Chapter 12: Awkward

112 5 3
                                    




                   

Brent's POV

Balik na naman sa klase. Ang dali naman matapos ng weekends tapos ang schooldays, ang tagal. Kanina pa ako dito nakaupo, inaantok habang ang teacher namin ay nag discuss. Wala namang pumupasok sa utak ko eh. Hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya. Ang lalim kasi ng English niya.

Hindi rin kasi ako makapag-concentrate eh. Paano  ba naman eh ang katabi ko ngayon ay si Leo. Permanent sitting arrangement namin sa subject na ito. Alam niyo naman diba na hindi kami okay sa ngayon.  Syempre gusto ko makipag-ayos sa kanya pero ayaw niya parin kaming pansinin eh. Para ngang pinapakita niya sa amin na wala na siyang pakialam tungkol sa nangyari at baliwala na kami ni Sam para sa kanya. Sa totoo nga ay nasa gitna siya namin ni Sam naka-upo. Hindi nagpapansinan. Parang mga bata. Ewan ko ba kung magkaayos pa kami kasi wala na ring gana si Sam makipag-kaibigan kay Leo. Naintindihan ko si Sam pero naintindihan ko rin kasi na nasasaktan lang si Leo at kasalanan ko yun. Ako nalang ang hahanap ng paraan para sa aming tatlo.

"Okay class, you may now go."

Sa wakas at natapos na rin ang klase. Lumabas kaagad si Leo. Halatang iniiwasan kami.  Kailangan ko pa siyang maka-usap pero biglang lumapit si Sam sa akin.

"Brent, tara na. Saan tayo mag lunch?"

"Teka lang. Kakausapin ko muna si Leo."

"Wag mo nalang kasi siyang kausapin kung ayaw niya. Hindi mo ba nakita kung paano niya tayo iniiwasan kanina?"

"Pero Sam, kaibigan parin natin siya."

"Bahala ka. Go! Wala naman tayong kasalanan sa kanya eh."

"Ako meron. Nasaktan ko siya"

Agad naman akong lumabas at nakita si Leo. Sinusundan ko at tinawag.

"Leo!"

Huminto siya tapos lumingon sa akin. Nilapitan ko na siya.

"Leo, kailangan nating mag-usap."

"Wala na si Leo."

Ha? Anong wala na si Leo? Eh sino siya? Nagjo-joke ba si Leo? Seryoso naman ang pagkasabi niya ha.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mr. Leyson!"

May tumawag sa akin sa likod. Lumingon ako at nakita ko teacher namin. Siguro may bad news 'to. Pero kailangan ko pang kausapin si Leo. Pagtingin ko kay Leo ay naglakad na siya paalis. Pinabayaan ko nalang muna siya. Paglingon ko naman ay nakita ko si Sam.

"See? I told you. Pabayaan mo na si Leo. 'Wag mo nang pilitin. Desisyon niya naman na ibaliwala ang frienship nating tatlo eh."

Nakakalungkot talaga. Lalong-lalo na ngayon na ayaw na rin ni Sam makipag-ayos. Pero kung talagang mahal ni Leo si Sam, bakit ganun ang pinapakita niya na attitude? Nilapitan ko nalang ang teacher na tumawag sa akin. Ibang bad news na naman 'to.

Chan's POV

Naguguluhan na talaga ako. Na-miss ko na sila pero parang hindi ko pa kaya makipag-ayos sa kanila. Napaka-awkward pa naman kanina. Sa gitna ako naka-upo nina Sam at Brent.  Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Everytime na makita ko si Sam, feeling ko gusto ko pa rin siya pero hindi ko rin alam kung bakit ganun ang mga actions ko. Meron naman siyang Brent ngayon eh.

"Chan! Sa wakas nandito ka na."

Sina Tina, Jimboy, at Alma ang makakasama ko sa lunch ngayon pero si Tina lang ang nakikita ko. 

"Sorry, natagalan ako. Kanina ka pa ba? Nasaan na sina Jimboy at Alma?"

"Ewan ko. Bigla nalang silang nawala sa tabi ko. Baka nag-date."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Victims of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon