AUTHOR'S NOTE: yiippeee.. update nanaman ako. sa mga nabitin po last time, sorry na. ito nalang oh. pambawi. ahihihi.
-------------------------
WENDY'S POV
*kriinnnggg* (alarm clock ko yan)
umaga nanaman. hayss.. okay lang. makikita ko naman si toot~ . haha. kagabi magkasama lang kami, pero namimiss ko na siya. hayysss. ganito pala kapag inlove eh noh?. sana palagi nalang kaming ganito, masaya at ~
"ate Wendy!! kain na" nakakainis naman tong kapatid ko. nag da-daydream ako eh.
"oo na! nanjan na!" bababa na nga lang, dibale nakaligo naman na ako. haha ambilis noh? may powers ako eh. haha. jowk.
"Hi M-ma?~ waaahh! bat nandito ka?" nandito si Gabriel ngayon dito sa bahay.
"hi wifey, susunduin ka malamang"
"ah ganun ba?" nag nod lang siya.
"kumaen ka na ba?"
"di pa eh"
"hah?! pumunta ksa dito nang hindi pa kumakain?!"
"eh? wifey naman. namiss kasi kita eh"
"eh magkasama lang tayo kagabi eh" nag pout lang siya, haha. para siyaang bata na inagawan ng lollipop. ako din naman eh, namiss ko din siya kagabi.
"lika na nga, kain ka na dito sabay na tayo"
"talaga?"
"yhup" tapos nagtatalon talon nalang siya with matching palakpak pa. haha. para talaga siyang bata. ang cute cute talaga niya.
pagkatapos namin kumain pumunta na kami ng school, tahimik lang kami sa kotse niya pero magkahawak naman yung kamay namin. kinikilig talaga ako. ^_^
pagdating namin sa school, lahat sila nakatingin samin. rinig na rinig namin yung bulungan nila.
"siya ba yan?~"
"wagas kung makahawak kay Gabriel ah~"
"tss. inagaw lang niya yan~"
"malandi kasi yan~"
awtsu naman. ansakit ng mga sinasabi nila. yumuko nalang ako, parang gusto ko na umiyak pero naramdaman kong yinakap niya ako.
"wag mo nalang silang pansinin, naiinggit lang sila sayo, kasi ikaw maganda at ikaw ang pinili ko. ang isipin mo nalang ay mahal kita tapos your mine and i'm yours. isipin mo nalang kung anong meron tayo ngayon, kung saan tayo masaya, okay?" nag smile lang siya, ako naman nag nod lang. kiniss niya yung noo ko tapos pumunta na kami sa classroom namin. kinikilig parin ako. ang sweet talaga niya.
Pagdating namin sa classroom namin, tumahimik sila big. nakatingin silang lahat samin. si gabriel naman nakaakbay lang sakin. nag dirediretso nalang kami. umupo na ako sa upuan ko. tumngin ako sa upuan ni Kyle. bumuntong hininga nalang ako. ' hayyysss. wala nanaman si Kyle, palagi nalang, di man lang siya nagsabi na aalis siya. hayysss' bumuntong hininga nalang uli ako.
""alam mo bang malas yan?" tinignan ko lang yung nagsalita. ah si Dylan lang pala.
"ang alin?"
"yang bumuntong hininga, malas yan, pag bumubuntong hininga ka daw may masamang mangyayari" seryoso? hallaa.. kinilabutan ako dun sa sinabi niya.
"yoyoyoy. Dylan, tinatakot mo nanaman si Wendy eh, magalit pa si Gabriel sayo" si Daniel yan. wew. bait namna niya.
"tss" yan lang sinabi ni Dylan tapos nag walk out na. hallaa.. haha. ang cucute nilang tignan. pumunta nalang sila sa tabi ni gabriel, nagkukuwentuhan lang sila doon.
"hi Wendy" ah si Pearl lang pala.
"Hi pearl" napansin ko lang na halos palagi niyang kasama sina Daniel ah. maitanong ko nag kung bakit.
"ah~ Pearl may itatanong ako sayo"
"ano yun?"
"ba't pala palagi mo silang kasama?" sabay turo ko kina Daniel na nandun lang sa harap nina Gabriel habang tumatawa.
"ah~ eh~ wala lang~ trip- lang namin~ tama tama trip nga lang namin, hihi" ba't naman kaya para siyang kinakabahan. nag sisinungaling toh saken eh. kilala ko si Pearl, alam ko kung nagsasabi siya ng totoo o hindi.
