Chapter 11 - Sounds like a Plan

183 16 7
                                    

Chapter 11

 

Red

Unti-unti nang bumabalik ang ala-ala ko tungkol sa aking nakaraan pero hindi ko muna ito sinabi kay papa. It all started nang makilala ko sina Ica at Elle. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang gaan-gaan ng loob ko sa kanilang dalawa. Si Ica, masungit at mataray pero alam kong mabait rin siya dahil sinamahan niya ako noong na-holdap kami. Si Elle naman ay kamukhang kamukha ni Mama kaya siguro madali kaming naging mag-kaibigan. I don’t know kung saan na si mama… I have to find it out on my own.

Hindi ko alam kung panaginip lang ang lahat pero ang mga pangyayari ay pabalik-balik sa isipan ko. Palagi ko rin itong napapanaginipan sa pagtulog ko. Si mama… hinahabol siya ng mga lalaki at wala akong magawa kundi pagmasdan lang siya. Mga gangsters ang humahabol sa kanya na may dalang mga sandata tulad ng baseball bat at mga bakal na tubo. Pinilit niyang manlaban pero marami ang kalaban kahit magaling rin siyang makipag-away. Na-corner na nila siya kaya tumakbo na ako papunta sa kanya pero hindi ko pa rin siya maabutan.

“Ma! Mama!” sigaw ko at bigla na lang akong nagising. Nakatulog pala ako sa isang bench sa school habang nag-aaral. Mabuti na lang at walang tao sa lugar na ito. Bakit walang tao?

“Hoy!” panggugulat ng babae sa likod ko. At tawa pa siya ng tawa. Close ba kami?

Tinignan ko siya at bigla na lang siyang nagtransform into a different girl. Si Ica ay parang isang monster lalo na kapag galit na ito. Ano bang ginawa ko? Nakasuot siya ng uniporme namin sa school pero kakaiba talaga siya siguro dahil may light make-up siya ngayon. May dala rin siyang purse. She’s the typical cowgirl type of girl na walang kaarte-arte sa katawan pero this time babaeng-babae siya sa kanyang ayos.

“I’m just trying to be friendly!” at umalis na rin siya.

“Hey!” sabi ko. “Teka lang!”

Bakit ko ba siya hinahabol? Nasa paaralan na pala kami at balisang-balisa na naman ako dahil sa mga nangyari noong isang Linggo.

Bigla kong naalala ang nangyari sa amin ni Ica. I was hugging her and that time I felt so warm. “Ica!”

Huminto siya at ngumiti sa akin. Bakit ba parang ganda niya ngayon? She looked so lovely that I felt na huminto ang oras at nag-slowmotion ang buong paligid.

“Halika na!” sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko.

“What the heck are you doing?”

“Diba ikaw ang fiancee ko? Alam mo ba kung gaano kahirap ang ginagawa ko ngayon ha? Kailangan kong magpanggap na close tayo dahil nasa malapit lang ang mga espiya ni papa,” bulong niya. Espiya? Ano bang pinagsasabi niya?

“Anong ibig mong sabihin?”

“Tumingin ka sa likuran mo pero ‘wag kang magpahalata. Basta may makikita kang nakasunod sa iyo. Alam kong tauhan siya ni papa at nagmamasid lang,” bulong niya.

Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko ang lalaki na umupo sa bench na kinauupuan ko kanina. Nagbabasa siya ng libro pero alam kong hindi naman siya estudyante at mas malabong maging guro rin siya dahil sa ayos niya. Napansin ko ring baliktad ang pagkakahawak niya sa libro kaya kaduda-duda ang kanyang mga kinikilos ngayon.

“Ano bang nangyayari?”

“Kailangan kong sumunod sa utos ni papa dahil hawak niya ang buhay ng aso kong si cupid.”

“What?”

“Papatayin daw niya ito ‘pag hindi ako makipagdate sa iyo,” sabi pa niya. “Just this once I have to date you and everything will be over. Hindi na daw niya guguluhin ang buhay ko at tuluyan ka na daw na magpapakasal sa nakakatandang kapatid ko.”

Nakita ko ang determinasyon sa kanyang mukha. Seryoso siya sa pagkakataong ito. Hindi ko alam na meron pala siyang aso. Ang sama talaga ng mga magulang namin at pinaglalaruan lang nila kami. Alam na rin kaya niyang si Elle ang kanyang kapatid?

“At papayag ka na lang ba sa gusto niya?”

“Wala akong magagawa. So please bear with me,” sabi niya at kumapit pa siya sa bewang ko. “We must make this look like a real date.”

Date? Ano nga ba ang ginagawa sa isang date? Hindi ko alam dahil nga wala akong maalala… They said that I’m smart and that I know a lot of things. Of course, alam ko naman ang isang date kaya lang hindi ko pa nararanasan ito sa totoong buhay. I don’t know if nagka-girlfriend ako dati pero I’ll have to try to help her.

I know that a date means to have a leisure time with a special someone… special ba si Ica sa akin? The typical date is going on a romantic dinner then watch movies but Ica isn’t the typical girl and it’s still morning.

Teka! May pasok pa kami ah!

“Where are you taking me?”

“Sa totoo lang hindi ko alam,” bulong ko sa kanya.

“What?”

“May nakadate ka na ba dati? Tsaka may pasok pa tayo ah!” sabi ko sa kanya.

“Dad cancelled our class.”

“Ganun ba siya ka powerful?” tanong ko uli.

“He’s not as powerful as your dad,” sagot naman niya. At nalaman ko mula kay Ica na half-day lang daw ang mga estudyante sa school namin.

“So anong gagawin natin ngayon?”

“Okay, sa pagkakaalam ko ay kailangan nating manood ng sine,” sagot naman ni Ica. “Hindi ko gusto ang ideyang ito pero naisip ko lang na madilim doon sa loob at hindi tayo masusundan ng mga bantay natin.”

At nagpunta na kami sa mall at agad na bumili ng ticket kahit hindi pa namin tinitignan kung anong palabas ang pinasukan namin.

Gangster Girl and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon