng crush ko ay hindi ko na talaga kayang tanggalin ang mga titig ko sa kanya. Shems! Naka-Mighty Bond na siguro 'tong mga mata ko!
Ay! I almost forgot! Siguro kanina pa kayo nagtataka kung ano name ng kinababaliwan ko... well, ngayon... ibubunyag ko na!
Siya si Troy Montero. Ang kaisa-isa kong kinababaliwan na lalaki. Kasing-grade level ko rin siya, pero sa ibang section. Sayang 'di kami magka-parehas!
Uhmm... sikat siya, gwapo (of course!), talented at marami pang iba! Ang dami-dami kasing words na pwede siyang i-describe! Magaling rin siya sa paggi-guitar, at sa basketball.
Kita mo! Sa pagka-baliw ko sa sakanya halos alam-alam ko na! Para kasi siyang, yung favorite kong telenobela... laging sinusabaybayan!
Naging crush ko siya nung third year pa ako. Well, new student siya dito. Si Troy. Pero kahit na new student siya, ang bilis niyang sumikat! 'Pano ba naman kasi napaka-gwapo!
Kaya ayun! Hindi pa nga one week eh sikat na siya! Mas kilala pa nga siya, kesa sa'kin na matagal na ditong nag-aaral! Pero ok lang! Gwapo siya! Kaya... naging crush ko na siya. At ayun! Tumagal ang pagka-gusto ko sa kanya.
Haist! Nag-ring na rin 'yong bell! It means tapos na ang breaktime namin. Maka-punta nga muna sa CR.
Tapos na rin ako mag-CR. Uhmm... medyo nag-ayos lang ako ng itsura ko pati yung uniform ko.
Palabas na ako ng CR, nang...
"Ah... Miss? Ok ka lang?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa hindi inaakalang mangyayari ngayon.
"O-ok l-lang ako..." sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.
"Ganun ba? Sige! Alis na ako! Hinihintay na ako ng mga barkada ko 'don." sabi niya at naglakad na rin paalis.
Oh my gosh!!! Totoo ba ang mga nangyari?! Totoo ba? Talaga?!
Kinurot ko yung braso ko. At nakaramdam talaga ako ng sakit! It means... totoo yung nangyari! Hindi ako nananaginip!
I can't wait to tell this to Grace! Sana wala ng classes! I can't wait na mag-uwian na! And I can't wait na ipanlandakan 'to sa buong mundo!
* * *
Uwian na rin! Tapos na ang classes ko ngayong day! At hinihintay ko nalang ang section nila Grace na mag-uwian.
Umupo muna ako sa isang bench na malapit sa classroom nila Grace. Kinuha ko muna yung libro kong If I Stay para mag-basa. Para naman hindi ako ma-bore. Siguro after 5 minutes matatapos na sila.
Habang nagbabasa ako ay may tumapik sa balikat ko. Paglingon ko si Grace pala.
"Oh my gosh, Grace! I have a good news!!!" bungad ko kay Grace.
"At ano naman 'yan?! Let me guess... tungkol sa crush mo..." wika niya at tumango-tango ako. "Haist! I'm not interested--" bigla kong hinila yung kamay niya at pinaupo sa bench.
"Ikukwento ko sa'yo yung nangyari kanina!" excited kong sinabi at nagsimula na ako, "Ganito kasi 'yon... galing ako 'non sa CR tapos palabas na ako nang madulas ako. Akala ko babagsak nalang ako ng ganun-ganun... pero... sinalo niya ako! Ni Troy!"
"'Di ka ba nananaginip... or something? Baka imaginary friend..?" tinignan ko siya ng masamang tingin.
"Besh! Hindi naman ako baliw para sa mga ganyan! Hindi talaga ako nananaginip!" sabi ko at nagtaas siya ng kilay.
At nagsalita ulit si Grace, "Uhmm... trinay mo bang sampalin--"
"Oo! I tried! Pero ganun talaga! Hindi talaga ako nananaginip! Gosh! Besh! First time in all of the years!" tuwang-tuwa kong sinabi sa kanya at kahit papaano natuwa na rin siya.
At ako rin! Tuwang-tuwa!
* * *
Nakauwi na rin ako sa bahay namin after ng paguusap pa namin ni Grace sa school. At kahit ngayon na nasa bahay na ako, ay hindi pa'rin ako maka-get over sa nangyari kanina.
Naka-tattoo na kasi yung moment na 'yon sa utak ko. At hinding-hindi ko 'yon makakalimutan.
Dear Crush,
I love the feeling when you look at me. My world just stopped at that moment.
BINABASA MO ANG
Dear Crush
Teen FictionDear Crush, Please fall inlove with me. Nagmamahal, Faith Isang babaeng inlove at hopeless romantic pagdating sa kaisa-isa niyang CRUSH. ----- (DESCRIPTION IS EDITED) *slow updates *Teen Fiction *Comedy (?) (A/N:) Thanks for reading so far so good...