Chapter 2: Fantastic 5

93 4 1
                                    


Chapter 2: Fantastic 5

"Bey gumising ka na! Baka malate ka sa school!"

Ano ba naman yan, ang ingay ingay. Ang aga pa eh. Ang totoo nyan konti lang ang tulog ko dahil sa bwesit na Dwight na yun.

Hindi pa din ako bumabangon at narinig ko nalang ang pagbukas at pagsara ng pinto. Nakarinig din ako ng mga footsteps papunta sakin pero di ko padin minumulat ang mga mata ko. Naramdaman ko nalang na may yumuyugyog sakin.

"Bey anak, gumising ka na."

"Ma naman. Pwedeng 5 minutes pa po?" sabi ko at itinakip ang unan sa mukha ko.

"Anak naman. First day of school pa naman ngayon. Ayaw mo namang malate diba?"

"Ma an—"

Napabangon ako bigla nang narinig ko ang huling sinabi ni mama. Napatampal nalang ako sa mukha. Bakit ko naman nakalimutan yun.

"Hala! First day of school pala ngayon! Sige ma, maliligo na po ako."

"Oh sige bilisan mo at pagkatapos mo jan pumunta ka na sa kusina ng makapag-almusal kana."

"Sige ma, susunod po ako."

Pagkatapos nun umalis na si mama. Dali-dali naman ako papuntang banyo. Ilang sandali lang tapos na ako.

Sinuot ko na yung uniform namin sa school. White long sleeves ito tapos pinatungan ng royal blue na coat tapos may neck tie sa loob. Tapos ang palda ay above the knee. Pero imbes na above the knee yung palda ang akin naman is below the knee. Di naman kasi ako sanay magsuot ng mga ganyan. Itinali ko din yung buhok ko na hanggang bewang na ata sa haba at sinuot yung makapal kong salamin. Tiningnan ko naman yung sarili ko.

"Di talaga bagay sakin itong uniform na ito. Nagiging pangit pag ako na ang magsusuot."

Pagkatapos nun kinuha ko na yung bag ko at dali daling pumunta sa kusina.

"Ma di nalang po muna ako mag-aalmusal. Sa school na lang siguro."

"Mabuti nalang nakagawa ako ng sandwich. Oh eto dalhin mo nalang at itong lunch mo baka makalimutan mo pa."

"Sige po ma. Mauna na po ako."

Hinalikan ko muna si mama sa pisngi bago ako umalis.

Naghintay ako ng jeep at ilang sandali lang may dumating na ang kaso punuan na eh. Kaya kahit na mukhang masikip sumakay pa rin ako. Sanayan na lang yan.

Nang makarating na ako sa school, bumaba agad ako sa jeep at halos takbuhin ko na ang school makarating lang agad.

Habang papasok sa school madaming tao ang nagkalat sa gate. Karamihan ay babae.  Malamang sa malamang may inaantay na naman sila.

Nakayuko lang ako habang papasok. Hindi din ako nakaligtas sa mga mapanuring mata ng mga tao.

"Oh the nerd is here."

The Missing Piece (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon