Chapter 4- The Day You Said Goodnight

42 4 4
                                    

Roger's PoV

Hindi pwede to. Walang makakatalo sa akin sa ganyan. Lumapit ako kung saan sila.

"Hello guys. Pwede makiupo?-sambit ko pagka lapit sa kanila.

Tumingin ako kay Sai

"Hello Bro nandito ka pala?"-tanong ko sa kanya

"Haha, oo Bro sakto dating mo ah. Kasabay ko pa mga classmate mo"-Sai, d ko nalang pinansin ang sinabi ng kapatid ko.

Umupo ako sa tabi ni Janine.

"Hi Nin!!"-ako

"Nakilala mo na pala ang magiging soon to be Girlfriend ko Bro"-ako sabay akbay kay Janine pero--

"Tanggalin mo nga 'yang kamay mo. Gusto 'mong masaksak?"-Janine at tinutukan ako ng tinidor!!

"Haha. Bro Oo kilala ko na, epic ka Bro. Pfftth. Anyway aalis na ako may klasi pa ako. Keep it up Bro"-sabi ng kapatid ko. Takte napahiya ako 'dun sa kanya. Ano bang mali sa sinabi ko? Wala pang nakakalampas sa 'ganung moves ko ah. Sa gwapo kong to?. Iba talaga ang babaeng ito.

Pag daan ng kapatid ko sa akin. Meron pa syang binulong

"Magaling 'kang pumili Bro. Epic ka nga lang,"-Sai

Posha. Talagang magaling naman akong pumili ah. Sadyang matibay lang talaga ang babaeng ito.

"Bye Maryel, bye Janine Nice meeting you. Bye din Bro . Keep it up. Pfftth"-Sai. Bwesit pang asar pa.

"Nice meeting you too Sairel"-Janine

Great =_=pag tingin ko sa dalawang ugok na si Niel at Ryan. Letse nag pipigil ng tawa. Arrrghhh. Tignan 'nyo lang mga ulul.

"Ah Nin. Saan pala room mo sa T.L.E.?"-tanong ko kay Janine.

"Bakit ko naman sasabihin sayo kung saan?"

"Syempre manliligaw mo ako. Natural dapat alam ko kung saan ang Room ng nililigawan ko 'diba?"-ako at may kindat pa.

"Ewan ko sayo, dyan ka na nga. Tara na bhest. Nawalan na ako ng ganang kumain. Pasok na lang tayo."-sya sabay tayo na pero.

"Sasama ako Nin, ako na mag-dadala ng mga gamit mo"

.
.
.
.

Ryan's PoV

"Pfftth. Epic amp*tek"-Niel,kanina pa namin pina panuod sina Roger. Tawa lang ang na kuha namin. P*tek bakit ganyan na si Roger laging epic. Haha

"Haha maya aasarin pa natin to Pre"-sabi ko kay Niel na hanggang ngayon tumatawa pa rin Pffth

"Oo nga Pre. Kawawa na naman sya sa atin, mukhang alam talaga ni Janine kung ano ugali ni Roger. Ayaw mag padala. Pero parang may nag iba kay Roger, napapansin mo ba Pre?"-tanong ni Niel, tama nga sya meron ngang iba kay Roger ngayon.

"Oo napapansin ko Pre, pero wag muna tayong mag papasiguro. Kilala mo naman si Roger diba?"-ako

"Hello Tol, nakita mo ba si Alex?"-si Lyn. Lagi nalang hinahanap si Z. 'Tol ang tawag nya sa akin at 'ganon din ako. Sya 'yung kaibigan ni Z 'yun ang sabi ni Lyn. Pero ayaw naman aminin ng magaling 'kong Bestfriend.

"Kanina pa sya wala rito Tol eh. Alam mo naman siguro kung saan pupunta yun diba?"-ako

"Sige Tol Salamt. Bye, puntahan ko na sya"-sya

"Pre sa tingin mo ano pinaplano ni Roger ngayon?"-tanong ni Niel sa akin kaya napalingon ako sa gawi ni Roger. Naks hawak hawak ang mga gamit ni Janine. Despirado.

What Makes A Man (UN4GIVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon