Chapter 6- Kenneth

21 2 0
                                    

Chapter 6- Kenneth

Hay salamat naka pagsulat rin after 999 years .. ngayon lang ulit makakapag UD .. nawalan kasi ng malay este .. nawala pala ang net sa CP ..xD so enjoy reading .. ok lang kung hindi ^_^ pero mas maganda pag nag enjoy (ano 'to laro? Enjoy talaga?)

Maryel's PoV

*Saturday*

Hmmm ano kaya magandang gawin pag umaga? Nakakabagot naman kasi dito eh, tinext ko na kanina si bhest na gagala kami sa mall, kaso sabi nya may date daw sila ni Roger,wow hah na trick n'ya si Janine, pero panatag naman ako dahil alam 'kong hindi bibigay si janine ng ganun lang, kung hindi dahil sa ginawa ng roger na 'yun hindi talaga papayag si bhest.

Speaking of Roger, hmmm parang may nag iba sa kanya ah!! Parang may nag iba talaga.. kilala ko na kasi 'yan eh , simula pa 'nung elementary pa, dati nga lang hindi s'ya ganun sa mga babae. Nag simula lang ang pagka babaero n'ya 'nong--- ah wag ko ng sabihin sa inyo, chismosa na ang labas ko 'nyan eh!! So tanong tanong rin pag may time kay Roger mga kiddos ..

"Ahm ate saan ka pupunta ngayon?"-Maine, kapatid ko yan, nakita n'ya kasi akong pababa sa hagdan at ayus na ayus .. d halata na may pupuntahan 'no?xD

"Ah sa kaklase ko bunso, magtatanong, baka may mga assignment kami kahapon"-sagot ko sa kanya, absent kasi ako kahapon, pero hindi 'yan ang totoong dahilan ko, syempre susundan ko kung saan dadalhin ni Roger si Janine, kahit na parang may napansin akong may nag iba sa kanya. Hindi ko pa rin masasabi na safe sa kanya ang Bhest ko.

"Ah sige ate, ingat ka hah?"

"Oo naman bunso,"-Sigaw ko, medyo malayo na ako sa kanya eh! Hehe sorry 'kung ganun ako hah.

.

.

.

.

.

"Saan na kaya 'yun? Sabi n'ya kanina sa plasa sila mag kikita--- ay!! Teka kotse ni roger 'yun ah! Hmm parang naiinip, haha"-Sabi ko sa sarili ko, malayo ako sa kanya. Hmm pupuntahan ko kaya s'ya?. Ay wag na.

Ayun dumating din ang hinihintay n'ya. Wow hah!! Ang ganda ni bhest .. 'yan ba ang hindi gustong maki pag-date? .. haha , parang matitibo talaga ako nito, hehe .. sa katunayan nga madaming may gusto sa kanya sa school kahit bago lang s'ya. Takot nga lang silang makipag-usap kay bhest. Panu andyan lage si Roger, mga hinayopak, mga takot sa UN4GIVE.

Haha tulala si Roger sa Bhest ko. Whahaha 'yan si Janine.

Opss parang war ata sila? Date ba talaga 'to?

Hay nako!! Dami pang satsat .. aalis din naman pala.

"Hi Maryel"

"Ay alis!!"-Sigaw ko, pano may bigla ba namang susulpot sa harapan ko, 'yan tuloy nagulat din, gulatan kaming dalawa.

"Ay sorry, sige alis na ako!"-Kenneth, nyemas, kaklase ko pala 'to eh!!

"Oy! Wait, bakit ka ba kasi nang-gugulat?,"-pigil ko sa kanya, panu aalis na sana. Sigawan ko ba naman na alis .. hay nako!

"Hehe sorry *kamot sa ulo* may itatanong sana ako sa'yo eh pero parang ma-malabo mo namang sagutin eh, so aalis na--"

"Hindi! ok lang, ano ba yung tanong mo?"-tanong ko. Bastos ko 'no? Pinutol ba naman ang sasabihin n'ya. Ang bait ko talagang bata, hehe

"Ahm tungkol sana ka--kay a-ano kay--"

"Kanino?"-d matuloy tuloy ang sasabihin parang nahihiya.

"Ahm meron ka bang na-- number ni-- ni ja--Janine?"-Utal na mag salita? Parang hindi naman to ganito sa school ah!! Ganyan ba talaga pag may gusto ka sa isang tao? Nauutal, nabubulol? Sabi ko sa inyo eh!! daming nag kakagusto sa Bhest ko 'diba?.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What Makes A Man (UN4GIVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon