The Se7enth Sign
Written by KJ_SpongyBob
6-30-13
••
Love?
Nung bata pa ako, wala akong paki sa salitang yan. Wala nga akong malay nag-e-exist pala ang ganyan?
Ang alam ko lang eh, love ako ni Mama at Papa. Love ako ni Kuya. Love ako ni Papa Jesus. Yun lang talaga.
Nang tumuntong ako sa pangkalimang baitang sa elementarya, nagsimula naman akong mainis sa love.
Bakit?
Paano eh, nagka-nobya si Kuya tapos di na niya ako nilalaro. Di na niya ako kinukulit pa. Minsan wala siya sa bahay dahil kasama niya ang kanyang nobya. Kung andito siya sa bahay ay busy naman siya sa pagawa ng mga schoolworks. Palagi rin niyang ka-text nobya ni o kaya katelebabad sa telepono.
Nakalimutan na niya ako.
Nung mga panahong yung, inis na inis talaga ako sa love! Inis na inis na nahiling kong sana di nalang ito nag-exist pa.
Pero syempre, noon lang yun.
Tandang-tanda ko pa ang araw na nagbago ang pananaw ko sa pag-ibig.
First year ako nun. Unang linggo ng pasukan nang una namin siyang makita ng bestfriend ko.
Busy na busy siyang maglaro ng basketball nun habang kami naman ay busy na busy rin kakatutok sa kanya, o mas tamang sabihin na ako lang.
Kumpara noon, ang laki ng pinagbago niya ngayon. Mas gumwapo siya. Pero ewan ko ba, ang gwapo talaga niya nung una ko siyang makita.
Parang siyang si Edward Cullen nun. Kumikinang ang pawis niyang tinatamaan ng sinag ng araw. Mas gumwapo pa siya kasi sersoyo ang ekspresyon niya sa mukha.
Nang mga oras na yun, wala akong kaalam alam na tinamaan na pala ako sa kanya.
Pero simula rin nun, naintindihan ko na ang pakiramdam ni Kuya. Mukhang mas malala pa nga ang pinaggwagawa ko sa kanya eh.
I've been stalking him for four bloody years! Lagi ko siyang tinitingnan kahit feeling ko eh parang ang manyak manyak ko na. Inalam ko ang lahat tungkol sa kanya, mula favorite color niya hanggang sa brand ng brief na sinusuot niya. Ako pa nga ang admin ng fanpage niya sa FB eh!
Oo, alam ko. Para na akong obsessed sa kanya. Pero mali kayo ng inaakala.
Mas malala pa ako sa obsessed! Di joke lang.
Hay, kailan kaya kita maaabot?
Please, please. Anim na sign, magpakita lang kayo aamin na talaga ako sa kanya, promise!
••
Wahahay? Meron naman akong bagong story nuh? Balak ko kasing i-explore lahat ng genres dito sa Wattpad, walang exception dun ang Non-Teen Fiction na pupunuin ko talaga ng BS. LOL. JOKE! XD
Seryoso. Chicklet lang talaga ang di ko isusulat. HAHAHAHAH :D
P.S: Short story lang to.

BINABASA MO ANG
The Se7enth Sign (A Short Story)
Novela JuvenilPlease, please. Anim na sign, magpakita lang kayo aamin na talaga ako sa kanya, promise!