Kabanata 28: Hokage Spy

3.3K 135 74
                                    

xxx

Kabanata 28: Hokage Spy

Kabanata 28: Hokage Spy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Khaile's PoV

  "Grabe yung mukha ni Khaile nun e! Hahaha!!" bulalas ni kuya Hypo.

  "Oo nga! Laftrip grabe yung may uhog pa tapos medyo luwa yung mata diba?" segunda naman ni kuya Hyrus.

  Napahilamos na lang ako ng mukha habang tinitignan silang namamatay sa kakatawa, putcha!

  "Hahaha! Pilit pa yung ngiti!" singhal naman ni kuya Hyro, "Tapo--hahaha-aray!" Binato ko sa kanya yung tissue na nasa tabi ko. Pinagsingkitan ko siya. Kakampi ko pa ba ito?

  "At yung dalawang pisnge namumukaw sa sobrang pula parang anabelle lang ang peg!! Bwahahaha!!" ani Hypo na walang tigil sa kakatawa. Pakainin ko kaya ito ng matabang talong para mabulunan at hindi na makapagsalita!

  "Hahahaha!!"

  Pinsan ko ba itong tatlo? Walang pakisama ah! Sarap pagumpugin yung mga itlog nila, psh!

  "Hahaha!! Best wacky ever!" bulyaw ni Spy kaya napatingin ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Siya talaga ang pasimuno e! Sheez!

  "Pakyu!" singhal ko pero tinawanan lang nila ako.

  "Hay mga bata talaga kayo. Itigil niyo na nga 'yan at yung pang-aasar kay Khaile," saad ni tita sabay tumayo at nagtungo sa kusina. Maghuhugas siguro.

  Binelatan ko silang lahat.

  "Pikon ka, Khaile?" tanong ni Spy kaya tumingin uli ako sa kanya at sinunog yung budhi niya sa isip ko.

  "Pandak ka, Spy?" Nawala yung ngiting napupunit niya kaya napangisi ako.

  "Aray Khaile ah.."

  "Nasaktan ko ba ego mo?"

  "Ay hindi.. hindi. Nagustuhan niya letche.."

Tinarayan ko siya. "Edi magthank you ka."

Guyabanong Baklang Gangster!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon