Chapter 15: Forgiveness

81 3 0
                                    

- Trisha Louise Yun -


"I'm back!" Biglang bumukas ang pintuan. "I miss you my baby." Isang halik ang sinalubong sakin ni Tyrone.



Napakabilis ng panahon since nung umalis siya. Parang walang nangyari.




"How's my baby?" Pumunta siya sa may kitchen to have water.




"Okay naman ako. Ikaw? Kumusta ka naman?"




"Eto nga. Aside from me having a busy schedule sa business ni Dad ay mayroon akong bagong tv show na gaganapin. So everyday mo na ako makikita sa tv natin." Tuwa niyang sinabi.




"Eto ha, para maka-move on, gawin mong busy ang sarili mo sa mga bagay na magpapasaya sa'yo."




Natandaan ko nanaman yung sinabi ni Jad sakin. Hindi ko alam kung tama ba 'to ginagawa ko o hindi. Pagmo-move on ba talaga ang ginagawa ko o hindi. Nakakainis lang isipin.




"Baby. Okay ka lang." Hinawakan ni Tyrone ang dalawang balikat ko.

"Ha? Oo naman. Sorry. Trabaho ko kasi ang nasa isip ko kaya hindi na kita pinapansin."





"Okay lang. May ginawa ba sayo ulit si Lucas?"




May ginawa ba siya? O ako lang talaga?





"Wala naman." Inayos ko agad ang mga gamit niya papunta sa kwarto.





"Sure ka bang wala kang problema?" Sumandal siya sa may pintuan at nag cross arms. Parang feeling ko may alam siya.





"Wala nga talaga. Sabi ko sayo, work lang 'to." I am lying now. Hindi ko kayang sabihin kay Tyrone na nagkita kami ni Lucas face to face.


[LYMFM: BOOK 2] I have Loved Your Mistake [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon