Chapter 11: Chan and Tina

77 6 0
                                    

                   

Tina's POV

Kagigising ko lang. Nasa kama parin ako ngayon. Nakaharap ako sa walk in closet. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin pero ngayon good mood ako sa pag gising ko unlike the past few days. I woke up with a smile.

"Zzzzzzz!!!"

May biglang nag snore sa likod ko kaya lumingon ako. Si Alma pala. Paano siya nakapasok dito? Nagulat naman ako nun. Saan kaya siya galing? Suot niya parin ang damit niya kagabi. I'm sure may ginawa to kagabi na nakakapagod kasi ang snore niya super lakas. Bakit nga ba dito siya natutulog? Tanungin ko nalang kaya.

"Best! Wake up!"

"Zzzzzz!!!"

Ayaw niyang gumising. Ang sarap parin ng tulog niya. Sigawan ko nalang kaya.

"BEEESSSSSSTTTT!!!"

"Zzzzz-- *cough *cough"

Gising na ata to. Na choke siya sa sarili niyang laway. Hay naku tong babaeng 'to. Napaka ganda at arte pero wagas maka-snore.

"Best! Wake up. Ano ginawa mo dito? Bakit dito ka natutulog? Paano ka nakapasok?"

"Best. Mamaya na. Napapagod pa ako."

Pumikit na naman siya. Mukhang pagod talaga siya.

"Best. It's already 8:00. Saan ka ba kasi galing?"

"Best please. Bigyan mo ako ng 6 hours. Kailangan ko pang  matulog."

Sabi niya yon habang nakapikit at napaka sleepy niya yong pagkasabi.

"Anong 6 hours? Kailan ka ba kasi natutulog?"

"15 minutes ago."

"What!?"

"Zzzzzzz!!!"

Tulog agad!? Snore agad!? Wow ha! Kawawa naman ang babaeng 'to. Napatingin ako sa kamay niya. May sugat tapos para siyang galing naghugas ng ilang plates. Pabayaan ko muna ito. Pagod talaga siya.

Chan's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto. Kumakain ng breakfast. Yung Jollibee na binili ko kagabi. Kanina pa ako nakangiti at hindi ko alam kung bakit. Hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi si Jimboy. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon.

Naalala ko ang tungkol kagabi. Napangiti na naman ako. Maybe it is because unti-unti ko nang matanggap ang ginawa nina Sam at Brent sa akin.

*Knock2x!

May kumatok sa pintuan. Baka si Jimboy na 'to. Agad ko namang binuksan ang pinto at nakita ko si Jimboy na nakapikit ang mata habang nakatayo. Is he sleepwalking?

"Jimboy. Pasok kana."

Nakatayo parin siya. Natutulog ba 'to? Imposible naman. Nakatayo eh.

"Hoy Jimboy. Ano nangyari sa'yo?"

Hindi siya sumasagot. Parang naka sleepwalk nga. Saan ba kasi siya galing? Inaalalayan ko nalang siya papasok sa kwarto.

"Sige na. Akyat ka na."

Double deck kasi higaan namin tapos si Jimboy ang sa itaas ako naman sa ibaba. Ayaw niyang umakyat.

"Jimboy. Ano gusto mo? Bubuhatin kita? Ang laki mo kaya."

Bigla siyang humiga sa bed ko. Hay naku! Sige na nga. Mukhang pagod naman talaga siya eh.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayong araw. Gusto ko sanang gumala pero hindi ko alam kung sino ang isama ko. Pagod kasi ata si Jimboy tapos hindi kami okay ng mga bestfriends ko. Nakita ko ang pink hankie ni Kristina. I mean Tina. Nakapatong sa table namin. Mmm...

Victims of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon