Chapter 14: Confused

100 3 0
                                    

Lucas' POV



"Wow cuz, ikaw na talagang dakilang heart breaker. Kung hindi lang mataray si Niah, niligawan ko na 'yun." sabay tawa niya.






Napaka-ewan din nitong tao na 'to e. Kung sino-sino nalang ginugusto.






"Don't get me wrong ha? Wala akong gusto kay Niah. Kasi hindi naman ako tumitingin ng panglabas na katangian." Bigla niyang tinuro ang dibdib niya. "Kundi sa loob na katangian."





"Ang bading mo pare." Tawa ako ng tawa sa sinabi niya. Si Logan ba 'tong kausap ko? "Hahaha. Saan mo naman yan napulot?"






"Kay Trish." Pag kasabi niya 'yon ay biglang nagiba ang mood ko. Parang hindi ko maintindihan.







"Ku-kumusta naman siya?" Pag aalinlangan kong tanong.








"To be honest Luke. Hindi naman mahirap mahalin si Trish. Makikita mo talaga na kahit simpleng tao lang siya, mapapamahal ka agad na masasabi mong nasakanya na ang lahat."




"Tama ka."





"Kaya nga kung sino-sino nalang nagmamahal sakanya kasi nga hindi siya mahirap mahalin. Kung hindi lang kita pinsan Luke at walang siyang boyfriend, ay siguro niligawan ko na siya. And besides I'm helping her to move on sayo."






Nagiging deep na ang usapan namin ni Logan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinasabi niya. Medyo may bigat parin kahit papano. May nagsasabing kaylangan ko parin siya sa buhay ko kahit sabihin natin na hindi na pwede.

[LYMFM: BOOK 2] I have Loved Your Mistake [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon