Rough Rough ang sabi ng Dog - Episode 5

27 2 0
                                    

Lumipas ang tatlong linggo, marami na rin nangyari. Ilang movie marathon na ang naganap at ilang uwian na din ang naging dahilan para maihatid at maisundo ni Edison ang taong mahal niya.

Isang araw, Monday, hindi pa din bumabangon si Edison sa kama. Nanlalamig na pakiramdam, nanginginig na katawan at mabigat na pagbangon mula sa kama. Nilalagnat siya at ito ang desperasyon na tawagin ang nagiisang superhero sa kanilang neighborhood.

"MAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Agad na dumating ang kanyang nanay dala ang kanyang mga gamot at pagkain.

Edison:"Wow! breakfast in bed."

Mama:"Baka gusto mo madagdagan ng sprain sa mukha yung sakit mo."(tumawa)

Edison:"Ma, naman eh."(tuluyan ng kinalimutan ang tao sa harap at inupakan na ang kanyang almusal)

Mama:"Oh sige,(may kumakatok sa pintuan) mukhang may kumakatok sa pintuan eh.(may kumatok ulet) SANDALEEEE!"

Binuksan ng nanay ni Edison ang pinto at si Roxanne ang nasa likod nito.

Mama:"Oh iha, ano po ang kailangan nila? di po kami tumatanggap ng donasyon."

Roxanne:"Ah eh.. Magandang umaga po, si Edison po?"

Mama:"Nasa kwarto niya, bakit? nabuntis ka ba niya? sabi ko sakanya na dapat gumamit ng proteksyon eh kung magpapakatanga lang."

Roxanne:"Ah hindi po yun."(ngumiti)

Mama:"May utang ba siya sayo?"

Roxanne:"Wala ho, kaklase niya po ako, may sakit daw ho siya eh dadalawin ko lang po sana siya."

Mama:"Pano mo nalaman na may sakit siya?'

Roxanne:"Si Mark po, sinabi niya po sakin na dalawin ko siya dito"

Mama:"Ahhh sige iha tuloy ka muna"

Hinatid ng nanay ni Edison sa sala si Roxanne at tinawag si Edison. Nakabangon naman kahit papano at pormang wizard dahil sa pag tapis ng kumot para mabalot ang kanyang katawan. Kulang nalang ng magic wand at pede nang magcosplay ng twilight.

Hindi alam ni Edison ang sasabihin dahil nagmamatyag ang kanyang nanay na naka thumbs up ang parehong kamay nito na parang nangaasar, kaya si Roxanne ang unang bumati.

Roxanne:"Kamusta ka na?"

Edison:"Ok na ok, mas malakas pa ako kay Popeye the sailormoon"

Roxanne:(Tumawa)"Ok din pala nanay mo no? Medyo kwela pero natakot ako nung umpisa"

Edison:"Ganun talaga yun. default mode na nun yung nananakot"

Mga ilang assignments at kalokohan din ang napagusapan bago ito maubos kaya biglang tumahimik ang paligid.

Roxanne:"Sige pahinga ka muna dyan, tulungan ko muna magluto ng tanghalian ang nanay mo"

Edison:(Humihilik na pala)

Nagising si Edison sa tawanan ng kanyang ina at ni Roxanne. At nang makita niya ang dalawa na pinagkakaguluhan ang baby picture ni Edison.

Roxanne:"Ang cute cute mo dito oh. parang model ng tikitiki"

Mama:"Ewan ko nga bakit pumayat ng ganyan yan ngayon eh. Nagaadik na ata"

Tumawa ulit ng malakas ang dalawa

Edison:"Sige po hilamos lang po ako, nasan po yung muriatic acid? ihihilamos ko na din para mawala ang kahihiyan ko."

Matapos ang tanghalian ay umuwi na din si Roxanne. Naiwan si Edison na abot tenga ang ngiti.

Mama:"Hindi ba delikado yan?"

Edison:"Yung alin ma?"

Mama:"Mukhang mabait. maganda pa. mukha ring matalino at naturuan ng mabuting asal."

Edison:"Ano pong ibig niyong sabihin?"

Mama:"Dehado ka anak, mukhang mission imposible yan."

Edison:"Ma....."(kumunot ang noo)

Mama:"Kayo na ba?"

Edison:"Ma naman eeeh"

Mama:"Concern lang ako sa anak ko. Nasabi mo na ba yung nararamdaman mo? kung hindi pa eh wag mo na munang ituloy."

Edison:"Alam ko po ginagawa ko handa naman ako sa mga mangyayari e."

Mama:"Nakahanda din yung paramedics at mga limang galon ng anestisya."

Edison:"Pero balak ko na po sabihin eh."

Mama:"Sigurado ka na ba? Is that your final answer? pero sige suportahan kita dyan anak. yun lang naman magagawa ko o baka gusto mo gawan ko siya ng cross stitch ng mukha niya?"

Edison:"Wag na po. ako na po didiskarte."

Natapos ang araw na nakahiga lang siya sa kanyang kama buong maghapon. Dahil din sa may sakit siya kaya hindi siya makakilos ng maigi at sa kakaisip din kung kelan at pano niya sasabihin kay Roxanne ang kanyang nararamdaman. Iniisip niya na baka may masira sa pagitan nilang dalawa. Na magkaroon ng restraining order na hindi na siya pedeng lumapit hanggang 50 meters kay Roxanne kung sakaling di presentable ang kanyang pagtatapat.

Tuesday. Absent pa din si Edison at hindi na dumalaw si Roxanne.

Wednesday. Pumasok na si Edison ngunit iwas na iwas na siya kay Roxanne. Simula kasi nung nakwestyon ng kanyang nanay ang kanyang nararamdaman ay nagdadalawang isip na siya kung patuloy siyang magiging kaibigan lang at mapabilang sa mga friendzoned o buong tapang niyang haharapin ang consequences ng kanyang napiling tadhana.

Thursday. Normal na araw. Halos maging ninja na siya sa kakakaiwas kay Roxanne. Naguidance lang siya dahil nahuli siyang nagtatago sa may flower pot at napagkamalang terorista o nagbebenta ng ipinagbabawal na bulaklak.

Panay sablay man ngayon week pero umabot na siya sa Friday. Dahil wala na siyang maisip na paraan para umiwas ay ito na ang araw. Ang araw na binabalak niyang gawin ang mala-John Lloyd na pagtatapat kay Bea.

"Eto na. Handa na ako. Handa na ako. Handa na ako. Handa na ako. Handa na ako. Handang Handa na ako. Pero san ako magsisimula? San ako magtatapos? Basta bahala na eto na. Eto na nga talaga"

"Roxanne!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 10, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rough Rough ang sabi ng DogWhere stories live. Discover now