"Sige, dyan.. di! Iusog mo pa ng kunti, kunting-kunti na lang.. OK! Diyan na! Perfect!"
Idinik ko ang kurtinang itim gamit ang thumbtacks.
Foundation Day na nang school namin bukas at kasalukuyan kaming nag-dedecorate ng room namin para sa aming horror booth.
Bloody hell. Ang babalahura naming lahat diba!? 11th hour na kung kumilos.
Malapit nang mag alas-dose ng tanghali pero abalang-abala pa rin kaming lahat. Over time ang aming trabaho dahil sabi ni Ma'am Gayuna T. (Terror), project namin ito for 2nd grading (Oo, siya ang aming adviser at ang malas namin!).
May gumagawa ng props, may nag-lay-lay out ng mga poster, may mga kasalukuyang bumibili ng mga materials at unfurtunately, ako ang tagadikit ng mga kurtinang itim sa kisame.
Bloody hell. Ang tigas-tigas ng kisame! Bakit kailangang thumbtacks pa ang gamitin ko?!
"Sige, Ching. Tama na yan, dun naman tayo malapit sa pintuan magdikit ng mga tela." sabi ni isa kong kaklase
Agad naman akong bumaba at pinagtulungan naming buhatin ang mabigat na METAL ladder habang si Ma'am Terror, prenteng naka-upo dun sa sulok at nakatingin lang sa amin.
Bloody hell. Ang sarap lang bagsakan nitong metal ladder. Tignan natin kung di mapisa.
Nang malapit na kami sa pintuan ay inilapat na namin ang metal ladder. Pinunasan ko ang tagaktak nang pawis sa aking noo bago sinimulang muling pag-akyat sa hagdan.
Ang mga lalaki ang dapat gumagawa nito eh. Yung mga kapreng lalaki! Pero asan sila? Andun! Nagsi-absent nang mabalitaan nila na walang klase ngayon dahil mag-aayos kami nga classroom!
"U-uy! Ching mag-ingat ka." napatingin ako sa baba at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung si Levy na lang ang nakahawak sa hagdan!
Seriously!? Siya lang susuporta sa hagdan eh ang payat niya?
"A-asan na yung iba!?" tanong ko sa kanya
Napakamot siya ng kanyang ulo sabay turo sa labas ng pintuan, "M-may inutos si Ma'am sa kanila.."
Napunta ang mata ko kay Ma'am Gayuna na ngayon ay prenti pa rin na naka-upo sa upuan, pero this time, naka-dekwatro na siya habang may hawak na pamaypay, nalatutok naman ang electric fan sa kanya.
Ay hulaan niyo? Nginisihan lang niya ako.
Ang. Sarap. Niya. Talagang. Daganan. Nitong. Hagdan!
Ibabato ko na sana sa kanya ang maliit na box ng thumbtacks na hawak ko pero bigla na lang umalog ng kunti ang hagdan.
Ang sunod na nangyari ay basta na lang akong nahuhulog. Napasigaw ako.
"AHHHHHHHHH!"
Akala ko tuluyan na akong mahuhulog and who knows? Mabalian ng buto pero maramdaman kong may mga braso ang yumapos sa akin at sabay kaming natumba.
"A-aray."
Napadilat ako at nakita ko si Levy. Sinalo pala niya ako ngunit dahil sa payat niya eh, pati rin siya natumba. Pero nagpapasalamat pa rin ako kasi iniligtas niya ako.
Siya ang dahilan kaya ako hindi nabalian ng buto at ako ang dahilan kung bakit nabasag ang kaliwang lens ng glasses niya.
Sabi niya okay lang daw yun, though alam kong papagalitan na naman siya ng ate niya-- at baka ni Hillary.
"Sige, sige. Kunti na lang. There!"
"Yes!" sa wakas natapos na rin namin ang pagdidikit ng mga tela
BINABASA MO ANG
The Se7enth Sign (A Short Story)
Novela JuvenilPlease, please. Anim na sign, magpakita lang kayo aamin na talaga ako sa kanya, promise!