Rough Rough ang sabi ng Dog - Episode 1

156 4 0
                                    

Simula na naman ng pasukan, 4th year highschool, ang taon para sulitin ang highschool life, ang taon kung saan enjoyin ang mga school activities bago pa mapunta sa magulong mundo ng kolehiyo.

Mga 30 minutong nakaharap sa salamin para ayusin at guluhin ang buhok at paulanan ng cologne ang uniform. Handa na siyang pumasok sa eskwelahan, handa na ang gamit, handa na ang baon, handa na ang ballpen at yellow pad, handang handa ng sumabak sa unang araw ng huling taon bilang highschool.

Masayang sinalubong ni Edison ang bibong araw bago umalis ng bahay. Paulit ulit niyang kinausap ang sarili with matching tingin sa salamin upang icheck kung nasa porma pa siya at nasa ayos pa ang engineering ng kanyang buhok.

"Ayos to, Edison, sweswertehin ka ngayong araw na to. na lahat ng mangyayari ay pabor sayo. na lahat ng bagay ay masaya na parang si hannibal lecter na fumufoodtrip sa may isawan."

Ilang metro nalang sa eskwelahan nila eh biglang bumuhos ang isang malakas na ulan, mga 750 drops per second. Sa unang pagkakataon, bago palang makarating sa paroroonan ay sinalubong na siya ng malas, pagkat nahanda niya ang kanyang sarili ngunit hindi sa sitwasyon na yun. Hindi siya nakapagdala ng payong kundi naman siya utak pagong ay hindi siya magkakaganun. Nakakita naman siya ng sisilungan upang hintaying humupa ang ulan.

"Mukhang mapapatagal ako dito, kakasabi ko lang kanina na swerte ako pero eto tingnan mo nga naman takbo ng panahon ngayon. pati si haring araw nahiya sa kawirdohan ko at nagtago sa nagluluhang ulap. Kelangan ko ng gawin ang operation: desperado"

Desperado dahil kelangan ng pumasok at makaiwas sa buena manong sermon ng magiging teacher nila. Naghihintay siyang may dumaan na merong payong. Sakto, may isang babaeng merong maliit na payong. Sinigawan niya ang babae "Pwede bang makisabay?!", tumango lang ang babae at biglang kumaripas na mala naruto upang maiwasan ang mga patak ng ulan patungo sa magsisilbing tagapag salba mula sa tambayan ng mga nastranded sa ulan na walang payong. Nahihiya din siya ng konte sapagkat di naman sila magkakilala at nadaan lang talaga sa kapal ng mukha dahil sa pangangailangan. Hindi sila naguusap, sinisiksik niya ang kanyang sarili, halos mabasa na ang kanang bahagi ng kanyang polo dahil iniiwasang masakop ang buong payong. Hindi niya rin kinukuha ang payong para alalayan ang may bitbit at hindi mahirapan sapagkat gentleman nga siya, nahihiya lang siyang ipakita.

Pagkadating na pagkadating nagpasalamat siya't nagpaalam. Deadma lang si babae sapagkat nandun na sa gate at nagaabang ang kanyang kaibigan para makipagchismisan tungkol sa bakasyon at mga post nila sa instagram. Hinarang naman siya ni manong guard at kinapkapan. Sa tinagal tagal na niya sa paaralan ay hindi pa rin mawala ang paranoia ni manong, bawat pasok niya ay mala airport security ang dinadaanan niya. Kung hindi ito isang scam ng principal at guidance counselor kung saan ang mga utak kamote sa paaralan ay dapat madelay sa pagpasok upang malate sa klase at bisitahin sila upang malibang.

Pagkatapos ng pagsubok sa gate ay dumiretso si Edison sa canteen kung saan ang meeting place nila ng kanyang bestfriend na si Mark dahil maaga pa naman para pumasok sa subject. Magkaibigan na sila mula nursery at tila hindi sila nagkakasawaan sa pagmukuha ng isa't isa. Loyalty awardee ang dalawa, sa katunayan ayaw na nila magkolehiyo dito kasi baka pag graduate nila ay inaamag na ang kanilang utak o kaya nalalagas na diploma ang makukuha.

Nagtaka si Mark…

Mark:"Bakit parang basang basa ka?"

Edison:"Pawis to, sa kakatakbo ko sa ulan"

Mark:"Ah. buti nakadating ka ng hindi dumadami, alam mo naman ang lahi niyo diba tuwing nababasa?"

Nagtawanan nalang ang dalawang kumag nang dumaan sa may bintana ang dalagang nagsalba sa kanya.

Edison:"Siya! siya ang nagligtas sakin sa panganib kong maging halamang tubig sa harap ng bangkong inabandona"

Mark:"Infairness cute siya ah, nalaman mo ba yung pangalan?"

Edison:"Yun na nga eh, sa sobrang takot ko naman kasing pumasok na tanging tuyo lang sakin ay singit eh nagmadali na akong sumabay at nahiya na rin ako"

Mark:"Kahit kelan talaga, hahaha! sige punta na ako sa room ko, baka mapagalitan pa ako eh. gusto ko pa naman magaral na"

Edison:"Hayop, aral pa gusto. hahaha! sige excited na akong buksan ang aking mga libro"

Matagal tagal din nilang lokohin ang mga sarili bago sila tuluyang maghiwala at pumunta sa kani-kanilang room. Hanap dito, hanap doon, bawat room ay tinitingnan niya ang kanyang pangalan sa nakapaskil na papel sa harap ng pinto kung nandun siya o baka sa basurahan siya nakaenroll. Sakto, mga ilang minuto nalang bago magsimula ang klase ay nakita niya na ang kanyang subject at section.

"Eto na, Eto na ang simula. Eto na nga."

Rough Rough ang sabi ng DogWhere stories live. Discover now