"pearl, yung totoo" sabi ko sakanya with a serious voice. bakas naman sa mukha niya na parang natatakot eh. gusto ko na ngang tumawa eh. linoloko ko lang siya na kunwaring galit ako para masabi niya ang totoo saken. haha. gandang plano noh.
"kasi ganito yan eh..." at yun nga kinuwento na niya sakin lahat. nalaman ko din na nililigawan daw pala siya ni Daniel. wew haba ng hair ng bestfren ko ah. haha. pero actually nung una, nagulat nag din ako eh, kasi nga syempre, playboy dinkasi si Daniel, baka sa huli saktan lang niya si Pearl, mahirap na, ayokong makitang umiiyak siya eh. tumingin ako kay Daniel na sa kasalukuyan ay tumatawa, pero bigla siyang tumingin sakin at nag smirk, kinilabutan ako dun ah. pero tumingin din siay kay Pearl sabay kindat tapos lumingon uli kina Gabriel atsaka tumawa muli. di ko talaga maintindihan ang lalaking yun. tinignan ko uli si Pearl, wew. namumula siya. halatang kinikilig. haha.
maya-maya naramdaman kong may umakbay na sakin, tapos pagtingin ko kung sino yun. si gabriel na ang lawak lawak ng ngiti ang tumambad sa harap ko. tinignan ko si Pearl, pati din si Daniel nakaakbay din sakanya. lumingon uli ako kay gabriel sabay tanong.
''ano nanamang trip etoh?" nag smirk lang siya ng nakakaloko, kinakabahan ako, para kasing may binabalak silang masama eh. napalunok nalang ako.
"wala lang, bakit masama na ba umakbay sa girlfriend ko?" gosh.. butterflies on my stomach. kinikilig ako. umiwas nalang ako ng tingin sakanya.
pagkatapos ng ilang minuto, lumingon uli ako sakanya, pero laking gulat ko nung nagdikit na yung lips namin. pero syempre smack lang yung nangyari. haha. nagulat din ang mga barkada ni Gabriel samantalang siya. naka smile lang ng pagkalaki laki. namula agad ako dun kasi nag hiyawan na yung mga kaklase namin.
"ahhyiiieee.~"
"ang sweet naman nila~"
"woooohhh, sweet~"
"woossshhh. malandi~"
"PDA much~"
okay na sana eh, kasi yung dalawang nahuli eh masakit . haha. pero okei lang. hanggang sa dumating na yung prof. namin. tapos hanggang sa tapos na lahat ng klase namin. HAPON na!!
naglakad nalang akong pauwi kasi nung lunch pinatawag si Gabriel sakanila eh, kailangan daw sa company nila. habang naglalakad ako, napahinto ako sandali para makinig sa pinag-uusapan ng mga babae sa tabi lang.
"nakita mo ba si Gabriel Park kanina?~"
"oo eh, nasa isang coffee shop~"
"kaya nga may kasama siyang babae, girlriend niya kaya yun?~"
"oo ata. kasi maganda naman yung babae tapos makinis pa ang balat, parang koreana tapos model~"
"kaya nga~"
ano ? si gabriel may kasamang iba. pero ang alam ko pumunta siay sa company nila. trinatraydor na ba ako ni Gabriel o talagang isa ako sa mga babaeng pinaglalaruan niya. nung marining ko yun tumakbo nalang ako pauwi sa bahay habang umiiyak, di ko na makita ang dinadaanan ko dahil sa iyak na umaagos sa mata ko. buti nalang ata wala akong nabangga, nakauwi na ako sa bahay at nagdirediretso sa kwarto at tuloy tuloy parin ang pagabgsak ng mga luha ko. naririnig kong kumakatok sa kwarto ko si William, pero di ko lang siya pinansin, tuloy parin ako sa pag iyak ko. maya-maya tumigil narin siya sa pagkatok. nag palit na ako, at natulog nalang.
------------------------------------------------
sorry po sa short update.
sino kaya yung girl?
any guess?
ang makakahula ng sagot idededicate ko sakanya yung next update.
vote and comment ha?
(si Pearl nga pala yng nasa right side ) ------------->
-Elijah_Zalora

BINABASA MO ANG
MISS NERDY TURNS TO A GANGSTER !!
Humormeet Wendy dela Cruz, isang nerd, pero ang hearthrob ng school nag kagusto sakanya, then naging sila. pero si girl ay magiging Gangster. what will happen to their relationship kaya?