Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Makikigamit daw kasi ng pc ko. Tsk. Adik talaga sa gadgets tong babaeng to. Marami na akong alam tungkol sa kanya kahit na sa text lang kami nagkakilala. Pano ba naman? Eh buhay nya palagi yung topic niya tuwing nagtetext kami. Ganyan siya ka shary.. Hahahaha
Open rin naman ako sa kanya.. Pero hindi lahat sinishare ko.
"Oh? Kuntento kana?"
"Yup! Haha. Dalhan mo naman ako ng binake naming cookies pleaseee?"
Aba! Makautos tong babaeng to!
"Aba! Hindi mo ko personal maid" sagot ko. Hahahaha medyo familiar ba yung dialogue ko? Yan yung sinagot nya kanina sakin nung sinabihan ko syang magluto sa bahay. Binalik ko lang sa kanya. Hahahaha
Ang mean ko.
"Tsk! Hey! A chat popped out! A girl is chatting you! Who's this? Hahaha! Ikaw hah!"
"Uy! Wag mong pakialaman!"
Walanja! nagchat ba naman yung nililigawan ko.
Inagaw ko agad yung mouse sa kamay nya tsaka pinaalis siya sa upuan ko. "Araay! Makatulak naman to! Bakit? Sino ba yang si Sheen na yan? Ang OA mong magreact! Parang iba ako!"
"Aw. Sorry. Di ko sinasadya."
Tsk. Nagalit pa tuloy. Haaay.
"Alis na ko."
"Teka!"
Di na nagpapigil. Dirediretso lang siyang naglakad pababa ng hagdan.
"Oh, iha. Uuwi kana?"
Dinig kong tanong ni mama.
"Oo tita. Salamat po. Bye.."
"Sige. Ingat."