Chapter 12: Move On

124 4 0
                                    

Trisha's POV

"Trish. You should pick which of these 2."

Ang dami na nangyari simula nagusap kami ni Logan. Eto parin ako nagiging busy sa company nila Daddy since gusto niya ako maging next CEO. Sila Anna naman busy din sa kani-kanilang trabaho and may time pa silang mag party.

"I think maganda 'to. Don't you think."

Napaisip ako sa usapan namin ni Logan noon. parang na-picture out ko na lahat na dapat kong gawin. Napaka-thankful ako though hindi ko pa siya gaanong kakilala.

"Aray!" Nakaramdam ako ng malaks na batok.

"Hello?! Saan nanaman napapadpad utak mo? Kay Tyrone? Hay nako. FYI, kung mahal ka niya, hindi siya mage-extend sa ibang bansa." Reklamo ni Grace sabay punta ulit niya sa fitting room.

"Hindi naman niya pwedeng pabayaan yung trabaho niya dahil sakanila din company naman yun. Naiintindihan ko naman."

Bigla niyang binuksan onti yung curtain ng fitiing room. "Yan ang problema sayo Trish, masyado kang mabait sa mga bagay. For once in your life, maging selfish ka naman." sabay sara niya.

Nagiging selfish naman ako a pagdating sa pag-ibig ko sakanya.

"Oh ano? Maganda ba 'to? Nako dapat maging maayos ako sa mukha ng pamilya ni Tom." Ayos niya sakanyang damit.

Oo nga pala, nag simula na nakipag-date si Grace, hindi pa naman sila pero indenial 'to. Pagmagkasama sila, parang sila. Kahit man ayaw ng kuya niya kay Tom, sige parin 'tong babae na 'to sa pakikipag-date. Mukha naman kasi mabait talaga na tao si Tom.

Lumabas na kami ng shopping mall para bumalik ulit sa bahay nila Anna. Doon ko kasi iniwan si Isaac, baka mag tampo nanaman sakin yung bata na yun at ibinigay ko sila kay Erika.

"Mommy!" Salubong sakin ni Isaac sabay hug. Sarap talaga magkaroon ng kapatid.

"Mommy bought you a new toy." Nilabas ko yung kotse na binili ko Toy R Us.

"Wow Mommy! Thank you." Sabay kiss niya sakin at tumakbo na para laruin ang kanyang bagong laruan.

Kumain lang kami kela Anna. I miss our high school life na magkakasama lang kami sa iisang. Pero kaylangan ko bumukod sakanila dahil kay Isaac. Ayoko naman maging mabigat sakanila.

"Nga pala Trish. Kaylan ba matatapos ang project mo kay Luke? It's been weeks na a." Sabay kain ni Anna ng cookies.

"Wag kang mag-alala, malapit na. Pagkatapos naman ng design ko ay hindi ko na handle siya so malapit na."

"Good." Biglang tayo ni Aica. "May paganyan-ganyan pa siyang moves para makalapit sayo? Huh. Sino siya."

"Hoy Aica. Kala mo naman ikaw nasaktan masyado at napaka-bitter mo msyado." Reklamo ni Erika.

Hindi rin nagtagal ay umuwi na rin kami ni Isaac. Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala siya kaya dinala ko na siya sa kwarto niya.

Tinignan ko yung design na ginawa ko para sa bar na gusto ni Lucas. Malapit nanaman at pwede na ako makawala sakanya. Hindi naman ako bitter e. Naka move on na ako talaga sakanya.

Naglakad ako sa labas para mag-isip. Sana naman pwede may magagawa lang ako para lang hindi balikan ang nakaraan.

Tama nga sabi nila, hindi ang break up ang masakit, and memories that follows is.

Nakakapagod naman din kasi iyak ako iyak. Marinig ko man o makita siya. Diba masaya na siya kay Jaazaniah? Bakit hindi nalang ako maging masaya para sakanila? Bakit ako ba parang ako pa mukhang naging kawawa dito?

Pinunas ko luha ko. Napakatanga ko naman para umiyak dahil isang lalaki na hindi naman na ako mahal. Mayroon naman ako Tyrone pero tama ba talaga si Grace? Minahal ko si Tyrone dahil nandyan siya para sakin yung mga oras na malungot ako.

"Umiiyak ka nanaman."

Nagulat ako may tumabi sakin.

"Sinusundan mo ba ako? Hindi kita kaylangan." Tumayo ako agad at nagsimula maglakad palayo sakanya.

"May sasabihin ako sayo Trish."

"Tumigil ka Logan. Hindi ako nakikipagbiruan. Iwan mo na ako mag-isa."

"Seryoso kasi 'to Trish." Hinawakan niya braso ko para ako tumigil sa paglalakad.

"Ano ba kasing kaylangan mo? Kung tungkol yan kay Lucas, okay I get it. I have to move on." Pagtataray ko sakanya habang naka-cross arms ako.

"Hindi naman kasi tungkol 'to kay Lucas e. Tungkol din 'to sa sarili mo. Alam ko na! Mag ice cream tayo." Hinila niya ako sa malapit ng ice cream shop. Narinig ko nag bubulungan na babae. Sikat ba 'to si Logan at pinaguusapan siya ng mga tao dito?

"Hi miss. Mabili nga po ng 2 strawberry ice cream on cup." Nag order siya. Teka teka, hindi pa nga niya natatanong ano gusto ko e.

"Sige sir, will take your orders sa table niyo."

"Bat mo ba ako dinala dito." Hindi naman tama na basta basta niya ako hilain dito no.

"Kasi kaylangan mo 'to. Ito na yung last day na iiyak ka at bukas, naka-move on ka na." Sinerve saamin yung ice cream sa table namin.

"Ano pinagsasabi mo?" Pagtataka ko.

"Move on. Hindi mo alam 'yon? Ako nga diba guardian angel mo kaya ako tutulong sayo sa pag move on kay Lucas. Nako kahit pinsan ko 'yon, hindi ko tatanggapin na pinapaiyak ang isang babae katulad mo."

Medyo nag blush ako sa sinabi niya. Hindi nga 'to masamang tao si Logan. Kung kukumpara mo siya kay Lucas, ibang iba sila. Kwela kung tawagin si Logan. Pero bakit niya 'to sinasabi sakin?

"Anong nakain mo? Naka drugs ka ba?" Tumawa lang siya ng tumawa sa sinabi ko. Mukha nga siya nag drugs, at ano ba ang nakakatwa sa sinabi ko?

Tawa lang siya ng tawa sa sinabi ko. Dahil tuloy sa ginagawa niya ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Nakakainis naman 'to. Tumayo ako at kinuha ko yung bag ko sa upuan.

"Uy, wag kang umalis. Binibiro lang naman kita e." Umupo ako ulit at inayos ang damit ko. Kung hindi lang 'to pinsan ni Lucas, sasampalin ko 'to ng ilang beses e.

"Syempre kaya ko naman sinabi 'yon dahil para sakin ha. Nagmumukha ka ng tanga."

"Ano?!" Sino siya para sabihan niyang tanga? Close kami?

"Oh. Wag kang magalit. Totoo naman sinasabi ko a. Umiiyak ka tapos wala man lang magawa si Lucas para lang maging okay kayo. So what's the use of crying? You're just making your life miserable."

Isang sampal nanaman ang nangyari sakin. Tama naman silang lahat, wala na akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Hindi na natapos yung kwento sa kakaiyak ko. Halos lahat na nga lang ng mga kaibigan ko pinagsabihan na ako, pero hindi naman ako nakikinig. Hindi ko talaga alam gagawin ko. Hay nako. Jusko po. Pinaparusahan ko lang sarili ko.

Pinagisipan ko mabuti yung sinabi sakin ni Logan. May point naman talaga siya sa sinabi niya. Tumigin ako sa ice cream ko. Dapat talaga mag desisyon na ako na dapat kaya ko at magagawa ko.

Magbabago na talaga ako, for real.

~~~~~

©LittleMissHeiress ♥

[LYMFM: BOOK 2] I have Loved Your Mistake [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon