Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Khaile's PoV
"Oy.."
"Huy!"
"Huy Khaile!
"Hoy tomboy!" Narindi ako sa pagsigaw niya, tumingin ako sa gawi niya at sinamaan siya nang tingin.
"Hoy ka rin gago! Bakit ba?" at sabay balik ko nang tingin sa t.v.
Nagmo-movie marathon kami eh, at tiyaka kanina pa, pa lang umaga ako pinagpaalam ni Spy, sweet 'no? Sarap sapakin, pwe! Magsleep over na lang muna daw ako dito tutal Sunday pa naman bukas.
May tiwala naman si tita kay Spy 'kuno, pwe!
"Alam mo ikaw ang MAMA ko." Napatingin uli ako sa kanya. Nakangisi lang siya. "Ano!? Pakshet ka pala eh! Sa mukhang dyosa kong mukha? Mam--"
"Ang magiging MAMA ng mga anak natin, at MAMAhalin ko panghabang buhay..."
Natameme ako sa binitawan niyang salita. Langya iyan!
"Eh gago ka pala eh!" bulyaw ko.
"Gwapo correction." Aba at!
"Tse! Alam mo ikaw ang PAPA ko." bigla siyang ngumiti nang pagkalaki-laki.
"Tangna! Talaga, ang magiging PAPA ng mga anak natin?"
"Gago hindi! Ang PAPAtayin ko kung ayaw mo pang masampolan! Tumahimik ka nga kung gusto mong ihagis ko sayo yung napkin na puno ng dugo!"
Grabe nakakapang-init nang ulo itong kasama! Paano kaya ako nagkagusto sa Guyabanong ito!? Dyusko, magkakaputi ako nang buhok nang 'di oras e.
"Aray."
"The truth hurts! Tch!"
. . .
"Khaile.."
"Khaile.."
"Ano ba! Kanina ka pa nangungulit ah!"
"Ang ganda mo.. ang ganda nang taong mahal ko." Pinagsingkitan ko ang aking mata kung nakikipaglokohan na naman pero seryoso siya.