Chapter 13 - Trapped

35 8 6
                                    

Chapter 13

Red

Pinikit ko na lang ang aking mga mata dahil hindi ko alam ang gagawin. Sumisikip na rin ang dibdib ko dahil sa takot. Hindi ko alam kung bakit natatakot akong makulong sa isang saradong lugar.

"Hoy Red! Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako," sagot ko kay Ica.

Pagkatapos ay tumabi siya sa akin. Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko dahil nandito siya sa tabi ko.

"Alam mo takot rin ako sa mga ipis, daga, at mga kulisap. Takot rin ako sa mga madidilim na lugar."

Gusto ba niyang pagaanin ang nararamdaman ko ngayon?

"Walang kwenta ka palang kausap eh," sabi niya.

Kaya binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko agad si Ica na nakangiti sa akin.

"Ayan!"

Napangiti na lang din ako sa kanya. Nakakatakot rin kasi siya kapag galit.

"Alam mo bang ito ang first date ko?"

"I know," sabi ko naman.

"And this would be my standards for the next dates to come."

"Talaga?"

"Yeah, since di ko naman alam kung okay lang ba ang date na 'to eh."

"Ako nga rin eh di ko alam kung okay ba ang date natin."

"So first time mo rin makipagdate?"

"Di ko alam, meron kasi akong amnesia kaya wala akong masyadong naaalala sa mga nakaraan ko."

"Seriously?"

"Yeah."

This is the fist time na may pinagsabihan ako sa mga nangyayari sa akin.

"Pero bakit ang talino mo pa rin?"

"Sabi kasi ng doctor hindi ko na daw makakalimutan ang ibang mga bagay liban na lang sa mga bagay na hindi ko masyadong nakakasalamuha."

"Ah," sabi niya. "Hindi ko pa rin maintindihan eh."

Tanga talaga. Pero ang cute niya dahil parang napakainosente ng kanyang expression sa kanyang mukha. Pagkatapos ay bigla na lang siyang tumawa.

"Bakit bigla-bigla na lang ay tumatawa ka?"

"Nakalimutan mo na kasi na takot ka sa masisikip na lugar."

Naalala ko tuloy ang takot ko pero medyo kalmado na rin ako sa kanyang mga sinabi.

"Nagtataka lang ako kung paano ka nagka-amnesia? Nauntog ka ba?"

"Ha?"

"Kadalasan kasi sa mga nagka-amnesia ay nauuntog eh."

Meron naman siyang ponto. Iyon rin ang nabasa ko at iyon rin ang sabi ni papa. Pero marami pang dahilan ang amnesia kaya di ko alam kung ano ang totoo.

"Ayon kay papa nasunog daw ang bahay namin noong maliit pa ako at namatay daw si mama dahil sa sunog na iyon."

"I'm sorry," at nalungkot siyang bigla.

"It's okay. Pagkatapos ng aksidenteng iyon ay natagpuan na lang daw nila akong walang malay sa labas ng bahay. Isang taon rin akong na coma hanggang sa isang araw ay nagising na lang akong wala na ang mama ko at di ko na halos matandaan ang lahat ng tao sa paligid."

"Ang drama rin naman pala ng buhay mo eh. Magkwento ka pa."

"Ano naman ang iku-kwento ko?"

"Kahit ano... tungkol sa pamilya mo."

"Siguro kilala mo na si Papa. Siya ay isa rin gangster na namumuno sa isang sindikato. Iyon siguro ang dahilan kung bakit inatake kami ng mga kalaban."

"Ah halos pareho lang pala ang buhay natin," sabi ni Ica. Pinagpapawisan na rin siya kaya medyo niluwagan niya ang kanyang suot na damit.

"Teka may dala pala akong cellphone," saka ko lang naalala na pwede pala kaming humingi ng tulong gamit ito. Pero walang signal kaya balewala rin ang naisip ko. Ilang saglit ay biglang namatay ang ilaw sa elavator.

"Red!" napasigaw si Ica.

"Nandito lang ako Ica," sabi ko sa kanya. Talaga palang natatakot siya sa mga madidilim na lugar. Inabot ko ang kamay niya at lumapit sa akin ng konti.

"Ang galing talagang mag-isip ng mga magulang natin no?" sabi niya.

"Alam nilang pareho kung ano ang kinakatakutan nating mga bagay at ginagamit nila ito laban sa atin."

"Hindi ko talaga sila mapapatawad kong may mangyaring masama kay Cupid!"

Pagkatapos ay gumalaw ng konti ang elevator pababa. Sa tingin ko ay nasa 7th floor kami ng mall at mabilis ang paggalaw nito kaya napahigpit ang kapit ni Ica sa akin. Talaga palang matatakutin siya lalo na sa madilim. Halos nakasandal na siya sa balikat ko dahil sa takot.

"Red," sabi niya.

"It's just them."

"Red," medyo nanginginig na ang kanyang boses.

"Pinaglalaruan lang nila tayo."

"May napanood kasi akong palabas na may isang babaeng namatay sa elavtor at nagmumulto."

"Kaya ka natatakot eh! Ang dami mo kasing naiisip. Isa pa nandito lang naman ako."

"Ano naman ang magagawa mo laban sa multo?"

"Naturingan ka pa namang gangster sa school natin! Syempre tatakutin ko rin ang multo."

"Tumahimik ka na nga!"

"Natatakot kasi ako eh," sabi niya kaya pina-ilaw ko ang cellphone ko at binigay ko ito sa kanya. Nakahawak pa rin siya sa aking balikat pagkatapos ay ngumiti na siya. Ganito ba talaga ang isang date? Pero sa totoo lang masaya akong makasama si Ica ngayon kasi marami rin akong nalaman tungkol sa kanya.

"Red?"

"Ano?"

"Akala ko kasi tinulugan mo na ako eh. Pwede bang magtanong?"

"Eh nagtatanong ka na nga. Ano naman ang gusto mong malaman?"

"Kung papipiliin ka kung sino ang pakakasalan mo sa amin ni Ellaine sino ba ang pipiliin mo?"

Ano bang klase ang tanong niya. Hirap namang sagutin kasi wala talaga akong maisip na isasagot sa kanya eh.

"Ni wala pa nga sa isip ko ang magpakasal eh."

"Hindi ko kasi maintindihan si Papa... hindi ko kasi inisip na magpakasal sa isang taong hindi ko naman talaga mahal."

"Tss... hopeless romantic ka rin pala. Akala ko nga gangster ka talaga eh!"

At nagtawanan lang kaming dalawa ni Ica. Masarap rin pala siyang kasama dahil minsan ay mapagbiro rin siya kagaya ng mga karaniwang mga babae kaya lang minsan lumalabas pa rin ang kanyang pagiging gangster.







Gangster Girl and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon