Daig ko pa ang zombie na bumangong muli mula sa hukay pagka-gising ko kinaumagahan.
Halos tatlong oras lang ang tulog ko. Pakiramdam ko nakainom ako ng isang tub ng kape kanina dahil halos di na ako dinalaw ng antok.
Di pa rin ako maka-recover dun sa pasabog ni Ronnil at Van.
Sila na? Bloody hell. Sinong mag aakalang may pagnanasa pala sa isa't isa ang dalawang yun?
Sabay kaming umuwi ni Van kagabi (diba magkapitbahay kami?) habang si Ronnil naman ay sumakay ng kanyang bisikleta papauwi sa kanilang subdivision.
Para makaalis kami sa campus nang di kami nakikita ni Mang Eddie A.K.A. The Flash, ay kinailangan pa naming akyatin ang fence ng school.
Di kami nag-iimukan habang naglalakad pauwi hanggang makarating na kami sa kanya kanya naming mga tahanan.
Nagtatampo ako sa kanya. Di niya kasi sinabi na sila na pala ni Ronnil sa akin. Hello? BFF niya ako.
Pero kung sa bagay, kung ako ang nasa katayuan niya, magdadalawang isip talaga akong ipangalandakan na kasintahan ko na si Ronnil. LOL.
So ayun na nga, di ko gaanong ramdam ang excitement ng Foundation Day dahil pagod ako at kulang sa tulog.
Pagdating ko sa school, agad bumungad sa akin ang mga sections na naghahanda ng kanila kanilang mga booths. May mangilan-ngilan na ring taga other school ang nakita ko.
Medyo boring pa ngayong umaga dahil mga booths pa lang ang mapapaglibangan mo. Mamaya pang hapon ang main event, ang The Voice of Cresentine University.
Ang pangit ng Foundation Day namin dahil one day activity lang ito. Bloody hell. Ang pangit pangit!
Nang makarating sa room namin ay agad kong na-spotan si Ronnil at Van na magkasama. Naka-costume na pang-white lady si Van habang si Ronnil ay pang-kapre.
Kasalukuyan silang nagkukuhanan ng mga litrato kasama pa ang iba naming kaklase.
Nag-po-pose sina Ronnil at Van ng wacky habang magka-akbay ng makita nila akong dalawa.
So, sila na talaga?
Agad na ngumiti si Van at kumaway-kaway sa akin na parang wala lang nangyari kagabi. Ganun rin ang ginawa ni Ronnil.
Gumanti rin ako ng ngiti sa kanilang dalawa. Isang pilit na na ngiti.
Di ko maipaliwanag pero bigla na lang sumama ang aking pakiramdam nang makita ko sila.
Epekto ba to ng puyat o nagsisimula na akong mabaliw?
"Oi, sigurado ka bang di ka talaga galit? Oi, Ching!"
"Sinabing hindi na eh! Gusto mo magalit ako, ha?" inis kong sigaw kay Ching.
Kanina pa pini-peste ni Van habang naglalakad kami papunta sa school, malapit nang magsimula ang contest at sasali si Olivert. Kailangang nandun ako!
"Joke nga lang eh. Pero seriously, di ka talaga galit?" nagtataka na naman niyang tanong sa akin.
"Kailangan ko pa ba talagang ulit-ulitin? Di. Ako. Galit. Shock lang, akala mo yun, may pagnanasa pala kayo sa isa't isa ng kapreng yun?"
Sumimangot siya sa kanyang narinig, "Ang sama sama mo talaga!"
"Eh, sa totoo naman talaga ah! Pero bagay naman kayong dalawa kaya wag kang mag-alala," sabi ko habang nakangisi.
"Grrr! Papatay--"
Nahinto bigla sa sasabihin niya si Van, nanlaki ang kanyang mata na animo para siyang nakakita siya ng multo, at sa akin siya nakatingin.
Mukha ba akong multo sa paningin ng bestfriend ko?
"Oi, Ching! Naririnig mo ba ang naririnig ko?"
"Hindi, kasi di tayo parehas ng tenga." pamimilosopo ko sa kanya.
"Ha-ha! Nakakatawa," sabi niya, "naririnig mo ba ang naririnig ko?" ulit niya kanina sa kanyang tanong, pero mahihimigan mo na ngayon sa tono ng boses niya ang pagka-excited.
"Hindi," sagot ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Hinawakan niya braso, "Makinig nang mabuti, dali!"
Nakasimangot, sinunod ko ang utos niya. Nakinig ako ng mabuti sa paligid.
'I'm like a statue, stuck staring right at you,'
Napamaang ako bigla sa narinig ko. Bloody hell.
"Omygash, omygash!" sigaw ni Van habang patalon talon sa harapan, hawak pa niya ang aking kamay.
Mabilis ko naman siyang binatukan, "Huy, late na tayo! Nagsisimula na ang contest! May kumakanta na!"
Natigilin naman siya pero di dahil sa batok ko, "Huy ka rin! Makinig ka ulit! Sign number four!"
Nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya nakinig ako ulit. Mas mataimtim sa oras na ito.
'That you're so beautiful
Don't wanna lose you, no'
Napamulagat na ako ngayon, hindi dahil nagsisimula na ang contest. Kundi dahil, ang kantang naririnig namin ngayon ay ang paborito kong awitin.
Hindi ko lang nakilala agad kanina dahil, er, sintunado yung kumakanta.
"Ang pang-- uy! Maghinayhinay ka naman!"
Bago pa man ako makapag-protesta, nahila na ako ng magaling kong bestfriend papasok sa school.
Habang papalapit kami sa stage, mas lumalakas ang boses at kung hindi ako nag-i-ilusyon, gumanda na ang tono nito. Lumamig yung tinig ng kumakanta.
Bloody hell, pinaglalaruan na yata ako ng tenga ko.
Sa di maipaliwanag na kadahilanan, ng makita ko na ang stage(habang tumatakbo pa rin kami ni Van), ay biglang nagrigidon ang pagtibok ng aking puso.
Marami ng tao ang nakapalibot sa stage, nagsimula na talaga yata ang contest.
Nang makarating kami ni Van sa kumpulan ng mga estudyante ay nakipagsiksikan siya. Walang takot niya na binabangga ang mga umaangal na ka-school mates namin. Despera talaga siyang makapunta kami sa unahan, malapit sa stage.
'Epic fail talaga yung ginawa ni Moreno kanina! Haha!'
'Pesti, natapakan ni Caballero ang bago kong sapatos! Putek!'
'Uy, nakita niyo ba ang ginawa ni Moreno kanina?'
'Ang gwapo-gwapo talaga niya, ang galing pang kumanta! Mygash!'
'Friendship! Natagusan ako, wala akong napkin na dala!'
'In love na talaga ako kay Olivarez. Obsessed na rin pala! Yay!'
'GO! GO! GO OLY OUR LOVES! MWA MWA!'
May narinig pa akong ibang bulongan ngunit di ko na pinansin.
At ang puso ko, ayaw pa rin nito tumigil sa malakas na pagtibok nito. Bloody hell, parang gusto na nitong tumalon mula sa rib cage ko.
Nakarating rin kami sa dulo sa wakas at nakita ko kung sino ang kumakanta sa stage, at kung alam ko lang, sana di na ako nag-angat pa ng tingin,
'Statue, stuck staring right at you,'
Dahil sa harapan ko ngayon ay nakatayo si Oliver Olivares.
At nakatitig siya sa akin habang inaawit ang paborito kong kanta.
Bloody hell.
BINABASA MO ANG
The Se7enth Sign (A Short Story)
Novela JuvenilPlease, please. Anim na sign, magpakita lang kayo aamin na talaga ako sa kanya, promise!