SAMPALAN FEST!

14 1 1
                                    

Parating na ang eleksyon. Kanya-kanyang papogi nanaman ang mga pulitiko sa atin. Kung dati, 'Bahala kayo sa buhay niyo', ngayon nagkakandarapa na sa pag-hingi ng boto ng taong-bayan. Ikaw ba naman ang laging nasa dulo ng surveys e. Partida, kabi-kabilaan pa ang mga advertisements na hindi naman daw niya binayaran bagkus mga volunteers daw para i-kampanya ang pangalan niya. Ang nakakatawa pa nga nito ay ang isa sa kanila ay dating pinagtatawan ang taong kinakampanya niya. Nasilaw ata sa pera. 

Ganito sa Pinas. Ika nga nila 'Game of Thrones' ang nangyayari para masungkit ang posisyon ng pagiging Pangulo ng Pilipinas. Ano nga ba ang mapapala nila kapag naging presidente sila? Kung ikaw ang tatanungin, ayos lang ba sayo ang sagutin ang hindi matapos-tapos na problema sa halagang 120,000 php per month? Kung sa tingin mo malaki na yan, diyan ka nagkakamali. Isip mo nalang kung gaanong karaming problema ang dapat mong lutasin. Utang natin sa world market, polusyon, trapik (sa tingin ko talaga, himala na ang tanging pag-asa natin), Yung kapit-bahay nating Tsina na trip na trip yung isla natin, kurapsyon, tumataas na rating ng krimen, smuggling, tanim-bala (paano naging problema ng gobyerno yun?) at marami pang iba. Lahat yan, dapat mong masolusyonan sa loob ng 6 na taon para iboto ka ulit nila sa susunod na presidential election!

Mantakin mo, bakit kaya kaliwa't kanan ang disqualification cases ang pinapasa nila laban sa kabiang partido? Bakit gustong tumakbo ng isang american citizen? Bakit mayroong handang makipagsampalan, suntukan, at barilan para lang ipakita na hindi sila natatakot sa isa't isa? Bakit sasabihan mong may kanser ang isang katunggali? Bakit mo sasabihang hindi graduate ng isang sikat na unibersidad sa Amerika ang katunggali? Lahat yan, naging kwento ng ating bansa sa darating na eleksyon. Lahat nangyari para lang sa 120,000 pesos per month. E kung nag-seaman nalang sila? Mas malaki pa ang kita.

Hindi biro ang maging isang pinuno ng demanding na bansa. Yung tipong, lagpas alapaap ang satisfying rate. Pero hindi masamang umasang magkaroon ng maganda at mabilis na progreso ang bansa, pero ang sana lang, magkaroon tayo ng pasensya dahil hindi madaling solusyunan ang samun-saring problema na iniwan ng bawat administrasyong nagdaan.

Kaya kung sa atin mismo magsisimula, edi mas mabuti, yung hindi na tayo aasa pa sa administrasyon. Yung mga maliliit at simpleng bagay na dadaanin natin sa maayos na paraan, malaki na din yun kung ang bawat isa ay kapareho din ang gagawin. Imagine, kung ang lahat ng pilipino handang tumulong at magbigay ng libreng serbisyo. Masarap di ba?! Parang unlimited french fries lang!





Ehem *mds* 



Malabo pa sa Sabaw ng PusitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon