If nothing is forever, can I be your nothing?
AmeSabi nila kapag inlove ka inspired, blooming, positive. Well, they're missing one thing, paano kung inlove ka sa manhid? Malamig, nakakatanga at higit sa lahat masakit 'yan yung feeling. Tulad na lang sa akin na patay na patay sa best friend ko. Alam kong natural sa magbestfriend na lalaki at babae ang magkagustuhan, pero kahit anong hirit ko at attempt kong dumamoves sa kanya, balewala lahat. Pero dahil mahal ko siya, eto ako, nagmamahal palihim.
"Uy! Kanina ka pa nakagtulala sa notepad ah, may problema? O di kaya gutom ka?" Nandito kami sa sala ng bahay nina Yumi nagpapatulong sa akin sa poem. It's Saturday, so why not? At least magkikita kami. Nakaupo ako sa single couch at siya naman nasa sahig nakaupo sa paanan ko habang nakasandal ang ulo sa hita ko.
"Baka ikaw ang gutom! Kakakain lang natin ng lunch ah." Sagot ko sabay gulo sa magulo na niyang buhok. Siya lang ang kilala kong babae na hindi nag-aayos kung may bisita. Naka-jogging pants lang siya at naka-tshirt na may 'fuck off!' Sa harapan. Tumawa lang siya at nag-focus ulit sa notepad niya na puno ng erasures at doodle. Nag-focus na rin ako sa notepad ko baka sakaling dadalaw ang creativity sa utak ko.
"Hmm..Bes, kung magtatapat ako sayo na crush kita, anong gagawin mo?" Tanong niya bigla. Nagulat sa tanong niya at biglang nanlamig ang kamay ko. Lunok.
Plot twist na ba?
Eto ba ang paraan niya para tanungin ako kung crush ko siya? Sasagutin ko siya ng 'gagawin ko? Matatapat rin ako sayo.' Tapos mapapasigaw siya sa gulat at tuwa. Yayakapin niya ako at sasabihing 'crush rin kita!' Tapos magi—.
"Uy! May sagot ka o wala?" Nagkasalubong ang kilay niya at naka-pout ang lips. Traydor ang puso ko ang lakas ng kabog! Yung tipong mapupuno ng dugo agad-agad ang bathtub. Umiwas ako ng tingin at pinaghandaan ang sagot ko.
"Aish! 'Wag na lang! Sa sobrang tagal mo sumagot naunahan ka pa ng mga bulati sa tyan ko! Gutom ako, kain tayo ulit lunch." Tumayo siya agad tumakbo papuntang kusina at ako bilang ako, sumunod sa utos ng aking prinsesa. Pagpasok ko ng kusina nila, ayun si Yumi, nilalantak na ang menudo.
She and her amazing metabolism.
Hinila ko ang upuan sa tapat niya at pinagmasdan ang eating face niya. Kahit araw-araw ko 'tong nakikita, it never failed to amuse me. Ang cute kasi.
"Bes, baka matunaw ako." Bigla siyang nagsalita habang may pagkain sa bunganga niya at nakakatitig sa plato niya.
Tumigil ako sa pagtitig baka matunaw siya e. Mamahalin ko pa siya, hindi siya pwedeng matunaw."Bes, naniniwala ka sa forever?"
"Related ba 'yan sa tula?" Tanong niya habang may laman pa rin ang bunganga.
"Pwede na rin."
"Nothing is forever. Kahit ang plastik, nabubulok rin, matagal lang nga." Sabi saka uminom ng tubig.
"Wah! Busog na ako! Salamat!" Sigaw niya at pinatong ang baso sa plato niya at tumayo para pumunta sa lababo.
"E Bes, if nothing is forever, can I be your nothing?"
"Ahem! Ahem!" Sabay kaming napalingon sa entrance ng dining room. Si Reckler, nakababatang kapatid ni Yumi. Naka-cross ang braso sa dibdib niya at ang sama ng titig sa akin. Naka-hoodie at naka-jogging pants.
"Uhm... Hi Reck." Bati ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya at sumenyas na mag-usap kami...sa labas.
Jusko.
Tumayo ako sa kinauupuan ko. "Saglit lang." Paalam ko kay Yumi at tumango na. Siya naman, pumunta nasa lababo at naghugas na ng plato.
Nung nasa garden na kami, "Nililigawan mo ba si Ate? " bungad niya agad sa akin at itinulak ang eye glasses niya. Wala naman akong mapapala kung magsisinungaling ako diba? I might as well tell him.
Humakbang ako palapit sa kanya at sumenyas na lumapit siya. Ginawa niya ito na may halong 'tsk, anong trip mo?' .
"Oo, pero manliligaw pa lang. Manhid ng Ate mo e. " Pabulong kong sabi at saka tumayo na ng maayos.
Awkward silence.
Hindi umimik si Reckler at para bang nag-iisip.
"Seryoso ka kay Ate?"
"Aba oo naman! Sinong taong hindi seryoso ang matitiis ang tawazoned ng Ate mo!?" Pasigaw kong sabi kaya 'napa-shh!' siya.
"Sigurado ka Kuya sa pinagsasabi mo?" Tinitigan niya ako na parang may hinahanap sa mga mata ko. May sister complex kasi siya pero hindi ganun kalala. Only girl si Yumi e, may kapatid pa sila na mas matanda.
"OO! pati nga pagiging nothing, gagawin ko para lang maging forever niya e!"
Paniwalaan mo na ako brad!
"Ligawan mo lang si Ate kung approve kay Kuya Lhanz." Saka nag-walkout papasok sa dining room.
Sigh.
Mukhang mapapasubok ako neto. May meet the bro pa. Once ko lang nakita si Kuya Lhanz pero I tell you, nakakatakot siya. Sa Japan siya nagtra-trabaho bilang mangaka at bata pa ako nun. Well, wish me luck na lang. Hay, mga nagagawa ng pag-ibig.
"Bes, sino nililigawan mo?"
~*~
Note: Mangaka means gumagawa manga or authors.
Manga: GMN: Google mo nalang-------------
Tadaima! It's been awhile guys. Busy sa school e. Appointed as Vice President sa room ang nee-chan niyo at adviser ang isang terror na sensei. Thanks for reading! Hindi uso sa akin ang proof reading so expect misspelled words and grammatical errors. Matatalino naman kayo so I hope you understand.
PS: I'll be updating the other stuff too.
Titan hugs to you guys!
Nekoneechan
BINABASA MO ANG
Once upon a Pickup Line
Storie d'amorePickup lines, ginagamit ng mga lalaki o ng mga babae para dumamoves. Mga katagang, pabiro kung sabihin pero may totoong meaning.