Tuesday na. Bumangon na ako sa pagkakahiga at dumiretso sa kusina.
Beyeerrn. Bakit wala pang almusal? Kinatok ko ang kwarto ni Julia. "Julianna! It's already 5am! Wake up or else we'll be late!" Sabi ko habang kinakatok ang pinto ng kwarto niya. "Gising na ako kanina pa." Sabi niya nang may inaantok na boses. "Eh kung sirain ko kaya tong pintuan mo at sungalngalin kita?" Pagtataray ko. "Joke lang. Oo na kakagising ko lang!" Saad niya at binuksan na niya ang pinto ng kwarto niya. "Magluto ka na. Maliligo na muna ako" sabi ko. Sabay balik sa kwarto ko saka naligo. Matapos maligo, Pumunta ako sa kusina. Kumakain na si Julia. "Ayan na. Kumain ka na Bea." Nagsimula na din akong kumain. Habang kumakain, biglang tumunog ang cellphone ko. In-open ko ito . May nag text from unregistered number. Binasa ko ito."Good Morning"
Hindi ko nalang ito pinansin. I don't talk to strangers -_- este, I don't text to strangers. Lol. Nang makapag handa, umalis na kami ng bahay at sumakay sa tricycle papuntang Philidon. Nang makarating sa school, Dumiretso na kami sa Classroom namin. Umupo na kami ni Julia. Maya-maya pa, dumating na si Dan. Ang gwapo shems. May ID na siyang suot. Haha. Nginitian niya kami ni Julia at umupo siya sa upuan niya.
Matapos ang mga discussions, Recess na. Wohoo!
Excited na akong kumain.
Mas masarap mabusog nang dahil sa pagkain. Kaysa naman mabusog ka sa PAGMAMAHAL na sa huli, Masasaktan ka lang.Oh ha! Get your phones at I-GM niyo na! #BBITTER ha?
Pumunta na kami ni Julia sa Canteen at bumili ng snack. Habang kumakain, biglang tumabi sa amin si Dan. Huh? Bakit siya tumabi sa amin? :3
"Sorry, wala kasi akong ibang ka-close."-Dan
Ah okay. :3 Bakit kasi hindi siya makipag close sa iba? Ang daming lalaki diyan oh. Teka— DONT TELL ME, BAKLA SIYA?
"Dan, are you gay?" Diretsuhang tanong ko. Sorry naman. Malay niyo di ba? "Huh?" Nagtataka yung ekspresiyon niya. "What?" Tanong ko ulit. "No i'm not. And I will never be. Sayang lahi no. Haha" Aba't may angking yabang din pala to. :3 Inirapan ko siya. "Yabang." Bulong ko sa sarili.
"Uhm.., Sige una na ako. May hihiramin kasi akong libro sa library."Pagpapaalam ni Dan. "Sure." At umalis na nga siya. Psh. Masyado siyang masipag mag-aral. Hindi naman siya Nerd. May angking yabang pa. Siya yung tipo ng lalaking, Mabait, Matalino, Err-Gwapo , Mayabang, Medyo mahiyain. Ang gulo ng pagkatao niya no? Hindi maintindihan... or, Maybe I'm just saying that cause I don't know him well yet. Pero infairness ha. Total package siya. Para siyang yung mga leading man sa Teleserye at yung laging nakakatuluyan ng mga bidang babae sa mga fictional stories. Speaking of Stories, Halaaa! Wala pa kaming nasisimulan ni Dan! Fudge. Pano to? Hindi ako marunong gumawa ng Story lalo na LOVE STORY. Yuck. Baka magalit lang ang reader kapag nalaman nilang Namatay ang character kaya di sila nagkatuluyan ng Kalove team niya. O kaya magbreak sila kaya hindi rin magkakatuluyan. Ano ba yaaan. Wala kasing forever eh! Alam kong fiction lang naman ang gagawin pero duh. Wala paring forever!. "Bea!" Nagising ang diwa ko nung narinig ko si Julia na parang naiinis na. "H-ha? Bakit?"tanong ko. "Kanina pa kita tinatawag! Anyare sayo? Tara na! Time na oh! Malelate pa tayo kay Mrs. Flores! (Ap teacher)" Tumayo na kami at tumakbo papunta sa classroom. Nang makaupo na kami sa upuan namin, Nakahinga kami ng malalim dahil wala pa yung AP teacher namin. Baka di kami maka-attend ng Ap class kung nandito na siya. Ayaw niya kasi ng nalelate ang students niya kahit siya palaging late. :3 Nag vibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko ito. May nagtext nanaman.
"The first time I saw you, I felt butterflies on my stomach. Ugh, What was that even mean?"
Huh? Buang ba ang nagtext nito? Tanungin ba daw ako. Aba malay ko! Ni-hindi ko nga siya kilala. :3 Tinignan ko yung hulihan ng number niya. Teka, eto din yung nagtext sakin kaninang umaga ah.
![](https://img.wattpad.com/cover/54153715-288-k936961.jpg)
BINABASA MO ANG
BEA BITTER
FanfictionKapag nag mahal ka, I-expect mo nang masasaktan ka. Kapag nag mahal ka, I-expect mo nang hindi niyo maiiwasang mag-away. Kapag nag mamahalan kayo,dapat may tiwala kayo sa isa't-isa. At, kapag nagmamahalan kayo, lagi niyong tatandaan na, WALANG FOREV...