Chapter 10: Blind Date

65 4 0
                                    

Leo's POV

"Wala. Puntahan mo si Kristina. Na sa table siya malapit sa aquarium. Dali."

"Sige"

Agad ko namang hinahanap si Kristina. Hindi ko alam na dito pala ako dadalhin ni Jimboy. Ang blockmate ko kasi ang anak ng may-ari sa restaurant na ito, si Shayne Mariano. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Sa lahat pa naman na pwede nilang i-blind date sa akin ay si Kristina May pa. Ang sikat kaya nun. Last ko siyang nakita ay nung na sa park siya, umiiyak. Nakakahiya pa naman ang suot ko. Polo shirt tapos school slocks and school shoes?

Nakita ko na ang aquarium, nakita ko na rin si Kristina, nakatalikod siya. Lalapitan ko na sana pero bigla siyang tumayo at lumingon. Nag eye to eye kami ng ilang second. Ang ganda niya, ang ganda ng mata niya. Ano dapat kong sabihin? Bahala na.

"Hi!"

"Hi!"

Ang awkward naman nito. Nahihiya talaga ako.

"I'm Leo."

"I'm Kristina."

Nakipag shake hands ako sa kanya. Ang lambot ng kamay niya.

"Upo ka muna."

"Sorry pero may kasama kasi ako. Pupuntahan ko pa siya sa CR."

"Si Alma?"

"Yes. Paano mo nalaman?"

Oo nga pala. Hindi niya pa pala alam ang tungkol sa blind date. Ako nalang mag-explain sa kanya.

"Upo ka nalang. This is part of Alma's plan."

Buti naman at umupo agad siya. Pero halatang nalilito siya.

"What do you mean?"

"Ano kasi, Ahm... Kilala mo ba boyfriend ni Alma?"

"Yes, si Jimboy."

"I'm Jimboy's cousin."

"Really? So ano ibig sabihin mo na this is part of Alma's plan?"

"Plano kasi nina Jimboy at Alma na i-blind date tayo."

Lalong nalito si Kristina. Kitang-kita sa mukha niya.

"What? Kung blind date to, bakit mo alam?"

"Nabuking ko si Jimboy."

"So meaning, we are dating right now?"

"I think so."

"Well, this is awkward."

Sabay kaming tumawa pero ramdam ko talaga ang pagka-awkward naming dalawa. Ang bait talaga ni Kristina.

"Kaya pala pinipilit talaga ako ni Alma na sasama sa kanya."

"Ako nga rin eh. Pinipilit din ako ni Jimboy, hindi ko naman alam kung saan kami pupunta."

"So, nasaan silang dalawa ngayon?"

"Nandun lang sa ibang table si Alma hinihintay si Jimboy."

"Ganun ba. Bakit naman nila naisipang i-blind date tayo?"

"Hindi ko nga rin alam eh."

"Patay talaga silang dalawa sa akin mamaya."

Tumatawa na naman kaming dalawa. Joke lang naman yun ni Kristina. Ang bait niya talaga. Pagkatapos naming tumawa ay bigla nalang kaming naging tahimik. Hindi namin alam kung ano ang i-topic. Awkward na naman. Oo nga pala. Kailangan pa namin mag-order. Sabi naman ni Jimboy sa akin kanina eh na siya na raw ang bahala sa bayad.

Victims of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon