Chapter Four (4)

261 25 8
                                    

Dahil masyado pa ngayon maaga, ay nag-decide akong mag-bike muna dito sa village namin. Hilig ko na rin kasi ang pagba-bike. Since bata pa ako.

Well, sabi nga nila biking is good for your body. Excercise na rin siguro. Maybe... good for the heart. Pero 'di naman ako natutulungan sa crush problems ko... huhu.

Pero ok na rin 'yon! Basta nakakausap ko na rin paminsan-minsan si Troy- my labs. Sarap mangarap!

Pauwi na ako nang may naabutan akong isang truck and cars sa harapan ng isang bahay dito sa village namin. Kaya napatigil muna ako sa gilid.

Parang lilipat sila dito. Sa pagkakaalam ko, ay bago pa itong bahay na 'to. Siguro nga dito na itong pamilyang 'to titira. Uhmm... mga anim na bahay pa ay bahay na namin.

Nakita kong pinapasok na ng mga grupo ng lalaki yung mga malalaking boxes. Siguro furnitures 'yon. Hmm... wala naman akong masyadong pakay... makaalis na nga.

Magpi-pidal na sana ako nang marinig ko ang isang boses ng babae. At natigilan ako.

"Troy! Go help your dad and get the other things!" ani niya.

Shet-- Troy... talaga?! As in si Troy Montero?? God... please sana siya nga!

Nilingon ko ulit yung bahay at oo... si Troy my labs nga! Shemz! Lupa! Lamunin mo na ako!!! Now na!

Dahil sa kilig ay muntikan na akong matumba sa bike ko. Nanlalambot na ang mga tuhod ko! Gosh!

Siguro kahit araw-araw na akong mag-bike para naman lagi ko si Troy makikita or maaabutan dito. I sound so obsessed!

Umuwi muna ako sa bahay namin para makapagpalit muna ng maayos na damit. Binilisan ko yung pag-bike ko para naman maabutan ko muna siya dito sa village namin baka naman niyan andito yung mga barkada niya. So... dadalian ko.


Habang nagba-bike ako, I decided na doon ako dadaan sa street nila Troy. Dadaan na sana ako nang nakita ko na si Troy at may mga kasama sila at nasa harapan na sila ng bahay nila.


Tumigil muna ako sa nauunang bahay nila at pinagmasdan muna sila.


At bigla namang may lumabas na babae sa bahay nila Troy, "Babe, tara na! Let's go to the mall na!" sabi nung girl.


Lumabas si Troy sa gate nila at inilagay nung girl yung kamay niya sa braso ni Troy. And with that... kumukulo na kaagad dugo ko.


I know... I know, na wala akong karapatan para maging ganun. At I know na I don't have a right to be jealous and feel that way... eh, sadyang ganyan ang nafi-feel ko.


Pumasok na sina Troy at yung mga kaibigan niya doon sa kotse at di kinalaunan ay umalis na rin. Hay... nalungkot tuloy ako.

Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito. Hindi na nga talaga crush ang nararamdaman ko! Inlove na ako!

Umalis na rin ako at bumalik na sa bahay. Pagkadating ko andoon na rin sina Mom at Dad. Natuwa na naman ako. Para talaga akong lunatic... Pshh!

"Hi po Mom, Dad!" bati ko at napatingin sila sa'kin. Pumunta ako sa kung saan sila. Este sa sofa pala.

Niyakap ko sila, "Yie! Miss na miss ko na po kayo! Tagal niyo din po kasing nawala!" sabi ko habang nakayakap.

"Namiss ka rin namin baby!" sabi ni Mom.

"Oo nga! Pero bago tayo kumain, 'nak maligo ka na muna! Pawis na pawis ka na oh! Baho na ng baby namin!" wika ni Dad at kumalas ako sa yakap.

Napanguso ako, "Haist! Sige na nga po! Liligo na po ako!" sabi ko then dirediretso ako sa kwarto ko at sa banyo.


Natapos na rin akong maligo at nakabihis na rin ako. Dahil alam kong maaga pa ay nag-FB na muna ako.

Dahil obsessed ako kay Troy ay wala na akong naggawa kundi i-stalk ang profile niya. Minsan talaga hindi ko na makontrol sarili ko, pagdating kay Troy Montero.

Nag-scroll lang ako. Karamihan kasi ay puro post ng mga kung sinu-sinong babae sa wall niya.

Grabe! Ang dami kong karibal!

Ila-log out ko na sana nang may bagong naka-tag na picture and post kay Troy. Tinignan ko rin 'yon dahil sa curiousity ko.


Bigla na lang akong nagulat sa picture.


Picture ni Troy at may iba pang mga lalaki at babae. Ang pinakainayawan ko is yung picture niya kasama 'yong babae kanina.

At magkahalikan sila.


Bigla na lang nalaglag yung puso ko at hindi ko na nakayanang kunin pa. Argh! Bakit ganoon? Bakit ganito? Bakit ganito talaga ang nararamdaman ko?!

Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako at hindi na rin ako nakakain ng dinner.

Haist! Peste talaga!



Dear Crush,

Bakit ganito na ang nararamdaman ko?! Mahirap tanggapin na may ibang babae. Sana isang araw mapansin mo na rin ako.

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon