Para kang virus, una kang pumasok sa isip ko at nagtagal, napunta sa puso ko.
Ame"Bes! Patulong ng assignment o! Mahal mo ang math diba? Patulong naman!" Sigaw ni Yumi. As usual, nandito kami sa room, nagkwekwentuhan.
"Mahal ko ang math pero bes, ang assignment tulad lang yan sa pangliligaw, dapat ginagawa sa bahay." Napatigil siya saglit at tumingin sa akin with 'ayos ka lang?' Look.
"Grabe naman bes, assignment lang naman 'to, dinadamay mo sa mga hirit mo." Umupo siya sa tabi ko at nagsimula ng gumawa ng assignment. Sinilip ko ang gawa niya puro erasures.
"Alam mo bes, para kang math."
"Mhm?" Sagot niya habang sumasagot ng assignment. Seryoso ang mukha niya at halatang nahihirapan
"Mahal ko naman pero lagi akong sinasaktan." Napatigil siya sa pagsosolve at tumingin sa akin.
"Ikain mo na lang yan bes, gutom ka lang e. Tara canteen tayo." Sabi niya at hinila ako patayo at palabas ng room. Bes, why so manhid?
~•~
"Class dismiss." Ani ni mam at ang kaklase ko nagsiparty na. Tapos na ang math, susunod na..recess.
"Bes, kain na tayo lunch?" Pangimbita niya sa akin. Bakla mang makinggan, pero sa mga sambit niya ng pangalan ko o kahit 'bes' lang, kinikilig ako.
"Bakit? May gagawin ka ba lunch time?" Tanong ko.
"Wala naman. Gusto kong matulog mamayang lunch e." Hawak-hawak niya ang phone habang naglalakad galing sa kabilang row. "Tinatamad ka nanaman." Pagsesermon ko sa kanya sabay pat sa ulo niya. Ang liit niya rin e, 5'3 lang siya.
"Bahala ka kung ano isipin mo basta sabay tayong kakain." Sabi niya sabay upo sa sahig sa tapat ko. Picnic style trip niya e, sasabayan ko na lang.
"Bes, ano ulam mo?" At bago pa ako makasagot kinuha niya na ang lunchbag ko at binuksan. Matakaw talaga e, kulang na lang ay buong klase ang hihingan niya ng pagkain.
"Uy! Kahit mahal kita, pagkain ko, pagkain ko!" At kinuha ko na ang lunchbag ko sa kanya habang paupo na rin sa sahig sa tapat niya. Tinulak ko ang upuan ko sa likod para may space.
"Kung mahal mo ako, bigyan mo ako ng ulam mo." Paghahamon niya.
"Ganun ka ba kagutom? Gusto mo ako na lang kainin mo?"
"Uh..Bes, kailangan ko pagkain, hindi tao." Awkward niyang sabi at tinignan ako ng 'duh?' Look.
"Basta para sayo bes kahit maging pagkain ako, ayos lang. Pero dapat ikaw lang ang kakain." Hirit ko at nagsimula ng ilabas ang pagkain ko.
"Doi, yang mga hirit mo, laos na! Hahaha!" Tumawa lang siya at kinuha na ang ulam ko ng wala paalam. Next time, maglalagay na talaga ako ng 'gusto kita!' Sa lunchbag ko para pansin niya. Manhid e, palagi akong tawazoned. Kumain na lang kami at nagkwentuhan, nagbatukan, nagharutan. Eto ang mahirap sa babaeng 'to, manhid niya to da max!
~*~
"Ang paksa natin sa araw na 'to ay mga tula." Lahat kami napa-weh? Ang boring naman, siguradong makakatulog ako neto sa boredom.
"Anong weh! Hindi niyo ba alam na ang pagsulat ng tula ay ang paraan ng panliligaw o pagpapapansin ng mga kalalakihan sa kababaihan dati?" Pagpapaliwanag ng teacher namin. Gumawa kaya ako ng tula? Tapos ibibigay ko kay Yumi. Pero paano gumawa ng tula?
"Eto ang gawain natin sa araw na 'to. Gumawa kayo ng tula para sa isang tao, sa loob lang campus. Ang paksa ay depende na sa inyo. Saka ko ituturo sa inyo ang tamang paraan ng pagsulat ng tula kung natapos na natin ang activity para malaman niyo kung saan kayo nagkamali." Nagbulungan ang mga kaklase ko 'kanino mo ibibigay sayo?", "anong paksa ang tula mo?", "ano daw?", "shit! Nosebleed ako, tagalog ang poem." Napangiti ako at napaisip, Kanino kaya ibibigay ni Yumi ang tula niya? Anong ng paksa ng tula niya?
"Limang saknong lang na mayroong 4 na taludtod. Nagkakaintindihan tayo?"
"Opo!"
"Simula niyo ngayona ang draft, mayroon kayon isang linggo para gumawa." And with that, umupo na si Sir sa teacher's chair at nagsimula n ring gawin ang ginagawa niya. Nagsikuha na ng papel ang mga kaklase ko at nagsitahimik silang lahat.
"Dude anong topic ang sayo?" Siniko ang katabi ko si Up. Lalaking addict sa anime pero ang taas ng grado. Imported siya, galing America pero pure filipino.
"Syempre pagmamahal."
"Para kanino?" Tanong ko at kumuha na rin ng papel at ballpen.
"Para sayo dude, I love you." Pabiro niyang sabi.
"Gago!" Sinuntok ko siya sa tagiliran at napa-ouch siya.
"Mr. Sevilia, anong problema?" Sigaw ni Sir. Napatikum ako ng bibig at nagsulat na lang habang si Up tumatawa lang. Siya may kasalanan nito e bakit ako lang pinagsabihan!
Lunch time na at dahil kinain na namin ang baon namin, ngayon ay nakaupo lang kami sa soccer field, tumatambay. Si Yumi ay bitbit na notepad at nagiisip pa rin para sa tula. Ako naman, YOLO! Sa bahay ko na 'yun gagawin.
"Bes, tulungan mo akong gumawa ng title o!" Sabay kamot sa ulo niya dahilan para masira ang makatali nito. Nagmukha siyang witch sa buhok niya pero tuloy pa rin sa maggawa ng title ng tula niya. Naparami ng erasures ang notepad niya halatang ang daming rejected ideas.
"Ano ba ang topic ng tula mo?"
"Pag-ibig syempre! Pero one sided love." Sagot niya at nag-doddle sa notepad niya.
"Kanino mo ibibigay?" Imbis na tulungan siya gumawa ng title, tinanong ko na lang siya. "Sa akin no?" Pabiro kong sabi pero umaasa ako na ako nga. Natawa siya sa sinabi ko at ang mga sinabi niya pagkatapos ay ang dahilan bakit ako makakatulog sa gabi.
"Hindi no! Kay Ash ko ibibigay."
-------------
Haloo! Here's the first chapter. Sorry kung natagalan.Titan hugs to you guys!
Nekoneechan
BINABASA MO ANG
Once upon a Pickup Line
RomansaPickup lines, ginagamit ng mga lalaki o ng mga babae para dumamoves. Mga katagang, pabiro kung sabihin pero may totoong meaning.