Rough Rough ang sabi ng Dog - Episode 4

43 2 0
                                    

Maagang mambulabog ang kapitbahay, ala singko y medya ng umaga ay nagmamartilyo na at halos mayanig ang kwarto ni Edison sa ingay. Nabulabog ang kanilang bahay at maagang nagising ang mag-ina.

Mama:"Kung kelan alas singko ng umaga, saka naisipan mag martilyo. Sakit sa ulo. Pati ba karpintero may graveyard shift na din? Kung knock knock joke yan, please 'whos der' na."

Edison:(Buong ngiting sinalubong ang ina) Good morning ma.

Mama:"Good morning din anak, bakit mukhang tuwang tuwa ka sa nangbulabog satin? wake up call mo ba yan?"

Edison:"Hindi po, nagising nga din po ako dyan eh. siguro po overtime lang po yung karpintero"

Mama:"Sige anak, ikaw naman ipopokpok ko sa dingding."

Naligo. Almusal. At buong sayang nagpaalam upang pumasok.

Edison:"Una na po ako"

Mama:"Wag bata ka pa, marami pa akong pangarap saiyo. Hindi ka na nga magiging Matinee Idol, iiwan mo na ako at pupunta ka na sa liwanag?"

Edison:"Sige po, 'Papasok' na po ako"

Mama:"Ingat anak, magpayong ka na at ng di ka maabutan ulit ng ulan"

Edison:"Salamat po, sige ma! I shall return!!" (pero tuluyan niya paring nakalimutan ang payong)

Lumakad na si Edison. Nagkataon na naghihintay din si Roxanne dun sa pinaghihintayan niya kahapon. Sa isang abandonang building na pede ng pagshootingan ng action films. Hindi nagatubiling lapitan ni Edison ang dalaga.

Di tulad kahapon, walang ulan, walang bahid ng hiya, walang kakabakaba. Naubos ang natitirang kamalayan sa mga mangyayari. Eto ang pinakaunang beses na nakita niya ng malapitan si Roxanne ng maayos. swabe ang dating. Bonus pa ang mala-monalisang ngiti niya na para bang kahit sinong pintor ay hindi maipipinta dahil sa kakulangan ng kulay tamis at paintbrush na binabad sa fabric conditioner na hinaluan ng dish washing liquid. Madulas na banayad.

Edison:"Wala namang ulan ah. Mataas nga ang sikat ng araw. Ano pang inaantay mo dito?"

Roxanne:"Ikaw"

Edison:(Ngumiti)

Roxanne:"Good morning"

Edison:(Nagbow)"Good morning maam"

Roxanne:"Ayos ah, parang alalay lang ah."

Edison:"Di porket ganito itsura ko ay pede mo na akong alilain" (sabay kuha ng bag ni Roxanne)

Roxanne:"O bakit mo kinuha? pero salamat nadin, gentleman ka pala"

Edison:"Bumabawi lang ako dahil sa di man lang kita naalok na bitbitin yung payong kahapon"

Roxanne:(Tumawa)

Pagdating sa may gate ay sakto nalingat ang guard at diretso silang nakapasok nang hindi hiniaharang si Edison. Bago pa sila maghiwalay ay nakita sila ni Mark at agad agad isinoli ni Edison ang bag ni Roxanne.

Mark:"Pare, kayo na ba nung kasabay mo pumasok kahapon? Ang bilis mo ah, para kang si John Lloyd."

Edison:"Hindi ko siya syota. At hindi ako si The Flash na magaling umiyak."

Mark:"So, friends lang kayo ganun? Showbiz mo ah."

Edison:"Tignan mo to, magtatanong tapos walang tiwala sa sagot."

Mark:"Eh bakit bitbit mo yung bag niya?"

Edison:"Sinubukan ko lang baka bagay sakin eh. Tsaka tinulungan ko lang baka mabigatan eh"

Rough Rough ang sabi ng DogWhere stories live. Discover now