Rough Rough ang sabi ng Dog - Episode 3

57 2 0
                                    

Pagkatapos ng pagkukunyaring tulog, halos mahulog sa upuan si Edison. Si Roxanne pala yung babaeng huling sumakay ng jeep. Hindi niya pinansin at pinagpatuloy ang magtulugtulugan. Hanggang sa marinig niya ang boses ng dalaga.

Roxanne:"Ikaw yung nakasabay ko kaninang umaga at kaklase pala kita."

Edison:"Oo nga, ako nga. san ka pala bababa? bayad na kita"

Roxanne:"Fairview ako eh, pero wag na nakakahiya"

Edison:"Halos magkalapit lang pala tayo"

Iniabot ni Edison ang bayad niya sa driver, "wala ho ba kayong barya?", Agad pinalitan ni Roxanne ang bayad ni Edison at siya pa ang nalibre.

"Ayos kayo manong, wala namang sticker na barya lang po sa gabi na may kasamang radio station id. Imbes na makabawi sa utang na loob ko sakanya e dinagdagan niyo pa. Kung pwede lang talaga ibayad yung kending sinukli sakin ni aling nena"

Nagpatuloy ang kwentuhan ng dalawa.

Edison:"Salamat nga pala kaninang umaga ah, kundi dahil sayo tinubuan na ako ng lumot"

Roxanne:"Ok lang yun, 2-0 na. Kaya humabol ka naman. Hahaha!"

Edison:"Talagang babawi ako, teka gutom ka din ba?"

Roxanne:"Oo, pwede na din, medyo, bakit?"

Edison:"Handa ka bang mag-amoy sibuyas?"

Roxanne:(Kumunot ang noo) "Huh?"

Edison:"Ang ibig kong sabihin mahilig ka ba sa shawarma?"

Roxanne:"Ah oo kahit ano naman kinakain ko basta karne."

Edison:"Gusto mo kumain dun?"

Roxanne:"Basta ba libre mo eh"

Edison:"Oo ba"

Umikot pa ang kwentuhan mula sa pagkasabay nila sa payong hanggang sa gag show ng kanilang guro. Nang makarating sila sa pupuntahan.

Roxanne:"Mukhang sarado naman eh."

Edison:(Light Bulb moment)"Hindi yan, baka surprise lang o may secret password na sasabihin bago magbukas"

Roxanne:"May tatlong padlock."

Edison:"Hindi yan, baka may scavenger hunt ng susi dito sa paligid o baka display lang"

Roxanne:"May nakalagay na karatulang 'Closed'"

Edison:"Baka reverse psychology lang yan ng may ari."

Roxanne:(Tumawa)"Sige hintayin mong magbukas yan. uuwi na ako.

Edison:"Ay oo nga sarado pala. Hatid na kita sasakayan"

Hinatid niya sa sakayan ng bus ang dalaga.

Edison:"Salamat nga pala ulit, bakit sa tuwing nagigipit ako lagi kang nanjan at dumadating para isalba ako? Guardian angel ba kita?"

Roxanne:(Tumawa)"Teka, pick up line ba yan?"

Edison:(Halos tumupi na parang papel na naupuan)"Ahm. Hindi, pero salamat talaga"

Bago pa makasakay sa dyip ay may binulong ang dalaga. "2-1 na, ayan may score ka na"

Napangiti ang binata sabay babye sa jeep na sinakyan ni Roxanne.

Pagdating sa bahay, hindi na matanggal ang ngiti sakanyang mga labi. Hindi na maalis sakanyang isip ang tagpong iyon. Hindi na mabubura, kahit sankatutak na liquid paper at ariel, ang nakatatak na ngiti sa kanyang nagagagalak na mukha.

Edison:(Kumatok sa pinto)

Mama:"Bakit ngayon ka lang? Nagsimula na ba kayo ng thesis niyo? Overtime sa school? Naholdap ka ba?"

Edison:"Mali po hula niyo."

Mama:"Ahh, Ikaw ang nangholdap?"

Edison:"Mali po ulet, pero ok lang po ako"

Mama:"Ge, pasensya na din. nagaalala lang eh. sino nang maghuhugas ng mga pinggan kung may nangyari ng masama sayo?"

Edison:(Napangiti)"Salamat po sa concern"

Mama:"Sige pumasok ka na baka ako pa mangholdap sayo"

Pagkatapos ng hapunan ay nagsindi na ang buwan at kasama ng mga bituin. Hindi mawala sa isip niya si Roxanne.

"Oo, Maganda si Roxanne, eto na ata ang una . Kanina sa tagpo namin di maiwasan ang pagslow-mo ng buhok niya na parang sa shampoo commercial, parang slow motion nga halos lahat eh pati mga muscle niya na parang nasa national geographic. Hindi ko rin kasi siya malapitan kaninang umaga bago pumasok, may kasama pa siyang dalawang kaklaseng babae eh. Sabagay, lahat na ng nangyari kanina nagpapatunay na totoo ang napapanood ko sa mga filipino chick flicks katulad ng shake rattle and roll na gumagana ang slow-mo function sa mga magagandang babae at lalong lalo na meron silang sidekick."

Di na siya makatulog, parang modelo kung makapuwesto daig pa sa isang magasin kung saan suot niya'y yellow at buhok pa ay green. Hindi mawari ang nararamdaman, hindi niya alam kung tulak lang ba ito ng kanilang mapagbirong guro o kung sasakyan niya ang magaspang na daanan patungo sa mundo ng pagibig kasama si tuxedo mask.

"Sabi na nga ako'y tinamaan ng di ko nalalaman, unti unting nabubuhayan ang pusong walang alam"

Rough Rough ang sabi ng DogWhere stories live. Discover now