Chapter 5 - Date?

230 21 3
                                    

 Chapter 5

 Date?

Red’s POV

 Matagal ko na siyang hindi nakikita. Ni hindi ko nga inisip na magkikita pa kaming muli ng bestfriend ko.

“It’s been a long time,” sabi ko.

“It’s been five long years at wala ka pa ring pinagbago,” tugon naman niya.

Kahit limang taon na kaming hindi nagkikita ay madali lang naming namukhaan ang isa’t-isa. She’s still beautiful and I’m still wearing my old glasses.

“A-anong gi-ginagawa mo dito?”

“Malamang mamamasyal ako. Hmmm... gusto mo bang sumama?”

I thought na nasa ibang bansa pa rin si Alex... short for Alexandria Loraine Xi. Masyadong daw pinahaba ng parents niya ang kanyang pangalan dahil masyado naman kasing maikli ang apilyedo niya.

“Hoy! Ang lalim ng iniisip natin ah,” sabay batok sa akin.

I missed her this way. Madalas niya akong binabatokan ng walang dahilan.

“Aray!!!”

“Tss... kunwari!” at hinila na niya ako.

Midyo kasi siya sadista. I missed this feeling, I missed being her closest friend, I missed the moments with her... kung di ko lang sana siya niligawan eh di sana we’re still very close friends.

“Kain muna tayo,” at hinila na naman niya ako sa isang fastfood chain.

Hindi maarte si Alex kahit isa siyang anak mayaman. Maingay, masayahin, at masarap kasama kaya madaling nahulog ang loob ko sa kanya.

“Parang ang tahimik mo ata ngayon ah!!!”

Natutuwa lang akong pagmasdan siya habang kinakain niya ang kanyang burger na nilagyan ng fries sa loob. Mahilig rin siya sa pinaghalong ketchup at gravy.

“Hmmm... alam ko na! Wala kang pera no? Don’t worry ililibre naman kita ngayon basta sa susunod kaw naman ang manlilibre!”

It turned out na hindi pala siya nagbago at all. Siya pa rin ang dati kong bestfriend at dati ko pang minamahal. Ano kaya ang ginagawa niya dito? Why is she back here in the Philippines?

“Parang nag-iba ka na ngayon ah... siguro meron ka nang girlfriend no?”

Ang cute talaga ni Alex kapag naka-pout.

“Tss... di ba ikaw lang ang mahal ko.”

Gangster Girl and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon