Chapter 6 - Clues of the Past

184 21 3
                                    

Chapter 6

Ellaine’s POV

Bakit ba kasi hindi kami nagkasama sa iisang grupo ni Red. Nakakainis naman!

“Ayos ka lang ba Elle?” tnaong ni Red. Bakit ang ganda ng kanyang mga ngiti kung nagsasalita… pwede naman siyang magsalita lang pero bakit kailangan pa niyang ngumiti. “Elle?”

“Ayos ka lang ba?” dugtong naman ng isa pa naming kaklase na si Leroy. “Parang namumula ka pa ata ah.”

Namumula? Ako? No! Hindi ako makatingin sa kanila ng diretso kaya tumayo nalang ako at pumunta sa restroom. Pagkatapos ay tinignan ko ang sarili sa salamin. Hindi naman ah…

Ano ba kasing naisip ko at bigla akong pumayag na sumama sa mga kasama ko sa grupo. Siguro nga ay hindi pa ako sigurado kung pumasa ang exam ko. Kasi naman hindi ko binasa ang binigay sa akin ni Red and to think iyon na rin ang last kong chance to pass this subject. Actually, nabasa ko siya ng isang beses at sigurado akong iyon ang lumabas sa exam namin.

Naghilamos muna ako dahil hindi ko na naman maintindihan ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko na rin nga naiintindihan ang mga nangyayari sa akin.

“Mauna na ako sa inyo,” sabi ni Xenica nang makabalik na ako sa upuan. Kinuha na niya ang kanyang bag at akmang aalis na. Mas mabuti kung wala na si Xenica dahil nakakailang na magkasama kami sa iisang table.

“Tapos na kayo sa project nyo?” tanong ni Yendel na parang may ibang ibig sabihin.

“Ang bilis naman. Sa tingin ko nga ay nagdedate nga kayong dalawa,” sabi ni Leroy. Si Leroy nga pala ang pinaka-tactless na taong nakilala ko. Minsan nga ay kamuntik ko na siyang lunurin sa sink ng school namin dahil tinanong niya kung babae ba talaga ako.

“Gusto mo bang mamatay?”

Galit na galit na si Xenica pero pinipigilan lang niya ito dahil maraming tao. Kaya tumuloy siya sa restroom tulad ko. Nakakatuwa naman ang kanyang reaksyon at napansin ko rin na namumula siya.

Hindi kaya? No, hindi maaaring totoong nagdedate sina Red at Xenica.

“Are you two really dating?” tanong ni Yen.

“Ha? Hindi ah!” pagtutol naman ni Red.

Haaaayyy… mabuti naman.

“Asus aminin nyo na…” sabi naman ni Leroy na puro pang-iinis lang ang alam sa buhay.

“Bakit nang isang araw ay magkasama kayong bumaba sa kotse?” tanong uli ni Yen. “At napansin ko rin na palagi kayong magkasamang umuwi sa hapon.”

“Is she threatening you?” natanong ko naman. Walang ibang dahilan na sumama si Red kay Xenica kundi ang pilitin niya ito.

“Ha? Ano kasi…” Nauutal na sagot ni Red.

“Just tell me kung ginugulo ka ni Xenica,” pagpapatuloy ko.

Nakatingin sina Yen at Leroy sa akin kaya napatigil ako sa mga tanong ko.

“Ah hindi naman,” umpisa ni Red. “Malapit lang kasi ang condo ko sa bahay nina Ica kaya inaaya ko na siyang sumabay pagpunta sa school. Nasiraan rin siya ng kotse kaya isinasabay ko na rin siya kahit sa pag-uwi.”

Ah ganun naman pala. Sa tingin ko ay napakabait ni Red at inaabuso lang ito ni Xenica. And Xenica is not the type na sumasakay sa kotse ng iba. I have a feeling that she likes him pero hindi ko hahayaang agawin na naman niya ang gusto ko. No! Not this time.

Gangster Girl and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon