CHAPTER II - HE

5 0 0
                                    

CHAPTER TWO

Blade's POV

I always loved her. But now.. Seeing her with someone else.. It hurts me. And It hurts me even more because I know I can't be mad at her..

"Tol. I think you need to let her go.." Ric

"No! Hindi ako susuko. Wag na wag mo akong itutulad sayo tol."

"There you go again. Bahala ka na nga diyan, buhay mo naman yan eh." Ric

Iniwan na niya ako at pinuntahan ata ang GF niya. Buti pa ang loko masaya na at tali. Ako naman umaasa at nagpapaka-tanga parin.

Hindi naman kasi ako aasa kung hindi siya nagbibigay motibo. Kaya nga lagi akong nag eeffort para mapansin niya ako.

"Hi Jewel." Nakangiti kong bati sa kanya. Ngumiti siya pabalik tsaka ako bahagyang pinalo sa balikat.

"Hi Blade. Handsome as always ah?" Jewel

"H-Hindi naman.." Kinurot niya ako sa pisngi kaya bigla naman akong namula. Buti nalang naka alis na siya kaya hindi niya napansin.

Dahil kay Jewy, nick name ko sa kanya. Buo nanaman ang araw ko. Buong araw akong nakangiti. Hindi naman ako nakapag consentrate sa discussion kase puro Jewel naiisip ko.

"Oh tol nyare sayo? Mukha kang timang kakangiti mo diyan." Ric

Ayan ang panira na si Ric Gonzalez at kasama rin niya ang GF niya na si Star Fire. Yep kapangalan niya yung sa Teen Titans.

"Hey Star." Bati ko sa kanya at Inignore si Ric. Inirapan lang ako ng gago kaya natawa si Star.

"TN tol. Girlfriend ko ang dinadali mo."

"TN?"

"Take Note yun."

Tumawa kami ni Star sa ka ekekan na nalalaman ni Ric. Hanggang sa makarating kami sa bahay nila Star ay iniinis lang nain si Ric.

"Haha tama na yan Balde. Baka mainis pa tong baby boy ko." Kinurot siya ni Star. Si Ric naman kiniss siya sa cheeks.

"PDA!!"

"Wag kang panira tol moment namin to." Kikiss pa sana si Ric kaso nilayo na siya ni Star. "Baby ko last nalang!"

"Heh abuso ka eh! Anyways, Ini-invite ko kasyong dalawa sa party ng kapatid ko bukas. Can you guys go?"

"For you I will."

"Uhh sure."

Alam niyo na siguro kung alin yung sinagot ko ano? Syempre yung pangalawa! Hindi po ako corny!

"Haha thanks guys I will tell Mom nalang. Bye guys.." Pumasok na si Star sa loob kaya umalis na rin kami ni Ric.

"Tol tingin ko kailangan mong bumili ng regalo para kay Star at sa kapatid niya." Banggit ko ng mapadaan kami ni Ric sa isang shop.

"Oo nga no tol? Sige hintayin moko dito."

Tumakbo siya papasok ng shop at hinintayan ko siya dito sa labas. Maaga pa naman may mabibili pa naman sigurong matino yun.

Kinalikot ko nalang ang phone ko at tinignan lahat ng pictures ni Jewel. Napaka ganda talaga nito at halatang anak mayaman.

Kailan kaya ako yayaman?

Wag niyo akong husgahan! Hindi ako nagkagusto kay Jewel dahil mayaman siya. Nagustuhan ko siya dahil mabait siya.

"Oy panget! Hindi ko kasalanan na tatanga tanga ka kay kita sinigawan!"

At hindi siya asal kalye na naririnig ko ngayon. Tinignan ko ang mga lalaki na nakapalibot at nakabilog sa isa pang lalaki.

"Sinabihan moko ng gago kung nakakalimutan mo. Hayaan mo hindi ka naman namin pahihirapan.. Sasaktan lang." Sabi ng isang lalaki

"Oy itigil niyo yan."

Ano... ANO BANG GINAGAWA KO!?

Tumingin lahat ng lalaki saakin kaya nakita ko ang babaeng nasa gitna at hawak hawak ng tatlong lalaki na naka tali pa at may takip sa bibig.

I clenched my fist at pinipigalan kong sugurin ang mga lalaking to. Napaka bastos at mga walang modo. Dapat sa kanila tinuturuan ng leksyon.

"Pst sabihin mo kay boss may pakielamero dito--" kinwelyuhan ko siya at saka binalibag kaya napahiga ang gagu.

"Tagal ko na ring hindi nag e-exercise." Pinatunog ko ang mga daliri ko at saka yung leeg ko. Nag handa ang mga lalaki.. Mga 8 lang naman sila.

Sinugod ako ng isa pero napatumba ko siya sa isang suntok. One-punch man pa more. Sinugod naman ako ng tatlo ng sabay sabay.

Sinipa ko ng malakas ang isa kaya napatumba siya sa isa bago ko sinuntok sa panga ang pangatlo at bumagkas siya sa dalawa.

Eto na pinagmamalaki nila?

May sumugod nanamang tatlo pero ganun din ang nangyari sa kanila. Tingnan ko ang mga lalaking nakahandusay sa lapag bago ang natitirang lalaking naka hawak sa babae.

Binuhat niya ang babae at saka tumakbo palayo pero hinabol ko siya at sinipa sa ulo niya.

*BOOOOOGSH*

Bagsak. Lumapit ako sa babae at saka siya tinanggal sa pagkakatali at tinanggal ko ang tape sa bibig niya.

"ARAY!" Napabigla ata ang pagtanggal ko kaya hinawakan ko ang bibig niya. Ang sakit siguro non.. At ang lambot ng labi niya?

Tinapik niya ang kamay ko at tinignan ako ng masama. "Manyak! Wag mo akong hahawakan!"

"Huh!? Wala kang utang na loob babae ka! Buti nga niligtas pa kita eh!"

"Wala naman ako sinabing iligtas mo ako ah!? Humingi ba ako ng tulong!?"

"Bakit ka sumisigaw!? Kung ayaw mong mag thanks you edi wag! Tsk"

Tumayo ako at iniwan na siya doon. Kabad trip. Sigawan ba daw ako eh ako na ngang napasabak para tulungan siya.

"SORRY!"

Napatigil ako sa paglalakad pero nakatalikod parin ako. Tama ba dinig ko? Nag sorry siya?

"TSAKA THANK YOU!"

Napangisi ako tsaka ako lumingon. Mag te-thank you naman pala pinatagal pa niya. Pabebe pa eh..

"YOU'RE WELC-- NASAN NA SIYA!?"

Pagkalingon ko wala na yung babae kanina. Nasan na yun? Parang multo nawawala nalang bigla..multo nga ata yun eh!

"Tol! Anong ginagawa mo diyan? Napasabak ka ata?" Ric

May dala siyang chocolates tsaka malaking teddy bear na may naka sulat na For my Love: Star Fire

Corny mo boy -_-

"Oo may tinulungan ako eh. Tingin mo anong grupo toh pre? Ang hihina lang."

"No Idea. Tapos nalo diyan tol. Ayoko pang madamay si Star sa mga yan."

Nagkibit balikat nalang ako at saka na kami umalis ni Ric. Yung gago pinahawak sakin yung teddy bear! Yuk!

"Wag kang maarte tol pustahan bibilhan mo rin ng ganyan si Jewel."

"Ewan ko tol. Masyadong cheezy."

"Ewan ko sayo!"

Kinuha niya sakin yung teddy bear at pumasok na sa bahay nila. Magkapit bahay lang kami ni Ric. Papasok na dapat ako saamin ng makita ko ulit ang babae kanina.

Kapitbahay ko siya!?

May dumaan na truck at inabangan ko siya pero wala nasiya don.

Dali dali akong pumasok sa bahay namin.

PATAY!! MULTO NGA SIYA!! >_< HUHU

Partners In Crime-- Este.. LOVE!? (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon