Pain

6 0 0
                                    

Time check: 2:00 am na pero hanggang ngayon di pa rin ako nakakatulog.As in,wala akong tulog.Sobrang daming katanungan kasi ang pumapasok sa isip ko na kahit isa e,walang makakasagot.No! I mean lahat pala ng pwede kong pagtanungan nun ay hindi pwede.Hindi pwedeng sa kanila ko itanong.

Bakit niloko ni Daddy si Mommy?Bakit nya yun nagawa?

Mangyari din kaya yun samin ni Xavier?

Dapat pa ba akong mag-hold on?

Mga tanong na alam kong si Mommy,Daddy at Xavier lang ang pwede kong matanong kaso.....kaso part sila ng katanungan ko baka maguluhan lang ako lalo sa mga sagot nila. Si Mommy,sya lagi yung nagco-comfort sakin lalo na pagdating sa love life pero ngayon.....mukhang sya ang may kailangan ng comfort ko.

Tumayo ako at huminga ng malalim binuksan ko yung pintuan at pumunta sa katabing kwarto kung saan naroon si Mommy. Huminga ulit ako ng sobrang lalim para buksan yung pintuan ng kwarto nya kaso.....kaso naalala kong 10 hours yung epekto ng gamot.Alam kong either 5 or 6 am pa sya magigising.At tsaka,hindi ko alam kung paano sya iko-comfort.Di ko alam kung anong dapat kung sabihin para kahit papaano mawala yung sakit na pinagdadaanan nya.Di ko alam! DI KO ALAM! Kasi tingin ko si Mommy lang ang may kayang mag-comfort...sakin.Nagui-guilty ako! Ang unfair ko! Si Mommy laging nandyan para patahanin ako,para i-comfort ako,pero ako?Di ko mapagaan yung bigat na nararamdaman nya.

Pumasok na lang ulit ako sa kwarto ko na may baong lungkot sa mga mata ay may tumutulong luha sa pisngi.

Kinuha ko yung laptop ko,hinanap ko yung username ni Daddy sa list ng contact ko sa skype.I will call him to tell what's happening. Bigla akong napatigil sa pag-dial,kaagad kong itinigil. Oo nga pala.Ang taong tatawagan ko ngayon ay ang may dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon,kung bakit ito nangyayari at kung bakit namin nararamdaman ni Mommy ang sakit.Aaminin ko,mahal ko si Daddy pero nagagalit ako sa kanya,naiinis ako sa kanya.Pano nya yun nagawa kay Mommy?Nadagdagan na naman ang mga katanungan sa isip ko na kahit isa ay wala namang dumadating na sagot.Bigla ko pang naalala nung mga times na nagkakatampuhan kami ni Mommy,si Daddy ang tinatakbuhan ko.Sya yung kakampi ko palagi.Pero ngayon.....parang nagbago.Kaaway ko na sya,di ko na sya kakampi.

Kinuha ko yung phone ko. Nag-dial ako sa number ni Xavier pero katulad ng nangyari sa Skype call,itinigil ko din. Antanga tanga mo Sabrina! Don't you remember,ang taong tatawagan mo ay parte din ng problema mo? Ibinaba ko yung phone ko. Naisip ko nung mga times na pagnag-tatampo ako kay Mommy at Daddy o kaya'y di kami magkasundong tatlo,si Xavier yung tatawagan ko at alam kung may handa agad yung advice na talagang nakakapagpagaan ng loob ko.Kahit sa anong problema 'family problem,physical problem, friendship problem basta wag lang love problem' alam kong may payo agad si Xavier. Bigla na naman tuloy pumasok sa isip ko ang tanong na gumugulo sakin. Si Daddy nga asawa na si Mommy pero nagawa nya pa ring lokohin si Mommy. Ee,si Xavier pa kaya? NATATAKOT AKO!

Nagbalot ako ng kumot tapos bigla kung narinig yung boses ko. Di ko namalayan na umirit na pala ako.

Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Pasok po" tapos pinahid ko yung luha ko,tinanggal ang kumot na nakabalot sakin at saka umupo ng maayos.

Si Manang pala!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Accept Him AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon