CHAPTER 4: THE RAIN

24 4 1
                                    

CHAPTER 4: THE RAIN

PHREA'S POV

"Manong, dyan na lang" para ko sa jeep. Oo nag-je-jeep ako. Hindi ako cheap, sadyang wala lang akong pake, trip ko lang. Dala ko rin ang skateboard ko dahil kailangan pa ng konting lakad dahil hindi naman pwedeng ipasok ang jeep

Nag skateboard ako hanggang sa makarating na ako sa university.

"Hi~~" may biglang kumalabit sa likod ko ng pumasok ako sa loob ng Z.U

"Oh?" Walang ganang tanong ko. Si ano to eh, si...si Kissyline? Eline? Casylline? Ano ba pangalan nito.

"Gusto ko ulit mag thank you" nakayukong sabi nya.

"Wag ka nga sabing mag thank you, hindi kita tinulungan" makulit din sya eh no?

"I know pero kung hindi dahil sayo baka nga mas malala pa nangyari" nakangiting sabi nya.

"Kaya mo naman lumaban" sabi ko habang diretso sa paglalakad sa hallway.

"N-natakot k-kasi ako sayo dahil sabi mo sampalin ko sya. Baka mas malala pa abutin ko sa sampal mo." As usual, nakangiti nanaman.

"Bakit magkasama sila?"

"Bagay naman talaga sila, malanding pareho"

"Gosh! Bakit kasi napunta pa yang mga yan dito, if I know hindi tintanggap ang mga basura"bulungan nila na rinig naman habamg nakatingin saamin ng masama. Wala naman ibang tao sa paligid namin dalawa kaya alam ko ng kami yun.

"Wag mo nalang silang pansinin, ayos lang yun" okay lang para sakanya yun?

"Kung sayo okay, saakin hindi" lumapit ako sa mga nagdadaldalang kulisap.

"Alam nyo bang ayaw na ayaw ko ang pinag-uusapan ako habang ako mismo nakaharap?" I gave them a death glare.

"S-sorry, pasensya na, madaldal ka-kasi t-ting kasama ko" sabi nya at mabilis na lumayo.

"wooahh. Don't tell me may away ka nanaman?" May sumabay saaking maglakad. Eto nanaman yung kahapon na lalaki kasama nung hari ng kalsada.

"Tss." Narinig kong sabi ni Haring kalsada. Kasama din nya yung mga kasama nya. Lima lang pala sila.......

Nandito na ako sa room ng klase ng may humarang. Ano ba? Lalo na atang lumalala ang pakikipag away ko dito.

"Ikaw nanaman? Ang landi mo talaga, transferee" eto yung babae kahapon na nam-bu-bully kay nerd.

Nilagpasan ko nalang sya. Wala ako sa mood ngayon.

"Don't be rude, bitch. We're not done talking" Hinitak nya yung braso ko paharap sakanya. Attention nanaman mga tropa! Konti palang ang mga tao dito. Mga lagpas 10 kasama hindi pa ako kasama saka yung lima at si nerd.

Tiningnan ko lang sya ng walang emosyon.

"Baka nakakalimutan mo na ang ginawa mo saakin kahapon?" Nangigigil na sabi nya.

"Oh tapos?" Tinaasan ko sya ng isang kilay habang naka-crosed arms. Nakakangawit na tumayo. Yung hari ng kalsada saka yung mga kasama nya naka-upo na sa mga seats nya.

umupo na ako sa upuan ko at prenteng umupo.

"Lumuhod ka sa harap ko ngayon because if not...." may mga pumasok na mga lalaki sa loob......Tatlo sila at mga malalaki.

"Ano ngayon?" walang ganang tanong ko. Nakita ko namang naasar sya sa ina-asta ko.

"Talaga bang sinasagad mo ako?" Galit na sabi nya.

My Girl Is Not OrdinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon