(Continuation)
Janine's POV
Nasa clinic kami ngayon. Hinihintay ang nurse.
"He's awake."
"YES!" si Kasandra Smith. Patay na patay kay Carlo Joshua, pero naka'y Jonathan Romero. Hala. May habit na akong sinasabi ang buong pangalan nila. Naku. Pero totoo naman. Teka?! Nakalimutan ata ni Sandy.
Bigla kong tinitigan ng masama si Sandy at sinabing, "Tumahimik ka." luhh. Taray.
"K." sabi naman niya. Eh paano ba naman? Parang wala kaming pinag-usapan.
Nauna sina Jay at Gab sa loob. Tig dala dalawa lang kasi eh. Pagkatapos nun sina DIyane at Rj. Sandy and Jonathan. Tapos ako tsaka si Nikka.
Actually parang lutang ngayon si Nikka eh. Hindi na siya yung baliw, na parang ewan. Sana nagseselos na siya. Nakakakonsensya nga.
Alam naman namin nila Diyane at Sandy na may gusto siya kay Jonathan eh. Halata naman. Pero, we kept our mouths closed. Dapat siya mismo ang gagawa ng paraan para malaman niya. Torpe kasi.
Ganito kasi nangyari, kaninang umaga.
-
Nasa school na kaming magbabarkada, except kay Sandy. Sigurado ako, kinikilig yun sa Group Message ni Cj. Eh, patay na patay yun sakanya eh.
"Nag dedaydream nanaman ang munting prinsesa." bat ni Jay. Sa wakas. Dumating na.
"Napapano ka niyan? Tatawa na ako?" galit na sinabi ni Sandy. Grabe. Ka uma-umaga badtrip to.
"Pabayaan mo na pre. Baka meron yan." pabirong sabi ni Cj
"Tahimik na nga kayo diyan." mataray kong sinabi. Tumahimik naman sila, habang nagpipigil ng tawa.
Sampuuuuuuuuuuuuung minuto na kaming, nakatingin kay Jonathan. Nasa kabilang building kami ngayon. Parang wala man masyadong tao. Eh kasi naman, sino ba naman ang papasok ng ganitong oras!?
"Ah, ganito kase yun." pagsisimula ni Jonathan.
"Aaminin ko sa inyo, gusto ko si ..."
"SINO!?" sabay sabay naming sinabi sa kanya. Hala. Sino kaya?
"Si ...
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Nikka. Nikka Santiago."
"ANO?!" sabay nanaman kami ngayon nina Diyane at Sandy.
Woah. What a small world.
"Congrats, pre." sabi naman nina Jay at Gab.
"Oh ano naman ngayon, gago?" sabi ni Cj.
"Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya eh. Torpelats ako." nahihiyang sabi niya.
"Sus, naman! Kailan ka pa ba, natorpehan? Lokong to." wika ni Cj. Grabe naman magsalita ng mga ito.
"Anong gusto mong gawin natin?" sabi ko sa kanila.
"Edi, pagselosin mo siya." sabi naman nang tahimik na si Sandy.