Chapter Ten
"uy sorry na Mia"
"kaen na mahaba pa ang biyahe natin okay na tayo"
Jake's POV
Eto nakaupo kami ngaun sa mcdo hmmm ang sarap ng pagkaen grabe namiss ko to.... Naalala ko pa dati dito din kami kumakaen ni Lucille noon....
Babalikan pa niya yan, totoo nabasa mo nakakaalala ako, at para mawala ang sumpa na to na ibinigay sa akin ni Lucille kailangan kong patunayan sa kanya na hindi na ako manloloko ng babae
Noon, nong pure na tao pa ako ireponsable ako, matalino pero mayabang mabisyo, wala akong isang salita, hindi marunong tumupad sa pangako kahit nakaksakit na sige lang madalas daldalwa ang girlfriend ko,basta maganda nililigwan ko at wala pang nambabasted sa akin, madalas din akong mag bar isa sa mga nakilala ko ay si Lucille pero hindi ko akalaing maiinlove siya ng ganun sa akin buti hindi niya ako ginayuma pero dahil hindi ko siya sineryoso eto ang karam ko sinumpa niya akong maging pusa at hangang hindi daw ako natututo at nakakahanap ng natatanging babae na magmamahal sa akin despite of my situation eh hindi ako babalik sa pagiging tao.... Binigay niya ako kay Mia, sabe niya pagnaging pusa pa daw ulit ako mamatay na ako dahil sa siyam na buhay ko pang siyam na si Mia, ung walo grabe ginawa akong babae matagal kase bago nila nalaman na nagiging tao ako pag nauulanan kaya un pag nagiging tao ako tumatakas ako at napupunta kay Lucille hmmm kaya wala din akong takas siya na lang ang pag asa ko pag nahanap ko na ung True Love na para sakin mawawala tong sumpa na to....
Simula ng nagging Pusa ako hangang sa bumalik ako sa pagiging tao ngayon lang ako nakakilala ng ganitong babae ung nasa kanya na lahat pero iniiwan padin.... Maganda naman siya, mayaman, mabait medyo masungit nga lang, matakaw pero sexy, maputi at cute pa un lang naka salamin Malabo na kase mata pero kung wala siyang salamin nako chick tong si Mia .... O.O anu ba tong sinasabe ko??
"arggghhh" sabay punas sa mukha ko
"ayos ka lang Jake?" -Mia
Inalis ko ang tingin ko sa kanya para mawala ang mga iniisip kong ito.....
"ayos lang ako, wala to sige na kaen na tayo" at ng muli kong naibaling ang tingin ko sa kanya grabe, antakaw niya at para syang bata kumain puro ketchup ang paligid ng bibig niya ....
"Mia...."
"oh bakit?"
"may dumi ka dun oh...." Sabay nguso sa dereksyon ng gilid ng bibig niya
"dito?" naku mali kaya kinuha ko ung tissue
"ayan oh hehehe bata..."
Hehehe cute din nito eh para paraan din gusto lang mag papunas ng tissue sakin hindi pa sabihin...
"hmmp eh anu naman? Edi bata kung bata... "
"hehe cute mo sungit ka din eh"
"talaga" saba ngumiti siya... ang ganda niya kung ako lang ung lalaking nang iwan sa kanya sigurado nag sisisi na ako ngaun kase kung tutuusin wala siyang masamang ugali eh okay naman siya at tinanggap niya ako kahit alam niyang isa akong estranghero....
"tapos kana ba kumain?" –Mia
"tapos na anu tara?"
"tara na" sabay tumayo na kami at pasimple kong nilagay ang kamay ko sa bewang niya....
Pero tinapik niya din to agad hehe mukang totoo ang sinabe ni Lucille, na
"tandaan mo sa lahat ng mga babae na ipinakilala ko sau si Mia ang pinaka kakaiba at pinaka espisyal kaya pakaingatan mo siya"
Iba nga siya tipong conservative pwera siguro sa pananamit, habang palabas kami dito sa mall grabe ang tingin ng mga tao sa amin syempre kasi ang gwapo ko... haha hindi joke lang kase ang ganda ni Mia, ung mga babae tinitignan siya mula ulo hangang paa na para bang hinuhusgahan siya at nag hahanap ng peklat namalalait nila sa makinis niyang kutis at ung mga lalaki naman ang tingin sa kanya parang nakakita sila ng artista at hindi maalis ung tingin nila...
"aray,...."
"Jake!! Jake!! Anu nanyare???"
Huli kong naalala ay napahiga ako at huli kong nakita ay ang maganda niya mukha hangang sa dumilim na lahat......
End of Chapter Ten
BINABASA MO ANG
Cat Love (ON-GOING)
Fantasimeow!! meow!!meow!! storia ng pusa na si tiger at ng babaeng si mia :) abangan ang mga susunod na mangyayari