Chapter 8: The Reason

72 4 2
                                    

A/N: Sorry guys for the late update. Pasukan na kasi, that's why. Ang mga errors pala sa previous chapters ay i-eedit ko lang kapag may time ako. Enjoy reading! *insert smile emoticon*

***

"Hahaha ganun ba? Ano namang nangyari pagkatapos?"

"Ayun, pinagalitan niya kami. Pero habang pinapagalitan niya kami, hindi niya alam na may swimming pool na pala sa likuran niya kaya nahulog siya. Hahaha!"

Kasalukuyan kaming nandito sa Sweet Snow, isang Ice Cream Shop na malapit lang naman sa school. Kanina pa din kami nagkukwentuhan dito at ngayon ay kinukwento niya naman yung tungkol sa kakulitan nilang magkapatid. Hindi ko nga inakala na ganito pala siya kakulit. Kanina pa din kami nagtatawanan dito. Nahihiya na nga ako kasi pinagtitinginan na nga kami ng mga tao pero siya parang wala lang sa kanya. Sabagay, sanay na din naman siya sa atensyon. At kahit na nito lang kami nagkakilala ay ang gaan na agad ng loob ko sakanya.

"Hahaha, grabe naman yung nangyari sa mommy mo."

Kumibot naman ang kanyang labi na parang pinipigilan pa ang sarili sa pagtawa.

"Pffft- yeah, that was the most epic incident I've ever seen." Ngumisi siya at saka kinagat ang kanyang labi para hindi makalagpas yung tawang gustong kumawala, pero yung mata tumatawa, hindi ko na makita eh.

Tumango na lang ako sakanya at pinigilan din yung sarili sa pagtawa.

Napatigil naman ako ng sumagi sa isip ko ang isang bagay. Pwede ko din naman sigurong itanong 'to sakanya. Wala naman itong ibig sabihin, curious lang talaga ako.

"Nga pala Ivan, maiba tayo. Bakit ganun yung kaibigan mong yun noh? Parang galit sa mundo, akala mo naman sakop niya lahat ng problema sa mundo. Pinaglihi ba sa sama ng loob yun?" O baka naman since birth na talaga yung pagiging masama niya.

Kinain ko na din yung natitira kong ice cream dahil matutunaw na.

Tiningnan ko siya at nakita kong kumunot yung noo niya at ang biglaang pagseryoso ng mukha niya.

"Sino sa kanila?"

"Si Ice, alam mo yun konting bagay lang umiinit na agad yung ulo niya."

"Ganito kasi yan... Gusto mo ba talagang malaman?" Tumango naman ako pagkasabi niya nun.

"Pero pwede naman kung hindi baka confidential masyado." Sabi ko at ngumiti ng alanganin sa kanya.

"No, it's okay. It went this way..." Ngumiti siya ng malungkot sa'kin at sumubo muna ng ice cream bago niya pinagpatuloy yung sasabihin niya. "Sa totoo niyan, maniwala ka man o sa hindi, mabait at masayahin na tao si Ice nung bata pa siya. Sa pagkakaalam ko nagbakasyon sila noon sa probinsya. May nakilala siyang isang batang babae sa lugar na yun. Naging magkaibigan silang dalawa at parang hindi na mapaghiwalay sa isa't isa. Naging malapit din yung loob ni Dwight dun sa batang babae. She's his first love actually. Hanggang sa isang araw bigla nalang hindi na nagpakita yung batang babae. Hinintay siya ni Ice dahil akala niya may pinuntahan lang o kaya may importanteng bagay na ginawa. Pero ilang araw, linggo at halos matapos na lang ang bakasyon ay hindi pa rin nagpapakita yung batang babae." Tumikhim muna siya bago pinagpatuloy yung kwento.

The Missing Piece (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon