Saturday na! Halos araw-araw tuwing uwian pumupunta si Dan dito sa bahay para ipagpatuloy namin ang project. So far okay naman yung ginagawa namin. Medyo natututo na ako. Tsaka naging close na kami ni Dan. At grabe lang, Hindi na siya mahiyain. Lumalabas na ang totoong pagkatao niya. Bumangon ako sa higaan. Hmm, bakit feeling ko may nakalimutan ako ngayon? Parang may something ngayon eh?
Naligo na ako. Nang makapag-ayos, pumunta ako sa Sala. Naabutan ko si Julia na nanood. "Good morning juls! Ikaw naka tokang magluto! Anong almusal?" Tinignan niya ako. "Sa kusina. Kumain ka nalang." Sabi niya, teka, bakit ang sungit neto? "Nyare sayo?" Tanong ko. "Nothing." Sagot niya. Okay, ang weird niya ha!
Pumunta nalang ako sa kusina at kumain. Pagkatapos kumain, pumunta ulit ako sa sala. Wala na si Julia. Nanood ako ng TV. Nagulat ako nang biglang may mag salita. "Aalis muna ako." Sabi niya nang may pagsusungit. Ugh! Di ako sanay nang ganyan siya! "Julia may problema ba?" Tanong ko sa kanya. Wala naman akong maalalang ginawa kong masama sa kanya eh. Kagabi nga nagtatawanan pa kami kasama si Dan. "Wala." Tipid na sagot niya. Ugh, Di ko kayang galit siya sa akin!. Aalis na sana siya nang hawakan ko ang braso niya. "Julia. Please naman oh. Let's talk. What did I ever do to you? Have I done anything wrong?" Sabi ko with teary-eyes. Yes, mataray ako . pero pag alam kong galit siya, hindi ko kaya. "Ugh. Bea please. Not now!" Sabi niya sabay hatak ng kamay niya. Nabitawan ko naman siya. Umalis na siya at idinabog pa ang pinto.Tumulo ang luha ko. Ano bang ginawa ko? Siguro may problema lang siya... Pero hindi naman siya ganun pag may problema siya eh. Sinasabi niya sa akin pag may problema siya at di siya nagsusungit ng ganun. So, ibig sabihin, galit nga siya? Ano ba yan eh!
Pumasok ako sa kwarto ko at nagmukmok sa kama. Habang umiiyak, biglang nag vibrate ang cellphone ko. May nagtext.
From: Secret Admirer
Happy Birthday my Beautiful princess! <3
Yung secret admirer na yan eh yung text ng text sa akin. He claimed that he's my secret admirer kaya ayun. Pero teka, Happy Birthday daw? Birthday ko ba? Tinignan ko ang calendar sa CP ko. -___- jeez. Birthday ko nga! Kaya pala pag gising ko kanina eh, feeling ko may something. Bakit di ko man lang naalalang birthday ko na pala? Buti pa yung secret admirer ko alam. Psh. Dahil sa pagiging busy ko the whole week nakalimutan ko na ang tungkol sa birthday ko. So, what now? Well, I don't feel on celebrating my birthday. For what pa? Eh galit naman si Julia, who would I spend my birthday with? Eh yung pamilya ko, Milya milya ang layo. Speaking of my family, nakalimutan din ba nilang birthday ko ngayon? Hay. Ang sad naman ng Birthday ko :( 16 years old na ako. So, I guess I will be spending my Birthday alone?
Tuloy lang ako sa pagmumukmok nang biglang pumasok sa isip ko si Dan. Yes! Close naman na kami di ba? Sana naman samahan niya akong mag spend ng birthday ko.. Tinawagan ko si Daniel at agad niya naman sinagot ang tawag. Bigla siyang nag salita. "Uhhm, Bea, I'm kinda busy right now.," Sabi niya. "Dan! It's my birthday today! I was just wondering if you can—"hindi pa man ako tapos sa pagsasalita, eh sumabat na siya. "Happy birthday. Uhm, Sorry may ginagawa ako. Bye" at pinatay na niya ang tawag.
Ughh! Nakakainis! Bakit ba ganon sila?! Kung kailan birthday ko tsaka naman sila wala! Makatulog na nga lang!
Ipipikit ko na sana yung mata ko nang biglang mag ring ang cellphone ko.Secret admirer calling....
Huh? First time niyang tumawag sa akin! Sinagot ko ang tawag. "H-hello?" Sabi ko. "Hi my princess! Oh, teka, Umiyak ka ba? Bakit parang humihikbi ka?" Tanong niya. Bakit parang familiar ang boses niya? Parang narinig ko na dati boses niya eh. "I am feeling lonely..." Sabi ko,. Hindi ko alam pero parang kailangan ko ng masasabihan ng problema ko. Ikniwento ko sa kanya ang lahat. Nakinig lang siya. "Okay lang yan.. Nandito ako para sayo" sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya. I felt comfortable talking to him. Gusto ko siya maging kaibigan, kong malaman kung sino talaga siya. "Sino ka ba talaga?" Tanong ko sa kanya. "Sorry, pero hindi ko pa pwedeng sabihin sayo.. Sige, Basta Wag ka nang iiyak ha? If you need someone to talk to, just call or text me. Happy birthday! Iloveyou" then he ended the call. Kinilabutan ako sa Huli niyang sinabi. But still, kahit papano gumaan ang pakiramdam ko. Ugh! I am tired of crying! Gusto kong mag maldita!
"Well, Happy Birthday Bea, wait, Sad birthday pala, ay hindi! WORST BIRYHDAY pala." Sabi ko sa sarili bago natulog.
Pagkagising ko, ang bigat ng mata ko. Dulot ito ng pag iyak ko. Nag decide akong maligo ulit at mag mall nalang. Mag isa.
Nag abang na ako ng jeep na masasakyan papuntang Bluemall. Pinaka-favorite kong mall sa lahat . Naka floral dress ako at sky blue na flats. Nakalugay din ang buhok ko. Sa unang tingin, hindi mo aakalaing may problema ako. Pinara ko na ang Jeep na sasakyan ko papuntang Bluemall. Pagkaupo ko, nag ring nanaman yung cellphone ko. Tumatawag si DAN?! Sinagot ko ito agad. "Bea!" Tawag ni Dan. "Bakit?" Tanong ko. "Bea! Si julia!" Halata sa boses ni Dan ng nerbyos. Teka, si Julia?! Anong nangyari?! "Anong nangyari?! Nasan siya?!" Okay, para akong tangang sumisigaw dito sa loob ng jeep. Pero wala akong pake sa mga taong nakatingin sa akin. Inirapan ko nalang sila. Oh great, Seriously Bea, nagawa mo pang magtaray?! "Nandito sa Bluemall! Bilisan mo!!" Sabi ni Dan. Coincidence? Buti nalang doon din ako papunta! Binaba na ni dan ang tawag. "Manong pakibilisan naman!" Sabi ko, pero dedma lang si manong. "Putcha! Manong para na nga !" Sorry, di ko mapigilan sarili ko. Kailangan kong mag madali. Nag aalala ako kay Julia! Hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama sa kanya!. Agad akong bumaba sa jeep at pumara ng taxi. "Kuya Bluemall po! Fullspeed please! Kailangan ko pong mag madali!" Sabi ko. At buti naman, binilisan niya, ilang minuto lang, nasa harap na ako ng bluemall. Kinakabahan talaga ako. Binayaran ko na si kuyang driver at lumabas na ako ng taxi.
Pumasok ako ng bluemall. Nginitian ako ng guard. Pagkapasok ko, teka, bakit ang dalim at walang katao tao? Saan ko ba sila hahanapin?! "Ang tanga ko! Bakit kasi di ko tinanong kung saan dito sa Bluemall!" Sabi ko sa sarili.
Tinawagan ko si dan. "Nasan na kayo?!" Tanong ko. Kung anu-ano na iniisip ko. Paano kung may nangyaring masama kay julia tapos dinala na siya sa Ospital? Psh. Eraseee! Hala, baka naman may nangyaring hold up-an dito?! Wag ka ngang shunga bea! Edi sana hindi ka ngingitian ng guard!
"Nandito kami sa 4th floor!" Sabi niya at pinatay nanaman ang tawag. Wala talagang katao-tao dito sa mall. At ang dilim pa. Walang mga sales lady o bantay man lang. Mag shop lift kaya ako? JOKE. Ano ba naman yan! Kinakabahan na nga ako dito eh! Tumakbo na ako papunta sa elevator. What the— bakit OUT OF ORDER?!. Pumunta pa ako sa ibang elevator pero puro out of order! Ano ba!! Tumakbo ako sa escalator at buti nalang gumagana ! Pero tumakbo pa ako paakyat para mas mabilis. Nakarating na ako sa 2nd Floor. May sumalubong sa akin na malaking Picture.....KO?! Dinedma ko nalang yun, at tumakbo na ako papunta sa susunod na escalator. Pagkadating ko sa 3rd floor, may picture ko nanaman! Seriously, kailan pa ako naging endorser ng Bluemall?! Tumakbo nanaman ako. At pagkadating ko sa 4th floor, Madilim. Sobrang dilim. Tinawagan ko si dan pero cannot be reach daw. Natatakot na ako.. Hindi kaya, niloloko lang ako ni dan? Hindi kaya pinagtitripan niya lang ako?! Bababa na sana ako nang biglang may bumukas na ilaw sa kaliwa. Sumunod naman sa kanan. Hanggang sa bumukas na lahat ng ilaw. Nakita ko ang lahat ng kakilala ko. Lahat sila nakangiti ,
"HAPPY BIRTHDAY BEA!" Sigaw nilang lahat.

BINABASA MO ANG
BEA BITTER
FanfictionKapag nag mahal ka, I-expect mo nang masasaktan ka. Kapag nag mahal ka, I-expect mo nang hindi niyo maiiwasang mag-away. Kapag nag mamahalan kayo,dapat may tiwala kayo sa isa't-isa. At, kapag nagmamahalan kayo, lagi niyong tatandaan na, WALANG FOREV...