Si Hillary Cabañelez ang nanalo sa The Voice of Cresentine University.
Okay, di ko talaga ine-expect na makikita ko si Hillary na magpe-perform sa stage ng school namin ni minsan sa buhay ko.
Pero mas di ko ine-expect na magaling rin siyang kumanta. Mas magaling pa kay Oliver na second placer lang.
"Mmm," nakapikit na sabi ni Van, "ang sarap talaga ng fishball niyo Mang Ted! The best!"
"Ikaw talagang bata ka," umiiling ngunit nakangiting sabi ng matanda.
Kumakain kami ngayon ni Van ng fishball dito sa mga booths. Alas otso pasado na rin at kailangan ko nang makauwi bago pa mag alas nuwebe. Tiyak na ito-torture ako ni mama kapag na-late ako.
"Omygad, Ching! Di ka ba kinikilig? Dalawang signs na lang ang natitira." sabi ni Van, tempura naman ang nilalantakan niya ngayon.
"Gaga. Syempre nagdidiwang ang puso ko! Di ko lang ipinahahalata, mapagkamalan pa akong baliw." sagot ko kanya.
Pero sa loobloob ko, parang may kulang.
Di ko maipaliwanag pero di na ako nagiging kasingsaya kagaya ng dati kapag may nangyayaring sign sa ginawa namin ni Van. Parang may nag-iba talaga.
Parang ang dali lang ng lahat.
Bloody hell. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil kung kailan dalawang sign na lang ang natitira, saka pa ako mababahagan ng buntot?
"Christine, ipinabibigay sayo." nagising ako sa pagmumuni sa boses ng kaklase kong si Mico, nakangiti ito.
Naguguluhan akong tumingin sa kanya ngunit tinanggap ko pa rin ang sulat, "Sinong nagpapabigay?"
"Si Oliver," simpleng sagot niya.
Nag-double time naman ang pagtibok ng puso ko. Love letter kaya 'to?
"Huh? Bakit raw?"
Napakamot siya ng ulo niya, "Basta, basahin mo na nga lang yang sulat."
Di na siya naghintay na makasagot pa ako o kaya makapagtanong muli, tumakbo na ito sa kung saan.
"Dali, buksan mo Ching! Baka love letter yan!" kinikilig na sabi ni Van, inigaw pa niya ang papel sa akin at siya ma mismo ang nagbukas nito.
Pagka-bukas na pagka-bukas niya ng sulat ni Oliver, nanlaki ang mga mata niya. Nagpapanik?
"Ay, teka! Mauna na 'ko, magsi-CR lang!" nagpapanik na talaga niyang sabi sabay kuripas ng takbo.
Nang makarating siya sa may Horror Booth, yung booth namin, ay agad siyang bumalik papunta sa akin.
"Oh!" sabay abot niya ng sulat sa akin bago muling kumaripas ng takbo papuntang Wedding Booth. Eh sa pagkakaalam ko, wala namang CR dun. Baliw talaga ang babaeng yun!
Mabilis ko namang binuksan ang nakatiklop na sulat ni Oliver ng mawala na si Van sa paningin ko.
Pumunta ka sa Science Garden, please? May sasabihin lang talaga ako, promise!
Hoping to see you there,
Oliver.
Napamulagat ako sa hawak-hawak kong sulat, di pa rin makapaniwala. Paulit-ulit ko itong binasa.
Di kaya pinag-ti-tripan lang ako ng mga kaklase ko?
Bloody hell, patay talaga silang lahat sa akin kapag nalaman kong pinaglalaruan lang nila akong lahat. Uupakan ko sila isa-isa!
BINABASA MO ANG
The Se7enth Sign (A Short Story)
Novela JuvenilPlease, please. Anim na sign, magpakita lang kayo aamin na talaga ako sa kanya, promise!