Chapter 8: Realize

242 7 0
                                    

Trisha's POV

Nandito kami sa bon fire kung saan nagyaya silang lahat dahil ito daw ang pinakamaganda pag nag-outing ang mga barkada. Mga pauso talaga nilang lahat.





Katabi ko si Tyrone sa right ko at si Anna naman ay sa left ko. Tamang-tama din ang timing dahil malamig so kaylangan namin ng pampainit ng katawan.

"Guys! May dala akong marshmallow at stick. Pwede niyong painitin sa apoy then kainin niyo." Linabas ni Grace ito sa bag niya.




"Wow Grace. I don't know your being so good now a days ha." Pabiro ni Shawn.




"Shut up Shawn!" Pagkasabi ni Grace ay bigla kaming tumawa lahat. Magakapatid nga naman.




Kanya-kanyang kuha sila ng marshmallow at stick. Parang ngang mga bata. Si Rocky at Jack nagaagawan dahil hindi daw sila equal ng marshmallow. Eto naman si Seth ay laging nakangiti kahit ano ibigay mo, papayag siya. Iba talaga si Sam. Hindi ko alam, pero minsan natatakot ako sakanya dahil "serious babe" nga ang tawag sakanya. Minsan gusto ko siyang lapitan ngunit hindi ko magawa dahil sa takot. Baliw lang.

Pero nakakatuwa si Tyrone at Jad dahil kahit hindi sila member ng Black Knight, tanggap parin sila na maging kaibigan nila. Bihira ka lang naman makakita ng ganun. Pero masaya silang kasama.

Yung feeling na nakikita mo na complete kayo sa isang vacation lang. Nakakatuwang tignan diba?

Linagay namin yung marshmallow sa apoy. Masarap siya lalo na pag medyo sunog siya.




"Pare! Sh*t! Nasunog msaydo marshmallow ko! Bad trip naman!" Sabi ni John habang nagkakamot ng ulo dahil sa kanyang marshmallow. Kawawa-wang John.




"Okay. Since naman nag e-enjoy tayo. Why not we play a game. Simple lang to pero may fun part dito. Ipapasa natin tong ball sa katabi natin at pag tumigil ang music at yung tao na iyon ay napili, siya ang pipili kung ano gusto niyang itanong sa tao na iyon." Introduce ni Grace.




"Oh! Gusto ko yan Grace. Bet na bet ko yan!" Sigaw ni Aica sabay palakpak.

"Ano naman naisip mo Grace at yan pa ang game na gusto mo?" Tanong ni Warren.




"Simple. Since, hindi pa naman natin lubos kilala ang isa't isa or hindi pa natin nakilala ang mga dark secrets natin, sa ganitong paraan ay malalaman natin yung mga gusto o ayaw ng tao. In short, its a truth or dare. Fun diba?" Nakangiti na sabi ni Grace.




Hindi naman sila umangal. Game na game nga sila. Kahit minsan naiilang ako dahil pano kung may magtanong sakin ng personal? Hindi ba nakakahiya iyon? Kahit na nakakasama ko sila lagi ay mahirap din mag open up lalo sa hindi mo ka-close.

[LYMFM: BOOK 2] I have Loved Your Mistake [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon