xxx
Kabanata 17: Solo kita
Khaile's PoV
"Uy guys! Tara sa vikings! Dali na dali!" Excited na tugon ko sa kanila. Bigla na naman nanlamig si Spy, sabi na nga ba takot ito sa height e! Sinuot na niya ang jacket niya with matching pagsuot sa ulo ng hoody, ang ginaw daw kasi kuno. Takot lang siya e.
"Khaile ang dami na natin nasakyan hindi ka pa rin ba napapagod?" tanong ni Spy. "Hindi pa haha! Mga kuya ano? Game?" Tanong ko kila Hyrus, Hypo at Hyro.
Pare-pareho sila tumango. Tumingin naman ako kay Kyle tumango rin siya at ngumiti. Tumingin naman ako kay Spy na mukhang nasusuka na naman.
Hay. "Saan ka pupunta Khaile?" tanong ni Kyle. Huminto ako sa pagtakbo at lumingon. "Sandali lang!"
Nagpunta ako sa bilihan ng mga pagkain. "Pabili nga po ng tubig." at sabay abot ko ng pera.
Pagkakuha ko ng tubig ay bumalik ako. "Guyabano! Oh eto tubig, lamunin mo."
Tumingin siya sa 'kin at dahan-dahan napangiti.
"Thank--" Napahawak siya sa bibig at dali-dali tumakbo. "Anong nangyari dun?" tanong ni Hypo.
"Susuka siguro?" sagot ni Kuya Hyro.
"Tara na! Sakay na tayo sa vikings," sigaw ni Kyle.
Tumingin ako sa kanya, ano iyon? Iiwan namin si Spy? "Sandali, susundan ko lang siy--"
"Khaile, kaya naman niya yung sarili niya," ani Kyle. "Ienjoy m--"
"Hindi pwede kasalanan ko kung bakit lagi siyang nasusuka."
"Baka buntis pfft." Sinamaan ko ng tingin si kuya Hyrus.
"Sige bye tawagan niyo nalang ako kung nasaan kayo," mabilis kong saad at tumakbo sa direkyon na tinakbuhan ni Spy.
Nakakaguilty ka masyado Spy! Tumakbo ako ng tumakbo. Nagpalinga-linga.
Nasaan na ba siya!?
BINABASA MO ANG
Guyabanong Baklang Gangster!
Humor「O N H I A T U S - A N O V E L S T O R Y 」 ❝ tangna! mahal din kita, gago! ❞ ✿ ❀ ✿ ❀ ✿ NO SOFTCOPY 🔪 NO COMPILATION 🔫 NO TO PLAGIARISM 💣 ✿ ❀ ✿ ❀ ✿ © 2015 SiyoonieAnj17 All Right Reserved