Chapter 3 Roommates

10 1 0
                                    

Shalala's POV

Simula noong pangyayaring iyon hindi na muna ako umuuwi sa bahay after school. First kase masyadong malayo. Second kase bumabalik yung mga ala-alang ayaw ko nang balikan.

Naghanap ako ng boarding house na malapit lang sa school at dapat safe din. Nakarating ako sa isa na ilang kanto lang ang layo mula sa school. Muka namang safe dito kase may gate tapos may guard.

Pagkapasok ko, sakto namang may vacant room pero may makakasama daw ako. Nakausap ko naman yung landlady tapos mura lang pala yung rent. Pagkabayad ko ng down payment naglakad na ako sa may hallway na medyo creepy kase may skulls at pumpkins na pang hallooween pa yung decoration kahit magpapasko na. Adik ba si ate o sadyang nagluluksa lang.

Pagkapasok ko ng room ko, aba malinis at maayos na yung mga gamit. Fully furnished na pati yung mga walls aqua blue na yung kulay. Ang refreshing pero bakit ang baba nung renta... Anyways sino kaya yung magiging roommate ko. Sana magandang dilag o pogi at matipunong binata. Yiee. "Hoy Shalala madrama ka hindi pokpok at malandi ha!" Sabi ni Author. "Sury na. Nakalimutan kasi ni ako eh." sagot ko.

After ng pag-uusap namin ni author nitong madrama kong istorya, may nagbukas bigla ng pinto at sabay naman ang pagsigaw ko sa pagkagulat.

Shalala (The Queen of Drama)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon