Isang protagonist school band member na na-inlove sa isang football hearttrob player. Pero may isang kontrabidang antagonist girlfriend na sisingit...Sa huli magiging sila pa rin kaya?
"No, baby...I had to get off the phone really quickly..."
"...I tried to call you right back..."
"...Of course I love you. More than anything! Baby, I’m so sorry."
Geez. Hindi ako makapag-aral ng mabuti dahil ang ingay ng nasa kabilang bahay. Ano naman kaya ang pinagtatalunan ni Lucas at nung girlfriend niya? Hindi sa tsismosa ako pero curious lang talaga ako dahil almost everyday silang nagtatalo pero pag nasa school eh ang sweet nilang tignan.
Nung nakita kong tapos na silang mag-usap nung girlfreind niya thru the phone eh napatingin ako kay Lucas. Kitang-kita sa mukha niya na upset siya sa ibang bagay ne ewan. Magkapitbahay lang kami ni Lucas at magkatapat pa ang bintana ng mga kwarto namin kaya nakikita ko kung anong nangyayari sa kanya at syempre ganun rin siya sakin.
Nagsulat ako sa drawing book ko.
YOU OKAY?
Yun yung sinulat ko s drawing book ko kasi hindi kami makakapag-usap ng maayos kahit magkalapit lang kami dahil may malaking bintanang makaharang sa amin at paniguradong hindi kami magkakaintindihan.
TIRED OF DRAMA
Yun naman yung reply niya sa tanong ko.
SORRY :(
Reply ko sa kanya tapos may sinulat ulit ako.
May gusto pa sana akong sabihin sa kanya kaso lang sinarado na niya yung bintana niya ng kurtina.
By the way, bago tayo magkalimutan, ako nga pala si Taylor. Ang pambansang nerd sa school namin. Si Lucas naman ay isang football palyer na kilalang hearttrob sa school namin at ang ultimate crush ko since nung una ko pa siyang nakita kaso nga lang taken na siya. May girlfriend siyang isang cheerleader, yun yung kausap niya kanina.
Dahil hindi ko na masasabi yung gusto kong sabihin sa kanya dhil bigla niya na lang ao sinarhan ng kurtina eh napaharap na lang ako sa malaking salamin ko. Isa lang naman ang problema ko eh, ang fashion. Marami akong damit sa loob ng wardrobe ko pero hindi ako marunong mag-ayos ng sarili at idagdag pa ang malaking eyeglasses na suot ko kaya napagkakamalan akong isang nerd sa school namin kahit hindi naman.
Binuksan ko na lang ang radio ko.