CHAPTER X - EXCHANGE STUDENT

2 0 0
                                    

CHAPTER TEN

Blade's POV

I don't know what's gotten into me. My plan was to tease her and then she will burst out and we will fight for some unknown reason..

Too bad. That didn't happen..

~°~

Nasa kusina kami at Monday na ngayon. Hindi parin kami nagpapansinan simula ng mangyari yun kahapon.

Saktong sabay pa kaming natapos kumain at sabay kaming tumayo. Nagpakiramdaman muna kami bago siya nauna at sumunod ako.

Nakasunod lang ako sa likod niya. Kahit hindi kami nagpapansinan kailangan ko parin namang bantayan ang girlfriend kuno ko dahil responsibilidad ko ko raw yun bilang boyfriend kuno niya.

Ng malapit na kami sa Misaka Acad. Ay doon palang ata niya namalayang nakasunod ako.

Tumakbo siya papunta sa gate ng school kaya sumunod ako. Stupid! Bakit sakin siya nakatingin hindi sa daan!?

Hinabol ko siya at himala walang dumaan na sasakyan ng lumipat siya ng daan. Noong nasa gate siya hibalukat niya pa ang I.D niya kaya nahabol ko siya.

"Huy!" Kinalabit ko siya pero sinamaan lang niya ako ng tingin. Nakita ko pang namula siya kaya napangisi ako.

Affected kaya siya?

"Pwede ba!? Lumayas ka na at pumasok sa school mo!"

"Eh kung ayaw ko?"

"Sasapakin kita!"

"Go. Bakit hindi mo gawin? Lampa."

Nagulat nalang ako ng suntukin niya ako sa tiyan kaya napa-urong ako. Tumakbo siya papasok ng school nila kaya napa-iling nalang ako..

Tumayo ako at nagpagpag. Lalakarin ko nalang ba papunta sa school? Naiwan ko kasi motor ko kena Emy.

Naglakad-lakad ako at saka umupo sa may bench sa gilid ng gate ng MA. Misaka Acad. Bahala ng malate..

Emerald's POV

Patakbo akong pumasok ng gate. Kabanas na bakulaw! Ayoko talagang nakikita yung mukha niyang ang panget!

Naaalala ko lagi yung.. Yung.. Waaaaah! Anak ng tupa nakakabanas! Huhu. A-ang first kiss ko napunta sa bakulaw! T_T

"Ema?"

Napatingin ako sa harapan ko. Si Lucy.. Kasama si Flame.. Sila na kaya? Wait. Bigla akong kinilig.. Ehem. Hindi pwedeng pahalata.

"Lucy? F-Flame? Himala magkasama kayo? Haha.."

Niyakap ako ni Lucy at saka siya ngumiti. "Ikaw talaga makakalimutin. Sinabi na sayo ni Flame na Exchange Student ka diba? What are you still doing here?"

"H-HUH!? AYOKO SABI NA EH! HUHU"

"Wala tayong choice Ema. Nandito na actually yung kapalit mo at galing siya sa Sairen Acad. Sabi niya hinihintay ka na raw don."

"E-Eh!? P-pero.. Hindi ko alam ang daan papunta ron."

"Emerald nakapunta ka na ron diba? Doon nag-aaral si Ate Star tsaka.. Si Blade." Napatingin kami ni Lucy ng sinabi yon ni Flame.

Bakit siya ganon? Parang ang laki ng galit niya kay Blade at parang pati sakin galit siya? Alam kaya niya? Pero pano?

"A-anyways.. Sige aalis na ako Lucy. Flame? Kitakits?" Kumaway sakin si Lucy pero si Flame nakatingin lang na paranf nasasaktan.

Partners In Crime-- Este.. LOVE!? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon