Chapter 3: I'm Doomed

53 5 0
                                    

Chapter 3: I'm Doomed

"Girl, section A ka?"

"Yes! Oh my gosh!"

"Eeeeh! Ang swerte mo naman girl classmate mo ang Fantastic 5! Kakainggit naman!"

"Mainggit ka lang girl! Fantastic 5 here I come!"

Papunta pa lang ako sa bulletin board ang ingay-ingay na ng mga estudyante, especially mga babae. Kung mag-usap naman sila parang wala ng bukas. Ang dami na ding estudyante ang nasa tapat ng bulletin board. Malamang sa malamang nagtitingin din sila ng kanilang section.

Hay, ano kaya ang section ko? Sana naman hindi ko magiging classmates yung Fantastic 5. Please lang po Lord. 

Hay matingnan na nga. Pumunta na ako dun sa may bulletin board. Ano ba naman yan ang daming tao. Kaya no choice ako kung hindi ang makipagsiksikan.

"Excuse me po. Excuse me."

"Ay! Ano ba naman yan wag ka ngang mantapak! Kainis toh!"

"Sorry po. Pasensya na," hinging paumanhin ko dun sa babaeng natapakan ko. Ate naman, is it too late now to say sorry? (Ok, corny ko na.)

Pagkatapos nun patuloy pa din ako sa pakikipagsiksikan at sa awa ng Diyos nakaraos din. Tiningnan ko na kung ano ang section ko.

"Santiago, Santiago, Santiago, Santiago..." sabi ko habang hinahanap ko yung pangalan ko. At ayun! Nakita ko din! Waaahh!!! Section A ako!

W-wait lang. Kung section A ako. It means— Lord huwag naman po sana. Tiningnan ko ulit yung list of students ng section A at.. at... 

"Hindi ito maaari! NO!!!" sigaw ko kaya lahat ng estudyante ay napatingin sakin. Tumahimik din ang buong paligid na akala mo naman eh may dumaang anghel. Ano ba naman yan Cailey, nakakahiya ka. Bakit ka naman sumigaw? Pinagtitinginan ka tuloy ng mga estudyante. Lupa lamunin mo na ako please huhuhu. 

"P-pasensya na po k-kayo. A-ano k-kasi... Hmmm m-may langgam kasi. K-kinagat ako k-kaya ayun napasigaw ako hehehe. "

*krooo krooo*

Ano ba naman yan ang tahimik pa din nila. Ang awkward talaga. Umalis na lang ako para makaalis na dun sa kahihiyang ginawa ko. Dumiretso na lang ako sa CR para mahimasmasan ako at salamat walang tao. Naghilamos ako ng mukha ko para mahimasmasan ako.

Sino ba naman ang hindi mapapasigaw kung malaman mong classmates mo pala amg limang lalaking yun, ang Fantastic 5! Never ko talagang hiniling na maging classmates ko sila. Sa tatlong taon kong nag-aaaral dito, ngayon ko palang sila magiging classmates. For sure hindi magiging madali itong year na ito huhuhu. Tiningnan ko yung oras sa cellphone kong 3310 lang. Hala ka po! 5 minutes na lang bago magstart ang klase.

Dali-dali naman akong lumabas na ako ng CR at dumiretso na sa classroom. Nagsign of the cross muna ako bago ko buksan ang pinto ng classroom. Pagkapasok ko lahat napatingin sa akin. Ayan na naman po sila. 

"Eeeew. Section A din siya?"

"She's not bagay here. Like duh ang cheap niya kaya."

"Look girl, ang manang niya talagang manamit hahaha."

"Oh poor girl."

Hay, kelan kaya matatapos yang panlalait nila sa akin. Oo, mahirap lang ako pero hindi naman ata makatarungan iyang lait-laitin lang nila ako. Sawa na din akong marinig ang mga pinagsasabi nila. Hindi ko nalang sila pinansin. Dumiretso na lang ako sa likod at umupo malapit sa bintana. Wala din namang nakaupo. Nagtataka ng ako kung bakit bakante talaga ang sa likod. Wala pa kaming teacher at salamat wala pa dito yung 5 unggoy na yun (Shhhh lang kayo ha.)

Pagkaupo ko ayan na naman, nagreact na naman sila.

"Like seriously? May gana talaga siyang umupo diyan?"

"Ang ambisyosa talaga"

Umupo lang ako, makareact naman sila. Bakit? Bawal na bang umupo ngayon? OA ha. Lahat na lang ata ng galaw ko ay binabantayan nila.  Hinayaan ko na lang sila at tumingin na lang sa labas ng bintana. Maya maya pa dumating na yung teacher namin. Tumayo naman kaming lahat para i-greet yung teacher namin.

"Good morning Sir!"

"Good morning class. You may now sit down."

Pagkasabi nun ni sir eh nagsiupuan na kami.

"Before anything else, I will introduce myself first. I'm Andrew Luis Lopez. But you can call me Sir Andrew na lang. Sa totoo niyan fresh graduate palang ako sa college. And yes, I will be your adviser for the whole school year and I hope we'll get along together."

Naks naman bagets na bagets si Sir ah. Yung mga babae naman eh kanya-kanyang pacute sa teacher. Ano ba naman yan, pati ba naman teacher? Okay sabihin nating may itsura din naman si Sir pero-- hay hayaan na nga. May babae namang nagtaas ng kanyang kamay. May itatanong ata.

"Yes Miss? What is it?"

"Itatanong ko lang po sana Sir kung may girlfriend na po ba kayo?" tanong naman niya habang nagpapacute. Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Sa totoo niyan may girlfriend na ako."

Pagkasabi nun ni Sir eh parang pinagbagsakan ng langit ang mukha ng mga babae. Ayan kasi ang sinasabi ko eh masyadong umaasa kaya ayan ang napala. Natatawa nalang ako habaang tinitingnan ko ang mukha nila. Pinagpatuloy naman ni Sir ang kanyang love story hahaha.

"Actually 5 years na kami and still counting. Maniwala man kayo o sa hindi, siya ang first girlfriend ko at pakiramdam ko siya na din hanggang sa huli. May plano na nga din akong pakasalan siya eh."

Pagkatapos sabihin iyon ni Sir mas lalong sumimangot ang mga babae. Ayan, mga bitter kasi. Awww ang sweet naman ni Sir. Swerte naman nung babae kung sino man siya mukhang mahal na mahal talaga siya ni Sir eh. Kasi aminin niyo, konti nalang ang mga ganyang lalaki. (atleast di ko nilahat hahaha)

"At bago ko pa ikwento ang love story ko let's proceed muna sa ating main agenda. Hmm may mga tanong pa ba? Feel free to ask me."

"Wala na po sir," sabi naman nila.

"Okay since it—" Hindi na natuloy ni Sir ang kanyang sasabihin ng biglang nagbukas ang pintuan ng malakas. Lahat kami nagulat pati na si Sir. Tiningnan ko naman kung sinong walang modo at bastos ang nagbukas nito. At pinagsisihan ko na tiningnan ko pa ito.

~~~

-ElBwi

The Missing Piece (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon